Joey's POV
Porma ni Tandang Go, dalawang araw lang ayos ng lahat, as in lahat, pati titirahan ko habang nag-aaral at mga gamit para sa school. Tiitira daw ako sa isang apartment malapit sa school, nakita ko na nga kahapon, hanep sa ganda ehh, kumpleto pa ang gamit.
Nakapasa nga pala ako, hanga nga si tanda ehh. 98 ang average ko, taas no. Hoy may utak to, madalas lang talagang hindi ginagamit.
Ang bait bait nga sa akin ni tanda, binigyan pa ko ng trabaho. Gagawin daw akong bodyguard niya tuwing may lakad siyang alanganin. Syempre tinanggap ko pera din yun kakailanganin ko yun panggastos habang nag-aaral ako. Hindi naman pwedeng naasa lang ako kay tanda, kahit papaano naman may hiya ako sa katawan, at hangga’t maari ayaw kong umaasa lang. Humiling din ako sa kanya kung pwede niyang bigyan ng trabaho si Bogart, janitor lang daw ang available na trabaho, syempre tinanggap ni ugok aba naman sa hirap ng buhay naming dalawa lahat ng grasya tinatanggap naming basta may mapakain lang sa pamilya. Yung bahay kong naiwan pinatirahan ko kay Bogart, masikip na sa kanila eh, tsaka para hindi pamugaran ng adik sa amin, mahirap na.
Oo nga pala magsisimula na akong pumasok next week, sa ngayon eh naglilipat na ako. Tinulungan ako ni Bogart maglipat sa apartment, wala naman ako masyadong dadalhin dito dahil ang unti ng gamit ko, tong si Bogart nakisama lang para daw makaranas siyang makapasok sa magandang bahay tsaka wala din yang magawa kaya binitbit ko na nang may maalila ako.
"Naks boss, bigtime ka na ngayon ang ganda ng bahay mo ehh" sabi niya habang manghang mangha na ginagala ang tingin sa bahay.
Ganito itsura nung bahay, may sala, kusina at banyo, sa taas dalawa ang kwarto tapos parehong may banyo sa loob, yung isa akin, yung isa bakante. Tinatamad akong magdescribe ehh ayos na yan.
"Oo maganda nga"
"Pwede kang magdala ng chicks dito boss, sama mo ko pag may chicks ka"
PAK
"Aray boss, biro lang naman"
"Ugok ka lumayas ka nga dito, ayusin mo trabaho mo bukas, pag natanggal ka dun bahala ka na"
"Aayusin ko yun boss ako pa. Sige good luck sa pag-aaral boss. Basta pag may chicks ahhh. Hehe, babay" patakbo siyang nagbababye paano babatukan ko ulit.
Pagkatapos kong maglipat humilata na agad ako, pasukan na bukas kailangang ipahinga ang utak at mukang magagamit na naman.
Nagising ako ng mga alasais, seven pa naman ang pasok ko kaya naligo, nagbihis at kumain, syempre nagsipilyo din ako.
Ayos ang itsura ko, maluwag na jeans at maluwag na lumang t shirt at rubber shoes na luma pa kay tandang Go, wala namang uniform ang school nila eh, kaya ayos na to.
Makapasok na nga, ou nga pala binigyan ako ni tandang go ng motor, tinanggihan ko pero sabi niya hindi naman niya binibigay sa kin yun babayaran ko daw yun, ano daw ako sinuswerte. Tsss.
Wala pang 10 minutes nasa school na ko, tinanguan ko yung gurad, tinaguan niya rin ako. Kilala na ko niyan, nandito ako nung sabado eh tinour ako nung isa sa prof ditto, kakwentuhan ko pa nga yan nung sabado.
Pagkapark ko ramdam kong maraming nakatingin sa kin. Pssh, mga usisero, kala mo ngayon lang nakakita ng tao. Yaan mo na nga mahanap na lang yung room ko. Nakalimutan ko kung san eh, malalate ako nito.
Skyzel "Stone" POV
"Yow Sky, nabalitaan mo ba yung tungkol bagong estudyante?" tanong sa kin ni Taiki, kasalukuyan kaming nasa tambayan naming, may sarili kaming tambayan sa loob ng campus, complete with gadgets and lahat ng kailangan namin.
"Oo, si lolo ata ang nagpasok sa kanya ditto, sya ata yung tumulong kay lolo" sagot ko sa kanya.
"oh siya yung cool na boses sa phone" sabi ni Ryuu
"na astig mangtrash talk" dagdag ni Yujii
"oo" matipid na sagot ko, si Orpheus ayun nasa gilid naggigitara, ganyan naman lagi yan.
"eh anong plano? Edi hindi siya pwede" sabi ni Taiki, medyo malungkot pa ang loko.
Let me explain, rare sa school na to ang bagong etudyante so everytime may bagong estudyante dito winewelcome namin but in a very uniqe and well, lets just say that you'll regret enrolling in this school.
"Hinde, iwelcome natin siya, tingnan natin kung gaano katibay ang tagapagligtas ni lolo" seryosong sabi ko
"Hindi kaya tayo bugbugin ng lolo mo, we might get in trouble you know." sabi bigla ni Orpheus, aba himala nagsalita.
"Hindi yun, hindi naman tayo matitiis ni lolo. Papasok ba tayo ngayon?" tanong ko sa kanila, magkakaklase kami, kasi pinagsabay sabay talaga namin para Masaya, inintay pa namin yung kabal, eh late din silang pumasok, kaya eto parepareho kaming first year college, Business Management, syempre expected na sa amin yun.
"Wait, di ba business management yung bagong student" sabi ni Taiki, tiningnan ko naman sya.
"Paano mo nalaman?"
"Sabi ni babe." sabi niya.
"Sinong babe?"
"Hindi ko alam ang pangalan ehhh, haha, tinawag akong babe kanina edi nakibabe ako" engot talaga to, kahit kailan babaero.
"Tsk, sige tara pumasok. Anong oras ba simula ng first subject natin?" tanong ko sa kanila..
"15 minutes befor time" sabi ni Orpheus na titingintingin pa sa relo niya.
"ok tara na pumasok" yaya ko sa kanila.. nagsunud sunod naman sila sa akin paglabas namin ng tamabayan ayan na naman ang nakakabwisit na sigawan.
"AAAAHHHH... THERE THEY ARE... STOOOORRRMMM"
"SKYZEL I LOVE YOU"
"YOU'RE SO CUTE RYUJII AND MYUJII"
"TAIKI.. AHHHH..." kumindat pa ang loko lalo tuloy nag-ingay
"WAAAAHHHH"
"ORPHEUS YOURE SO HOT... WAAAHHHH"
Tsk ang iingay, yung iba jan nakafling na naming, wala eh, lahat kami babaero. Si Orpheus lang ang medyo hindi pero medyo lang.
Pagpasok namin sa room marami ang bumati sa amin, napatingin ako sa paligid, mukhang wala pa ang new student ahh. Naupo kaming lima sa likod, dito lagi ang spot namin para kita lahat ng nangyayari sa classroom at malayo sa prof.
Dumating na yung prof pero wala pa rin yung bagong student, baka naman hindi talaga siyadiyo at palpak lang ang information ni Taiki. Mga 15 munites ng nagsasalita yung prof ng biglang…
BLAG
Biglang bumukas yung pinto, natigil naman yung prof at tumingin dun sa pinto, syempre lahat kaming nasa room napatingin sa pinto. Paano ang lakas ng pagkakakalbog nung pinto. Mukhang nabwisit yung prof dahil sa pagkakaabala sa kanya, tiningnan ko naman yung papasok na estudyante, maluwag na jeans at maluwag na tshirt ang suot nya, para lang siyang naligaw dito sa school..
"Siya na ba yun?" bulong ni Taiki sa tabi ko, tiningnan ko ang reaksyon nila. Sila Taiki parang pinag-aaralan yung bagong estudyante, si Orpheus lang ang pinakaiba ang reaksyon, titig na titig siya at kunot na kunot ang noo. Ano kayang problema nito?
"HOW DARE YOU INTERUPT OUR CLASS!!! HINDI KA BA MARUNONG KUMATOK??!! WHO ARE YOU??!!" sigaw ni Maam Banes, malupit tong teacher na to, nakakainis nga eh laging high blood, lalo na kapag may nanggugulo ng klase niya, patay to.
"Sandali sandal, wag kang sumigaw. Ang lapit ko ohh" sabi niya, nakatakip pa yung kamay niya sa tenga niya. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Maam sa pagsagot nung bagong estudyante.
"Adik ata yan, sinagot si maam hahaha" sabi ni Taiki.
"ABAT-" hindi naituloy ni maam ang sasabihin niya dahil nagsalita na naman yung bagong estudyante.
"Sandali, hindi ko pa nasasagot tanong mo. Una hindi na ko kumatok, kasi kanina ko pa hinahanap tong room na to, ilang pinto na ang kinatok ko kaya masakit na ang kamay ko kaya sinipa ko na lang yung pinto, tapos ako yung bagong estudyante,Joey Cruz pangalan ko.." walang emosyong sagot niya.
"hahaha grabe tong lalaking to.." sabi ni Ryuu
"oo nga idol! hahaha" pagsang-ayon ni Yujii
Tsss tamo tong abnormal na kambal natuwa pa, ay hindi pala, tatlo pala, mukang natutuwa din si Taiki eh.
"Bastos kang bata ka, ipapaalam ko kay Dean ang ginawa mo ngayon." pagbabanta ni Maam, yung mukha ni maam pulang pula na sa inis yung kanya naman ganto lang
-_-... kanina pa ganaya ang mukha niyan di na nagbago.
" Ayos, samahan kita mamaya, hindi pa kami nagkakausap ni Tandang Go ehh" sabi niya.
Yung mga kaklase ko kanina pa nagpipigil ng tawa kami nila Taiki hindi na.
"ahahahaha" tawa nila Yuuji, kasama ako haha, tandang go ang tawag niya kay lolo hahaha.
"aba’t, bastos ka talaga..."
"psshh mamaya mo na ko pagalitan, mag-aral muna tayo sayang oras" sabi niya sabay tingin sa buong room, naghahanap siguro to ng mauupuan, biglang tumigil ang tingin nya sa aming lima.
"Hanep pre, ang liit naman ng mukha ng lalaking yan, masyadong feminine ang mukha" puna ni Taiki, tumango tango naman kami nung kambal, ngayo ko nga lang napansin ang muka niya nang humarap siya sa amin at tama ang sinabi ni Taiki.
Bigla siyang tumingin kay Orpheus, si Orpheus naman kunot na kunot ang noong nakatingin din sa kanya.
"oi boy kanta! kaklase pala kita." sabi niya. Tinanguan pa si Orpheus, boy kanta??
"Ui maam dun na lang ako sa dulo uupo. Geh." sabi niya kay maam sumaludo pa, mukang galit na galit na si maam pero parang hindi niya alam ang gagawin dun sa Joey, kasi hindi na siya nakapagsalita pa, panigurado ngayon lang nakaranas si Maam Banes ng ganyan.
"Pre kilala mo?" tanong ko kay Orpheus.
"Nakita ko lang siya once" sagot niya..
"Bat boy kanta?" tanong ni Taiki, bago makasagot si Orpheus naupo yung Joey sa harap naming, tumingin muna siya sa aming lima, bago kay Orpheus.
"Ayos to boy kanta nagkita na naman tayo, naks ayos mga kaibigan mo ahh, mga hindi rin nauusukan" sabi niya sabay talikod.
"Anong hindi nauusukan?" nagtatakang tanong ni Taiki
"Malay ko dyan" sagot ni Orpheus.
Tutal naman nandito na to masimulan na nga ang welcoming party.
"hoy!" sabi ko sabay sipa sa upuan niya.
Kunot noong tumingin siya sa amin.
"Umalis ka jan nakaharang ka eh" mayabang na sabi ko, nagets naman nung apat ang ginagawa ko kaya, ngingisingisi lang sila.
Tiningnan niya lang ako bago uli tumingin sa harap. Aba, matapang ang isang to ahh, kadalasan kasi isang sabi lang naming sinusunod agad. This will be fun.
"hoy!" mas malakas na sipa ko, hehe, ang sarap mangtrip.
"hoy" sipa ulit
"hoy"
"hoy"
"hoy" sa bawat hoy ko may sipang kasama, natatawa na nga kaming lima dito.
Bigla siyang tumingin sa akin, naasar na ata haha.
"Hoy ugok na mukhang espasol akoy tigilan mo sa kahohoy mo. Natatae ka ba? Lumabas ka na bago mangamoy" sabi niya sabay talikod sa kin. Nagulat ako sa nagging reaksyon niya.
What the..?? Badtrip to ahhh.
"Bwahahahahaha pucha tol talo ka wahahahaha muka ka daw eapasol" tawa ni Taiki.. actually silang lahat, may ibang estudyanteng nakitawa pa, mga nakikiusyoso
Matapang to ahhh, handa mo sarili mo hindi mo kilala ang binangga mo, gagawin kong miserable buhay mo.