Chapter 1

706 Words
"Jusko Sunny! Saan ka ba nanggaling?" naiiyak na tanong saakin ni Eugene at tinignan ang kabuuan ko, "At b-bakit ganiyan ang suot mo? Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi dahil pinaghahanap kita kung saan-saan? Ano? Saan ka nanggaling? Bakit hindi ka makapag-salita diy--" I cut her words off. "Paano ako makakapagsalita kung dada ka ng dada diyan? Hinay-hinay lang," ani ko rito. Hinila niya ako paupo sa sofa kaya nakatanggap siya ng batok saakin. Damn! My 'down there' still hurts for damn sake! "A-aray! Inaano ba kita?! A-ano ba kasing nangyari? Huh? Tell me," aniya. My tears fell down at my cheeks. I'm stupid! Really stupid! I began to tell her the whole story, nakikinig lang siya sakin at tinatahan ako kapag naiyak ako. Sinisi niya ang sarili niya, sana daw hindi na niya ako pinilit na pumasok sa loob, sana daw siya na lang mag-isa pumunta. Pero nagulat ako ng binigyan niya ako ng isang batok! "Gaga ka din kasing bruha ka! Tanggap ka ng tanggap, sana pala binalaan muna kita na huwag tumanggap ng basta-basta! Yan tuloy, hindi ka na V! Pero natandaan mo ba yung naka-'churva' mo ha?" tanong nito, binatukan ko din siya dahil sa word na 'churva!' "Ano natandaan mo ba?" anito na hindi pinansin ang ginawa kong pambabatok sa kaniya. "O-oo," ani ko. Tila naging interesado siya dahil bigla siyang umayos ng upo at bahagyang inalog ang dalawang balikat ko. "Anong itsura? Gwapo ba o panget? Ay lumayas ka dito kung pangit yang naka-churva mo!" anito na ikinatawa ko, ang galing niya rin eh no. "G-gwapo," sabi ko na nakapagpa-tili dito. Agad ko namang tinakpan ang dalawang tainga ko. "Oh my God! Maligo ka na nga, amoy lalaki ka eh. Infairness, ang bango," sabi niya at marahan akong tinulak para makatayo. Umakyat na ako sa kuwarto at agad pumasok sa comfort room. Hinubad ko ang damit ko at pinag-masdan ang ka-buo-an ko sa salamin. Ang dami kong kiss mark sa leeg at sa dibdib. Bahagya pang namumula ang n*****s ko. Geez! Napaka-agresibo naman ng  naka-talik ko. Naligo na ako at nag-bihis, pina-tuyo ko muna ang aking buhok gamit ang tuwalya bago sumampa sa kama at humiga. Wala na akong pamilya, ulila na ako nung ako'y 8 pa lamang. Namatay ang magulang ko sa isang car accident, wala akong kamag-anak na handa akong kupkupin. Pero kinupkup din ako ng magulang ni Eugene, mag-kaibigan na kami ni Eugene since Grade 1 kaya naman laking pasalamat ko sakanila dahil sa pagkupkup saakin, pina-aral nila ako, binihisan at pinakain. But one day, namatay din ang parents ni Eugene, car accident din ito. Kaya kaming dalawa na lamang ni Eugene ang nagtu-tulungan ngayon. Ang business ng mga magulang namin ay unti-unting nawala dahil sa bata pa kami dati kaya hindi pa namin iyon kayang i-handle. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na naka-tulog na pala ako. 2 buwan na ang nakalipas simula ng gabing iyon. Andito ako sa salas nanunuod ng television habang kumakain ng manggang hilaw na sinasawsaw ko sa ketchup. Weird ba? Ako din naman, naweweird-an sa sarili ko. Something is wrong with me. Wala si Eugene ngayon nasa trabaho. Day-off ko ngayon kaya pachill-chill lang ako. Tatlong beses na katok sa pintuan ang dumistorbo sa panunuod ko. Badtrip ah! Kainis! Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at pabalang na binuksan ang pinto, only to see five men-in-black. "Anong kailangan niyo?" kunot-noong tanong ko. "Kayo po ba si Sunny Angeles?" tanong ng isa sa kanila. "Ako nga, bakit? Anong kailangan niyo saakin?" tanong ko sa naiinis na tono. Nanunuod kaya ako, tapos mang-iisturbo. This fast few days, short-tempered ako at laging mainit ang ulo, napaka-moody ko din. "Sumama po kayo sa amin," ani ng isa pa. "Bakit ako sasama sainyo? Hindi ko naman kayo kilala eh," sabi ko. "Napag-utusan lamang po kami. Kaya, kung pwede pong sumama kayo saamin," sabi ng naka-men-in-black na may isang earing sa right ear niya. "Eh hindi ko nga kayo kilala diba? Give me a valid reason why should I go with you," ani ko at umirap. "Your making this hard, Ma'am," sabi ulit ni kuya na may earing at may tinapat na panyo sa aking ilong. Unti-unti akong nahilo and everything went black.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD