Skyzell "Stone's" POV
Arggghhhh! Nakakaka badtrip! Hanggang ngayon wala pang progress ang kaso ni lolo. Dalawang araw na siyang nawawala. Mga wala kasing kwenta ang bodyguards niya! To think na they are one of the best.
Sa ngayon nandito kaming lahat sa main house. Nandito kaming lima kasama ang parents ko at mga pulis.
"Skyzell wala pa ba talagang nahahanap na hideout ang mga pulis?" tanong sa kin ni Taiki.
Taiki "Torn" Shin. 19 years old, second son ng Shin family. Magkaibigan na kami mula pagkabata. At kasama ko siya sa grupo. Hotels and restaurant ang business ng pamilya niya. Sa totoo lang bagay na bagay yung sa kanila pwera lang kay Taiki.
"I agree! This case is taking too long?" pagsang-ayon ni Orpheus.
Orpheus "Ox" Moore. 20 years old, ang pinaka seryoso sa aming lahat. May pagkatahimik pero nasa loob ang kulo. Sa unang tingin kala mo mabait pero kapag nakasama mo katulad sin naming yan, maloko din.
"If you like, we can help you right Myujii?" alok ni Ryujii
"Yup! Dad will gladly help" sabi ni Myujii
Ryujii "Rouge" Sano at Myujii "Mourn" Sano. 17 years old. Ang kambal sa grupo namin, pangalan pa lang halata na sila ang may-ari ng elite company of spies and guards. Lahat sila ay kasama ko sa "STORM" pangalan ng grupo namin. At lahat din sila ay mga kaibigan ko mula pangkabata.
"Hindi na Yujii. Alam ko namang busy si Tito ngayon." sabi ko kay Myujii. Yujii ang tawag namin sa kanya at Ryu naman kay Ryujii.
"Paano na yan? Maghihintay na lang ba tayo dito?" kunot noong tanong ni Taiki.
"For now yes. Pero by tomorrow if my lolo is still missing I myself will look for him" seryosong sabi ko sa kanila.
"Anong I myself ka jan?" sabi ni Ryujii
"Oo nga! Syempre kasama kami. Count us in bro" determinadong sabi ni Myujii.
"Bakit nga pala hindi pa nakikita si lolo? Hindi ba talaga nila mahanap yung hide out ng kidnappers?" naguguluhang sabi ni Taiki
“I think there’s something wrong” sabi ni Orpheus.
"Hindi ako sigurado. Pero ang sabi nung chief alam na daw nila kung saan yung pinagdalhan kay lolo" sagot ko sa kanila.
"Oh eh alam na nama pala eh" sabi ni Ryuu
"Bakit ayaw pang puntahan?" pagpapatuloy ni Myujii
"Hindi daw ganun kadali. Masyado daw delikado yung lugar. Tirahan daw ng mga kriminal. Baka mauwi lang daw sa wala kung susugod agad, kaya maghintay na lang daw tayo sa tawag ng mga kidnappers" mahabang paliwanag ko
Nabadtrip ako nung sinabi ng mga pulis yun. Ang duduwag nila! Paano kung sa paghihintay naming ay may mangyari kay lolo.
Naghihintay lang kami ng biglang nagring ang cellphone nung cheif. Nilagay niya sa speaker para marinig naming lahat.
"Hello" sagot ni chief
"Sir Burgos, may good news po kami. Si Don Takano po natagpuan na namin"
Pagkarinig namin nun agad kaming lumapit kay chief. Sa wakas.
"Sigurado ka ba?" tanong nung chief
"Opo sir. Nandito po siya sa presinto dinala ng isang binata" pagkukumpirma nung pulis.
"Isang binata? Paano? Sinong binata? Iyong mga kidnapers nasaan?" sunud sunod na tanong ni chief
"Hindi pa po namin natatanong. Pinagpahinga po muna namin sa loob..ahhhhh-" medyo naputol ang sinabi nung pulis.
"Ahh Sir palabas na po pala yung binata" sabi ng kausap niyang pulis. Konting katahimikan ang namayani. Medyo narinig namin ang pagtawag nung pulis sa binata daw na kasama ni lolo.
"Iho! Iho! Ikaw nga..Halika dito lumapit ka" sabi nung pulis
Katahimikan ulit...rinig ko ang parang paglapit ng isang tao.
"Bakit?" walang emosyong tanong nung bagong boses.
"Dude ang porma ng boses! Ang tapang na parang malumanay" sabi ni Taiki sa tabi ko
"Wag kang maingay! Mga kabadingan mo, sa boses ka pa ng lalaki naastigan" sabi ko kay Taiki. Nanahimik naman agad siya at yung tatlo ngingisingisi kay Taiki. Minsan may kabadingan sa katawan to eh.
"Gusto ka daw makausap ni chief." rinig naming sabi ng pulis
"Oh tapos?" walang galang na sagot nung boses.
"Anong oh tapos? Ito kausapin mo. "sabi nung pulis. Inilapit niya ata yung phone dun sa kausap niya dahil medyo humina yung boses niya.
"Pshhh! Tinanong mo ba ko kung gusto ko siyang makausap?" mapang-asar na sagot nung boses. Medyo natawa naman yung apat sa sinabi niya.
"Abat tong batang 'to! May itatanong nga sa yo si chief" halatang naiinis na sagot nung pulis, habang kami tahimik na nakikinig lang.
"Bat ako pa ang tatanungin? Ikaw na lang kamo tanungin niya. Tinatamad akong sumagot" walang emosyong sagot na naman niya
"Pfffft..." nagpipigil na tawa naming lima. Hahaha. Abnormal ata yong lalaking yun eh. Kahit na seryoso ang sitwasyon hindi pa rin naming mapigilang mapatawa.
"Aba talagang! Ikaw nga ang kailangang kausapin dahil ikaw ang nagdala kay Don Takano dito.." nagtitimping galit na sabi nung pulis. Magkakaroon pa ata ng suntukan ahh...haha
"Sinong Don Takano?" tanong nung boses.
"'Yong dinala mo dito" sagot nung pulis.
"Ahhh, sabi ko na big time ang matandang yun eh. Bigtime nga card lang naman binigay sa kin. Makakain ko kaya yun? " walang emosyong sabi niya
"Bastos tong batang to ah! Gumalang ka dun! Hindi mo ba kilala yon?" pangaral ng pulis
"Kilala ko na. Kasasabi mo lang ng pangalan di ba?" sagot niya.
"Pfffttt..." hanggang ngayon nagpipigil pa rin kami ng tawa. Pati si mom at dad napapangiti din. Ang bastos lang sumagot. Tinawag pang matanda si lolo. Haha card lang daw binigay ni lolo.
"Aba talagang!-" naiinis na sabi nung pulis pero pinigilan siya nung boses.
"Hep hep! Alis na ko. Hahanap pa ko ng raket. Wala pa kong pang lapang kaya ikaw na kumausap jan sa chief mo. Chief mo naman yan eh hindi ko naman siya chief" sabi niya.
"Hoy sandali! May mga tanong pa para sayo. Iyong mga kidnappers nasan na?" medyo malakas na sabi nung pulis. Paalis na siguro yung binata.
"Tsk ang kulit mo! Kung gusto mo ng matatanungan ayan pader tanungin mo baka sakaling sagutin ka" sabi nung boses.
"Pfft....wahahahaha... hahahahaha" syempre naunang tumawa si Taiki at yung kambal.
"Hahahahahaha" tawa naming lima. Ang abnoy talaga nung kausap nung pulis. Sinamaan naman kami ng tingin ni Dad pero siya halatang nagpipigil din ng tawa. Hahahaha...laughtrip!
"Hoy hoy.. anak ng!-" narinig naming sabi nung pulis.
"Hello Sir? Umalis na po yung binata. Ayaw pong makipag-usap" sabi nung pulis. Tss! Narinig nga namin.
"Hayaan mo na. Ang mahalaga ay nasa maayos na lagay si Don Takano" sabi ni chief.
"Chief Burgos, saan yang presinto na yan ng mapuntahan namin" sabi ni Dad.
"Sa 369 Street. Tara at ng masamahan na kayo" pag-aaya ni chief kay Dad.
Hindi naman kami pumayag na maiwan sa bahay at sumama kina Dad to see my Lolo.