Secret 3

1144 Words
Joey's POV   Asar naman!!!!   Kala ko may ibabayad sa kin yung matanda kanina, bibigyan lang pala ako ng card. Aba’y ano namang mapapala ko dito. Makauwi na nga lang, baka kulitin na naman ako nung pulis na yun.   Tanong ng tanong wala naman kwenta pinagsasasabi. Hindi naman ako mabubusog kapag sinagot ko siya, mauubusan pa ko ng laway, wala pa namang malinis na tubig sa bahay.   Tsk! Makapagdispatya na nga lang ng pasahero sa kanto. Konduktor na naman ako neto magdamag. Hmmm, ano ba tong card na to?   "Don Gotoe Takano... 091xxxxxxxx... President of Takano Group of Companies... Sta Monica Street Takano Main Building.." Ano ba to puro Takano. Pupunta ba ko dito? Kapag sinipag siguro ako.   At dahil nga wala naming ibang mapagkakakitaan, pumunta ako sa paradahan ng bus, kakilala ko naman halos lahat ng driver dito per okay Mang Pits ako nagkonduktor, mabait yun sa akin eh. Pagkatapos kong magkundoktor diretso bili ako ng makakain. Sa isang daang kinita ko, 30 pesos ypagkain ko sa gabing ito. Pagdating ko sa harap ng bahay may nakita akong ugok na sisilipsilip sa bintana ko. Teka, kilala ko yang choko na batok na yan. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at...   PAK   Ngudngod ang mukha ni Bogart sa bintana. Ano ba yan, masisira pa ata bintana ko. Sira sira na nga ang napakaliit na bahay na to dadagdagan pa ng tigas ng mukha ng ugok na to. Badtrip naman oh.   "ARAY ANO B-ba-ba-baaayy boss ikaw pala hehe" ngingiti ngiting sabi ni engot.   "anong ginagawa mo dito?" walang interes na tanong ko.   "kanina pa kita hinahanap boss, may raket ako ngayon. May naghahamon, 1500 pag nanalo." tuwang tuwang sabi ni ugok.   "baka naman palpak na naman yan." sabi ko sa kanya habang patungo ako sa pinto ng bahay ko. Ako na lang mag-isa, yung mga magulang ko nawala na lang parang bula. Hindi ko na sila hinanap kasi sabi nila bago sila umalis eh mag-ingat daw ako lagi. Alam kong pamamaalam na nila yon, kasi unang beses silang nagsalita ng ganun.   "hindi boss promise ayos to, pero may isa pa kong raket. Naalala mo si Madam Cora" tanong niya.   Parang hindi ko magugustuhan ang sasabihin ng ulol na to ahhh.   "Oo. Bakit?"   "limang libo daw boss.. Isang gabi lan----"   PAK   PAK   PAK   "Aray boss masakit" sabi niya. Pero tuloy pa rin ako ng pagbatok sa kanya.   "masakit ?...PAK... ulol ka pala ehh...PAK.... ALAM MONG HINDI AKO TUMATANGGAP NG GANYANG TRABAHO.....PAK" bulyaw ko sa kanya. Gago to gagawin pa kong hosto.   "sorry na boss. Tama na masakit na ehh" pagmamakaawa ni ulol. Tinigil ko na, pucha nananakit na kamay ko, may kalyo ata batok nito eh ang sakit hampasin.   PAK finaleng batok....   "aray boss sorry na talaga." sabi niya sabay layo. "pero boss grabe talaga charms mo ang daming matrona at bakla ang nahuhumaling sa mukha mo... Oh tama na boss... hindi na.." sabi niya nung aktong babatukan ko siya. Patagotago pa sa kamay niya.   "tsk! Saan at anong oras daw ang laban? " sabi ko habang nilalapag yung pagkain sa lamesa.   "Sa dati boss ala una ng madaling araw." sabi niya na titig na titig sa pagkain ko.   "kumain ka na dito." utos ko sa kanya.   "talaga boss. Ang bait mo naman" sabi niya na pandalas pang kumuha ng plato.   "ulol sinong mabait. Alam kong hindi ka pa kumakain. Wala kang lakas para mamaya, paano kung tumakbo na naman yung mga makakapustahan natin edi naloko na, hindi ka na naman makakahabol" sabi ko sa kanya   "sus boss alam ko namang concern ka sa kin." panunukso nya.   "gusto mong isungalngal ko yang buong plato sa ngalangala mo." seryosong sabi ko.   "de joke lang boss. Sabi ko nga mananahimik na lang ako..." sabi niya sabay kain.   Tiningnan ko yung naghihingalong wall clock namin, alas dose na pala,may isang oras pa.   Mga 30 minutes natapos kami sa pagkain. Sinabi ko kay ugok yung nangyari kanina. Oo nga pala kababata ko yan si Bogart. Kahit anong gawin ko dyan sumusunod pa rin sa kin yan. Ako lang kasi nagbibigay sa kanya ng matino tinong pagkakakitaan. Sa dami ba naman ng pinapakain niyan wala siyang ibang magawa kundi sumunod sakin. Alam kong nagugutom to, lagi naman, kaya lampayatot ehhh. Puro pinapakain sa kapatid niya, kaya dito ka na siya madalas pinapakain.   "Pagkatapos mong magligpit jan punta na tayo dun" utos ko sa kanya.   "opo boss" sabi niya..   Mga 12:45 nakarating kami sa battleground. Tawag nila sa lugar na pinaglalabanan naming, malay ko sa kanila kung saan nahugot yun. Medyo marami ng tao, karamihan jan makikipusta, Yung iba makikiusyoso lang talaga.   Tinuro sa kin ni Bogart yung makakalaban ko. Pinag-aralan ko muna ang itsura niya. Malaking tae este tao, ang pangit ehhh. Ang itim itim, mukhang basag na ang mukha kalalaban, tapos ang laking dambuhala pa kung ikukumpara mo sa akin. Tsk mukhang mahihirapan ako ahhh.   "boss mukhang malaki ahh" bulong ni Bogart sa tabi ko.   "Pucha ilayo mo nga sa kin yang bunganga mo. Amoy na amoy ang bagoong na kinain natin kanina ehhh" sabi ko sabay tulak sa kanya.   "sorry naman boss. Hahaha.. Yaan mo magmumumog ako mamaya" nakangiting sabi niya.   "ulol magsipilyo ka"   "mahal ang toothpaste boss"   "Gago! Eto limang piso bumili ka mamaya"   "kulang ng dos.." nagkreklamo pa ang loko.   "abay abuso ka mangalog ka ng dos sa iba. Hindi pa ba magsisimula to"   " malapit ng magsimula boss"  sabi niya sa kin.   Nagstretch muna ako ng katawan para maganda ang kilos ko mamaya. Mga 10 minutes tapos na to.   Nung tinawag na kami sa gitna, nagpakilala muna kami. Ang makakalaban ko ay si Super Speed daw, yun daw alyas niya. Pucha puro kakornihan. J lang akin, yun lagi kong sinasabi pag nakikipaglaban sa ganito. Kailangan dawn g ganun para maitago ang katauhan, parang abnormal lang di ba.   "magsisimula na ang laban.. tigil na ang pustahan... J versus Super Speed" sigaw nung parang announcer namin dito.   Nagsimula na kaming dalawa nung kalaban ko. Psshh.. malaki lang to.. hindi marunong mag-isip.   Halatang minamaliit ako nito, basta na sumugod eh, 5 minutes lang pala to.   Mabilis akong umiwas sa pagsugod nya, naout of balance naman siya, kaya medyo pinagtawanan siya ng mga nanunuod. Halatang napahiya siya kaya mas naging agresibo ang kilos niya.   Mga 3 minutes siya ang sumugod ng sumugod ako naman ay umiwas ng umiwas... tsk.. tapusin na nga to... naiinip na ko.   Kaya ako naman ang sumugod sa kanya.   BOOOGGSSSHHH..   Sapok sa tiyan, napaluhod siya, malakas kasi ang ginawa kong pagsuntok. Psshhh.... super speed eh ang bagal naman pala nito. Nung napaluhod siya sa harap ko dinagukan ko siya ng malakas.   BLAG.... bagsak si super speed... super speed matulog eh.. weak.. mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang madidilaw na ngipin ni Bogart tuwang tuwa ang loko, may pera na naman.   Pagkakuha namin ng pera binigyan ko siya ng 500 tuwang tuwa eh, muntikan pa nga kong yakapin. Iharap ko nga ang kamao ko, paspas ng takbo ang loko.   Tsk.. May pasa na naman ako bukas, kahit naman nakakailag ako kanina natataman din naman ako. Di naman pwedeng basta na ako mananalo ng walang galos o pasa, kasama to sa pagkapanalo.   Makauwi na nga, makapagpahinga, at makapunta sa kompanya ni tanda. Sisipagin ako bukas ehhh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD