Secret 5

1240 Words
Joey's POV   Natuwa ako sa sinabi ni Tandang Go. Ngayon lang uli ako nakangiti ng ganon.   ~__~ yan ako masaya na ako nyan... wag kang magulo...   Sabi ni Tandang Go kailangan ko pa daw mag-exam. Siya na daw bahala sa mga papeles na kakailanganin ko. Nung tinanong niya sa kin kung may birth certifcate daw ako at kung anu ano pang dokumento. Sabi ko wala, kaya siya na daw bahala, pati apelidong gagamitin ko siya na daw din bahala, nagtaka nga siya kung bakit wala akong apelido ang sabi ko na lang wag siyang magtanong o mag-imbestiga pa para sa ikabubuti ng lahat, muka namang naintindihan niya ako, he’ll be the one to manage everything daw. Bahala siya, gusto niya yun eh.   Ieenroll niya daw ako sa school niya, first year Business Management daw, umoo naman ako. Aba kahit anong course ang ibigay niya kukunin ko, basta makapag-aral ako.   Muntik pa kaming magkaproblema kanina kasi daw hindi naman daw ako nag-aral ng elementary at high school. Sa documents daw madaling pekeen eh yung knowledge daw ang problema. Sabi ko naman sa kanya umatend ako ng elementary hanggang third year high school kaya walang problema. Takot yung mga teacher sa magulang ko kaya pinayagan akong makisali sa discussion dati kahit na walang pormal na papeles maayos naman ang nagging pag-aaral ko at isa pa maraming tinuro sa akin ang mga magulang ko.   Next week pa yung exam kaya may isang linggo pa ko para mag-aral. Binigyan ako ni Tandang Go ng mga reviewer, yun daw aralin ko panigurado daw lalabas sa exam, binigyan niya rin ako ng panggastos 5000, kung kulang daw humingi pa ko, tsk yaman talaga ng taong yun, yung 5000 na binigay niya ilang linggo ko ng pangkain, yung kalahati dun ilalagay ko sa ipon ko.   Sa nagdaang araw hindi muna ako naghanap ng raket, kaya namroblema si Bogart dahil wala siyang kikitain. Binigyan ko na lang ng isang libo para hindi na ko kulitin, tuwang tuwa nga ang loko ehh.   Nung araw na ng exam pumunta muna ako kay Tandang Go, pinadaan niya kasi ako. Naggood luck lang naman siya sa akin at kinausap ako saglit tapos ay pinahatid niya ako sa driver papuntang school niya.   Pagdating naming sa school ni Tandang Go, wala akong nagawa kundi mapatitig. Hanep ang laki ng school eh. Walang estudyante ngayon, linggo kasi, tsaka ako lang naman mag-eexam ngayon kasi nasa kalagitnaan na ng klase buti nga pinayagaan, pero sino ba naman tututol sa request ng may-ari di ba.     “Sir, this way” sabi nung isang tauhan dito sa school. Pagkababa ko kasi sa kotse, sinamahan na agad ako sa admin at eto na nga pakukuhanin na ako ng exam.   Kinuha ko yung test ng mga isat kalahating oras, at nasa reviewer halos lahat nung tanong, may naiba man kakaunti lang, muka namang papasa ako, kaya ayos na.  Pagkatapos ng exam ko ginala ko yung school, umalis kasi yung driver 5 pm pa daw ako babalikan, 3:30 pa lang kaya naggala muna ako.   Dahil sa paglalakad lakad ko napadpad ako sa parang garden ng school may pangalan pa nga, "Botanical Garden", yan yung nakasulat dun sa taas ng gate, muka namang pwede dito kaya pumasok ako. Ang ganda naman ditto, maraming klase ng halaman, karamihan pa ay may bulaklak, yung iba ngayon ko pa lang nakita. Sa gitna ng garden may bench tapos may puno sa likod nito. Hmmmm. May isang oras pa naman bago dumating yung driver makatulog muna.   Inakyat ko yung puno, ayokong matulog dun sa bench, mukhang mamahalin, kaya sa sanga ng puno ako matutulog mas masarap matulog dun, mahangin. Medyo malaki yung sanga kaya kayang kaya ako medyo malago din yung dahon ng puno kaya hindi ako makikita dito. Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa sanga at sumandal sa puno tapos pumikit, yung dalawang kamay ko ay nakapatong sa hita ko.   "Girl im in love with you.   This aint the honeymoon.   Past the infatuation phase.   Right at the thick of love.   At times we get sick of love.   It seems like we argue everyday."     Anak ng pating naman, natutulog ako eh nag-iingay. Tsk kahit maganda boses niya istorbo siya. Paano ko ba mapapatigil to. Ahhh! Kinuha ko yung scratch paper ko kanina, naisilid ko sa bulsa ko eh, kinuyumos ko yun at…   TOK sapul sa ulo.     Orpheus' POV   Nakakatamad ang araw na to kaya nagpunta ako ng school. Kukuninin ko yung hiniram na gitara ni sir. Ang ganda daw kasi ng gitara ko  gusto niya daw itry. Buti na lang at nahanap ko agad si sir. Nung nakuha ko yung gitara nagpunta muna ako ng Botanical Garden, makapagrelax dun tinatamad akong sumama kina Skyzel mag-iinuman at mambabae lang naman yung mga yun.   Umupo ako sa lagi kong tinatambayan, yung bench na pinalagay ko dito. Yes its mine, hiniling ko kay lolo Gotoe.   Sunubukan ko yung gitara kung maayos pa ang pagkakatono, muka naman okay, kaya sibnubukan ko yung inaral kong kanta nung isang araw.   "Girl im in love with you.   This aint the honeymoon.   Past the infatuation phase.   Right at the thick of love.   At times we get sick of love.   It seems like we argue everyday."   Feel na feel ko yung pagkanta ng biglang..   TOK    What the hell! Tiningan ko yung bagay na tumama sa ulo ko, bago tumingin sa pinanggalingan nito. Pagtingin ko sa taas ng puno, may nakita akong tao, lalaki ata to. Ang ganda naman nito para maging lalaki, tsk, bakla mo Orpheus pati sa lalaki nagandahan ka.   Humanda sa akin tong lalaking mukhang babae na to.   "Why the hell did you do that?" naiinis na sabi ko sa kanya. By now nakatayo na ko at nakatingala sa kanya. Siya naman nakaindian sit sa branch ng puno blangko lang ang mukha niyang nakatingin sa akin.   "Paano istorbo ka, may natutulog dito eh" walang emosyong sabi niya.   Wait parang pamilyar yung boses niya. Hmmm, so what kung pamilyar, tarantado to.   "What? Anong istorbo? Last time I checked garden to hindi hotel para tulugan, and what are you doing there anyway. Outsider ka no. Bawal ka dito"   “Tsk! Ang dami mong satsat, para kang babae." sabi niya. Nakakabadtrip to ahh. Ang tahimik kong to nasabihan pang babae. Sinamaan ko siya ng tingin, siya naman nakatingin lang sa kin.   "Boy anong oras na?" biglang tanong niya sa kin. Kumunot naman ang noo ko, adik ata to.   "What?"   "Ayos tinanong kita tapos sinagot mo ko ng tanong. Psshh! simpleng oras di pa masagot ng ayos" sabi niya. Naasar na ko dito ahh, parang ang tanga ko sa paningin niya.   "4:45 ok! Masaya ka na" naiinis na sabi ko.   "Anak ng pucha! Napahaba ata tulog ko" sabi niya sa sarili, nagkamot pa siya ng ulo bago saglit na tumingin sa akin at tumalon pababa sa puno. Woah! Kung hindi ako badtrip sa kanya hahanga ako sa dito, ang taas kaya nung tinalon niya pero para sa kanya parang wala lang, may sa pusa ata to.   Nagpagpag muna siya tapos naglakad palapit sa akin, kung pagmamsadan para talagang babae to masyadong maliit at ang petite ng katawan kahit na nakasuot siya ng malalaking damit parang lalo nga siyang lumiit dahil sa suot niya, may lalaki palang ganito.   Nung nasa harap ko na siya, tiningnan niya muna ako, parang pinag-aaralan niya yung mukha ko, medyo uncomfortable kasi talagang inilapit niya ang muka niya, bakla ata to ehh.   "What?"   "Ganyan ba ang mukha ng mga napasok dito?" napakunot naman ang noo ko.   "huh?"   "Masyadong makinis, parang hindi pa nauusukan yang muka mo eh. Sige bache na ko." sabi niya, sabay alis. What a weird guy. Whoever he is he must have a mental problem. Well whatever, makauwi na lang total may pasok pa ko bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD