Chapter 2

698 Words
Nagising ako na nasa iba akong kuwarto, this room looks so simple yet elegant. But, where am I? Inilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang isang babae. She looks like Eugene? "E-Eugene? Is that you?" tanong ko. Lumingon saakin ang babae at agad akong niyakap. "Gaga ka! Hindi mo sinabi saakin na si Zander pala ang naka-churva sayo," anito na nakapagpa-kunot sa noo ko. "What are you talking about?" tanong ko uli. "Ang boss ko! Ang CEO ng Zanth Corp. na pinaka-malaking kumpaniya sa whole word ang naka-churva sayo!" anito. "Pwede ba wag mo sabihin yang churva na yan? Naiinis ako! At tsaka, asan na ba yung limang naka-men-in-black na umistorbo sa panunuod ko at ng masapok ko! Nakakainis ah!" sabi ko. "Ay! Ang buntis ng bayan ay nagm-moodswing," aniya. Anong buntis pinagsasabi nito? Sinong buntis? "Anong buntis? Sinong buntis?" ani ko na nakapagpa-poker face dito. "Ikaw! Ikaw ang buntis! Slow amp. Pasalamat ka buntis ka kung hindi. Naku! Nabatukan na kitang impakta ka!" anito habang inaambaan ako ng batok. Ako? Buntis? Hinimas ko ang impis ko pang tiyan. Really? May baby sa sinapupunan ko? "H-how?" tanong ko kay Eugene. "Anong how?! Explain ko sayo? Sige, ganito yun. Nag-churvahan kayo ni Papa Zander at pinuto-- " I cut her words off. Binatukan ko nga. Sino ba namang matinong tao ang magsasabi nun diba? Ang kaibigan ko lang naman -_-. "Lumayas ka dito! Baka masabunutan kita eh!" sigaw ko dito. Kainis! Bwisit! "Aba! Hoy gaga ka! Sabi mo 'how', edi ni-explain ko, tapos ngayon magagalit ka?!" sigaw din niya pabalik. Tumayo ako sa kama at akmang sasabunutan siya ng maiwan sa ere ang kamay ko dahil biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang lalaking mala-adonis. Naka-three piece suit pa siya, he has this messy hair, matangos na ilong at mapupungay na mata. My heartbeast was so fast, bakit ganito? Nagririgudon ang puso ko, tila gustong lumabas sa rib cage ko. Pakiramdam ko nag-slow motion ang lahat. Nabalik lang ako sa reyalidad ng bulungan ako ni Eugene. "Hoy buntis! Laway mo tumutulo," mahinang bulong saakin ni Eugene. Kinapa ko ang bibig ko pero wala naman. Sinamaan ko ng tingin si Eugene at binulyawan na naman siya. Nababadtrip ako sa kaniya eh! "Hoy babae ka! Naiinis ako sayo! Kanina ka pa ah!" sigaw ko sa kaniya. Nagtago naman siya sa likod nung lalaki. Hindi ko ma-control ang hormones ko, gusto ko siya sabunutan. At ang malanding babae, pasimple pang hinihimas ang braso ni Mr. Adonis. Malandi talaga! "Ako ata pinaglilihihan mo Sunny ah? Sige. Tuloy mo lang para kamukha ko ang magiging baby niyo hihi. For sure maganda yan o kaya gwapo. Sakin ka ba naman mag-lihi diba?" anito at ni-flip pa ang hair. Napa-buntong hininga na lang ako, kinakalma ang sarili. Nag-mulat ako ng mata at tumambad sa akin ang adonis at malanding bestfriend ko. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan, nababanas ako sa mukha niya. "Stop it you two. Let's go downstairs, my family is waiting at the dining table," malamig nitong saad. Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagsasalita niya. Tila may malaking yelo ang nakadagan sa kaniya kaya pati boses niya naging yelo. Napa-iling na lamang ako at tahimik na pina-galitan ang sarili dahil sa kalokohan ko. "T-teka, buntis ba talaga ako? Paano niyo nalaman? Tsaka ikaw," dinuro ko si Mr. Adonis s***h Mr. Cold, "Paano ka nakaka-siguro na ikaw ang naka-buntis sakin? Malandi kaya ako. M-madami na akong naka-s*x," kahit kinakabahan ay pilit ko iyong sinabi. Sa totoo lang, nagsisinungaling ako. Birhen pa ako ng angkinin niya ako no, psh! "You're virgin when I take you. And you're not a good kisser," Nakaka-insultong sabi nito, narinig ko pa ang pagpipigil ng tawa ni Eugene, "Your friend will explain you the rest," pagpapatuloy nito at lumabas ng kwarto. Eh kung tsinelasin ko kaya siya?! Ay! Wala pala akong suot na tsinelas, bubusalan ko na lang bibig niya. Bastos eh! "Hoy babae! Pwede ka ng bumulanghit ng tawa diyan. May papigil pigil ka pa, if I know nagpapabebe ka lang!" pikon na sabi ko kay Eugene. Humagalpak naman ito ng tawa at dinuro-duro ako. Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD