Third Person's POV Umuwi muna ng apartment si Joey at pandalas na pumasok dito, hindi na sumunod sila Sky dahil paniguradong babalik din ito agad. Nang lumabas siya ay may dala siyang isang kahon ng sapatos, ibinigay niya ito kay Beka at sumakay ng motor. Wala kang mababasa sa mga kilos nya masyado siyang kalmado pero mararamdaman mo ang pagiging seryoso niya. Kahit ang limang lalaki ay ramdam ang tensyon. Lalo na nang makarating sila sa isang eskinita. Inutusan sila ni Joey na ipark ito malayo sa ekinitang papasukan nila dahil maraming maloko sa lugar. Nakasunod lang yung lima kina Joey at Beka. Si Beka naman ay tumigil na sa pag-iyak animoy kampante ng nasa tabi niya si Joey. Tumigil sila sa isang barong barong na bahay na napapalibutan ng sampung lalaki. Kitang kita ang pambub

