“Yasmin!”
Gusto nang iuntog ni Yasmin ang ulo nang marinig ang boses ng tiyahin. Ah, hindi na niya alam ang uunahin. Natuliro ulit siya. Kapag nakita ulit ng mga tiyahin ang lalaki ay siguradong mapupurnada ang pagalis nito. Mukhang naturete rin ang lalaki kaya agad itong lumabas ng terrace saka tumalon papunta sa resort na tabi ng bahay niya. Nakahinga na siya nang maluwag at agad iyong isinara. Agad siyang nagayos ng sarili. Palabas na siya ng kuwarto ng muling kalabugin iyon ng lalaki. Naiinis na binuksan niya iyon.
“Hindi ka na dapat bumalik!” mangiyak-ngiyak na sita niya rito. Pawisan na ito at naka-suot na ng shorts pero ang t-shirt nito ay nakasabit na sa balikat nito.
“They’re still there! Please….” Bigla itong lumuhod at nagmakaawa. “Nasa labas pa sila ng kuwarto ko please… Sa terrace lang ako dumaan, katabi ng terrace mo kaya hindi nila ako nakita pero narinig ko na ring kausap sila n’ung ilang guwardya doon at pinapaalis. Hindi pa ako p’wedeng magpakita sa kanila dahil wala pa akong pambayad ng utang. Pangako, palilipasin ko lang ‘to,”
“Tumayo ka nga!” halos sabunutan na ni Yasmin ang sarili.
Napasinghap siya nang hawakan nito ang kamay niya at nagmakaawa ulit. Parang may kuryenteng dumaloy sa gulugod niya dahil doon kaya hindi siya agad nakahuma. “Please, I am not a bad person…”
“Yasmin! Bumaba na kayo rito, ngayon din!” singhal ng tiyahin. Nang marinig ang mga yabag ay napaungol na lang sa inis si Yasmin! Napakamot siya ng marahas sa ulo hanggang sa naisip niyang unahin muna ang mga tiyahin. Nalilitong nagpauna na siyang lumabas para salubungin ang tiyahin. Agad sumunod ang lalaki.
“I-I’m July Raffel. I’m from Manila. Thirty one years old. Para mayroon kang alam sa akin.” Anito saka napakamot ng ulo. Mukhang napailing ito sa sarili dahil nakuha pang magpakilala.
Inis na napatitig si Yasmin dito. Doon niya lang natitigan ang kabuuan nito. Ang totoo’y guwapo ito. Hawig ito kay Jensen Ackles na gumanap bilang Dean Winchester sa TV series na Supernatural. He possessed bushy brows and beautiful eyes. Matangos ang ilong nito na nateternuhan ng may kanipisan ngunit magandang hubog ng labi. May pinanggalingang ginger beards din itong tinatawag na nagbibigay tibay sa karakter.
He was topless, showing his dashboard abs. Pantay ang tan na kulay nito na namumula-mula, tanda nang pagbibilad nito sa araw.
Matangkad ito. Halos hanggang dibdib lang siya at hindi kataka-takang kayang-kaya siya nitong bitbitin. Gayunpaman, sa kabila ng nangyari ilang minuto na ang nakakalipas, napansin niyang naging maingat pa rin ito sa paghawak sa kanya. Kung tutuusin ay siya pa ang nanakit. Obvious iyon sa pamumula nang mukha nito dahil sa sipa at tuhod niya kanina.
Hindi naman siya masisi doon. Bigla itong sumulpot na halos walang saplot. Tapos ay nagpambuno pa sila, sa huli’y hinalikan at iyon ang naabutang eksena ng mga matatandang tiyahin na tamang hinala na ang trip.
Ah, nahihilo na siya sa bilis ng pangyayari!