Secret 4

931 Words
    Joey's POV   Pinagaling ko muna yung mga pasa ko bago ako nagpunta dun sa kompanya ni Tandang Go, yun na itatawag ko sa kanya, masyadong korni pag Don Takano. Inabot ng isang linggo ang pagpapahupa ko ng mga pasa, ang tagal ba, nakipaglaban pa kasi ako, mga nakaapat na laban pa ako, kaya may pamasahe ako papunta dun sa kompanya ni Tandang Go, ang laki ng kinita ko sa apat na laban kaya nakaipon ako.   Hindi na ko nag-ayos ng todo, ni hindi nga ako nag-ayos, naligo lang nagjeans na maluwag at maraming t-shirt na maluwag, lahat ng damit ko maluwag, pagkatapos ay sinuklay ko rin konti ang buhok ko maiksi lang naman ang buhok ko eh, kaya minsan ko lang sinusuklay, kamay kamay lang madalas.   Nagbyahe ako papunta sa Takano Company, malayo layo rin, mga isang oras na byahe, trapik kasi.   Nung nakarating ako sa entrance pinagtinginan ako ng tao. Ngayon lang ba sila nakakita ng mahirap, sabagay lahat ng nakikita kong nakapaligid sa kompanyang ito ay maayos at mukhang mamahalin ang damit, tsk, mga mayayaman kasi. Nagdirediretso akong nagpunta sa... ano bang tawag dun??? hindi ko alam ehh, basta pinuntahan ko yung babaeng may kinakausap sa telepono.     "Can I help you sir?" ngingiti ngiting sabi sa kin nung babae, pucha nagpacute pa. Bwiset.   -_- ako yan.. ganyan lang ang ekspresyon ko. Hindi na yan magbabago.   "nandyan ba si Tandang Go??" walang emosyong tanong ko sa kanya.     "sino ho yun... Im sorry sir but we dont have an employee who has a name like that" aba, iningles pa ko.   "oh eto" binigay ko sa kanya yung calling card ni Tandang Go.     "ahhh si President Takano po.. may appoinment po ba sila?" tanong niya na naman. Batrip to ayaw na lang sabihin kung nasan si tanda ang dami pang sinasabi, bibigwasan ko to ehhh.   "miss, sabihin mo sa kanya, hinahanap kamo siya ni Joey, kilala niya ko. Sabi niya puntahan ko daw siya" pigil na inis na sabi ko.   "Sige po sir. Sandali lang po." sabi niya tapos ay may tinawagan siya. Nag-usap pa sila bago iabot sa kin nung babae yung telepono.     "oh" ako yan.     "ikaw nga." sabi niya..   "Anong ako nga? Eh ako nga to. Psshh, ui tandang Go bakit mo ko pinapunta dito kung di mo naman ako haharapin" sabi ko sa kanya. Narinig ko pang nagulat yung babae kanina, tiningnan ko siya, nakatitig lang siya sa akin na para bang tinubuan ako ng pigsa sa noo. Problema nito.   "haha. Ganyan ka ba talaga magsalita?" natatawang sabi nung matanda.   "Oo, ano na? Makikipagkita ka ba o mag-uusap lang tayo sa telepono niyo."   "kakausapin kita ng personal. Ibigay mo ulit kay Ms. Sanches ang phone" binigay ko naman dun sa babae yung phone, Ms Sanches pala pangalan niya.   "ok po sir" narinig kong sagot ni Sanches. Sinamahan ako ni Sanches pumunta dun kay Tandang Go.    Nung nakarating kami sa harap ng opisina ni tanda may naisip ako agad. Kalaking pintuan nito ahhh. Naakahiyang hawakan baka magasgasan. Kumatok muna si Sanches.   "come in" sabi nung boses mula sa loob, pinapasok ako ni Sanches sa pinto.   "sige ho sir" paalam niya sa kin, tinanguan ko na lang siya at nagdirediretsong pumasok sa loob, nakita ko agad si Tandang Go. Ang gara ng suot ehh halatang bigtime, ngumiti siya nung makita niya ako.     ^_^ siya ayan   -_- ako yan...   "kamusta ka na iho? Ang tagal kitang inintay. Bakit ngayon ka lang nagpunta?? Maupo ka." nakangiting tanong niya. Tsk ayan na naman yang ihong yan.   "ngayon lang ako sinipag ehh" sabi ko sa kanya.   "haha. Interesting ka talaga" natatawang sabi niya, may nakakatawa ba sa sinabi ko.     Don Takano "Tandang Go" POV   "ngayon lang ako sinipag ehh" sagot niya.   "haha interesting ka talaga" sabi ko, interesado ako sa batang to, masyadong siyang misteryoso para sa akin. Yung ganyang kilos niya, I know na marami siyang tinatago.   "bakit mo ko pinapunta dito?" diretsong tanong niya.   "para bigyan ka ng reward sa kabutihang ginawa mo sa kin" nakangiting sabi ko, kumunot naman ang noo niya.   "kabutihan?" nagtatakang sabi niya.   “Hindi ba’t niligtas mo ko, bibigyan kita ng reward para pasasalamat." sabi ko. "ahhh, hindi naman kabutihan yun, nadamay ka lang" sabi niya.   "huh? nadamay" nagtatakang tanong ko.   "hindi naman talaga dapat kita ililigtas. Badtrip lang talaga ako dun sa mga madudugas na kumidnap sayo, ginantihan ko lang sila sa pamamagitan ng pagligtas sayo" pagpapaliwanag  niya, medyo nagulat naman ako sa sinabi niya.   "so nadamay lang pala ako."   "Oo. Kaya kung bibigyan mo ko ng reward para lang sa kabutihan ko eh wag na kasi wala ako nun" deretsong sabi niya, patayo na siya pero pinigilan ko siya.     "sandali iho"   "Joey pangalan ko" sabi niya, kung makapagsalita talaga ang batang to kala mo kasing tanda ang kausap.   "okay Joey, kahit na nadamay ako, the point is tinulungan at iniligtas mo ko, kaya tutulungan din kita. Ilang taon ka na ba?"   "18" sabi ko na bata pa to ehh. Akala ko nga mas bata pa siya eh.   "Kasing edad ka pala ng apo ko. Nag-aaral ka pa ba?" tanong ko sa kanya.     "Psshhh, perang pangkain nga hirap na kong makakuha, pang-aral pa kaya" sabi niya.   "Gusto mo bang mag-aral?" pagkatanong ko nun biglang nagliwanag ang mukha niya, nawala ang seryosong ekspresyon at napalitan ng pambatang ekspresyon, medyo nagulat ako sa pag-iiba ng aura ng muka niya.   "pa-pa-pag-aralin nyo ba ako?" parang natutuwang sabi niya.     "oo kung yan ang gusto mo" nakangiting sabi ko.   "talaga ho? Sige sige. Salamat Tandang Go" masayang pasasalamat niya. Sa totoo lang hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon, pero siguro may pangarap ang batang to para matuwa ng ganito.   Sa wakas nakita ko rin ang magandang ngiti niya, sabi ko na eh sa likod ng matapang niyang maskara ay may nagtatagong mabait at inosenteng bata. Sa ekspresyon niya ngayon para akong nakakita ng batang tuwang tuwa dahil nakatanggap ng kendi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD