Joey's POV Pagkatapos nung nangyari kina Bogart dumiretso na ako uwi. Babalik pa sana ako ng school kaso tinamad ako bigla idagdag mo pa tong mga tama ko kanina. Marami rami rin akong tama kahit na weak yung mga gagong yun kapag pinagsamasama ang mahihinang suntok at sipa na natamo ko sa kanila mararamdamam at mararamdaman ng katawan ko. Hindi naman ako superhuman para hindi makaramdam ng sakit. Pakshet natamaan pa ako sa sikmura kanina buti hindi ako napuruhan kundi patay na. Yung lima hindi ko na alam kung saan pumunta. Pagkasakay na pagkasakay ko sa motor kanina pinaharurot ko na baka magsisunuran pa yung mga yun. Ang hirap pa naman tabuyin para kang nakipag-usap sa pader. Mga abnormal kasi. Bagsak ang katawan ko sa kama, napagod talaga ako. Bukas ko na lang aasikasuhin yung mg

