Joey's POV Sabi ko nga…. PUSAAANG KIIINNNAALLLBBBOOO!!!!!!! ANG BOBOOO MOOOOO!!!!!!! "Jo-Joey babe ka?" nakaturo pa si Kylie sa akin. Halata sa mukha nilang dalawa ang pagkabigla. "Tulungan nyo muna akong magbihis dito bago nyo ko tanungin” lumapit naman sina China at Kylie akin at tinulungan akong magbihis, kahit na medyo gulat pa, maayos naman nila akong natulungan kaya nakatapos ako agad. "Mon humarap ka na bihis na ako." pulang pula pa rin ang loko hanggang ngayon ehh. "sya maupo muna kayong tatlo baka mangalay kayo." nang makaupo silang tatlo tiningnan ko sila isa isa. Tsk! bobo mo Joey hindi lang isa tatlo pa talaga ang nakaalam, katanga tanga mo kahit kailan. "Ano na?" panimula ko. "Babae ka?" sabi ni Kylie. Tsk hindi pa ba halata. "oo" matipid na

