Chapter Seven
Halos dalawang linggong hindi kinibo ni Marifer si Bjourne dahil sa nangyari. Sa tuwing dumarating ito ay kaagad siyang nagkukulong sa kwarto at nagkukunwaring tulog upang hindi siya nito kausapin. She still hates him and although he's trying his best to make it up to her, she really can't help but feel mad at him for not saying sorry. It's not as if actions don't speak louder than words. Para kasi sa kanya, minsan, mas maganda pa ring sinasabing "patawad".
May mga gabing pakiramdam niya ay may katabi siya ngunit sa tuwing nagigising siya ay wala naman siyang nakikitang bakas na may pumasok sa silid nang pwersahan. Hindi na lamang niya iyon inintindi. Minsan ay mas pinipili na lamang din niyang kausapin si Magnus kaysa harapin si Bjourne dahil nangangamba siyang magsalpukan lamang na naman ang mga pride nila. They both know how high their prides are and she's pretty sure Bjourne wouldn't step down for her.
Isang umaga'y napili niyang kumain na lamang ng almusal sa silid upang hindi niya makasabay sa hapag si Bjourne. Hindi pa rin talaga humuhupa ang galit niya para rito at alam niyang ang layuan muna ito ang pinakamagandang paraan upang maiwasang madagdagan pa ang inis niya rito.
Sumimsim siya sa kanyang tsaa habang abalang panoorin ang paggalaw ng mga ulap sa kalangitan. It was a great day to have a walk outside but if she'll only see Bjourne, she'd rather rot in their room.
Humaplos ang sariwang hangin sa kanyang mukha dahilan upang pumikit ang kanyang mga mata. Hinayaan naman niyang sumayaw ang kanyang may kahabaan at itim na itim na buhok habang dinarama niya ang lamig ng hangin.
Mayamaya'y napamulat siya nang marinig ang ilang katok sa pinto. She rolled her eyes then let out a heavy sigh when she thought it was Bjourne who's ruining her moment. Hinayaan lamang niya ito at nagkunwaring hindi naririnig ang mga katok. Hindi pa siya interesadong harapin si Bjourne kung siya man iyon.
Muling naulit ang pagkatok ngunit hindi pa rin niya ito pinagbuksan. Ilang sandaling naging tahimik sa labas ng silid at sa pag-aakalang umalis na ang taong kumakatok kanina, inilapag niya ang tasa ng tsaa sa mesa saka siya dahan-dahang lumapit sa pinto para sumilip sa labas.
Maingat niyang pinihit ang doorknob ngunit nang buksan niya ang pinto ay binati kaagad siya ng matipid na ngiting nakaguhit sa labi ni Magnus. His manly scent lingered in her nose and his friendly vibe made her let out a sigh. "Thought you were that asshole," aniyang nagpatawa nang mahina kay Magnus.
"Exactly what I was thinking why you're not opening up. Anyway, I've got something for you," malumanay nitong tugon saka ipinakita sa kanya ang tatlong paper bags na dala.
Ngumiti si Marifer saka tumango bago niya ibinukas nang maayos ang pinto. Tinanggap niya ang mga paper bags saka tinignan ang laman ng mga ito habang nanatili namang nakatayo si Magnus sa pinto at mataman siyang pinapagmasdan.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Marifer nang makita ang pulang dress na nasa isang paper bag. Sa disenyo pa lang nito ay alam na niya kung sino ang gumawa nito. She's always been a fan of House of Francheska's creations. They were known for turning classic designs into a modern-day "it girl" look which Marifer loves the most.
Kunot ang noo niya dahil sa pagtataka kung paano nakakuha ng ganoong damit si Magnus ngunit hindi napawi ang ganda ng kanyang ngiti. House of Francheska's collections are always limited at dahil sa ganda ng mga gawa nila, wala pang limang minutong nakaoffer ay nauubos kaagad ang stocks.
"These are House of Francheska's latest collection. P-Papa'no ka nakakuha ng mga 'to?" Nagtataka niyang tanong habang hindi pa rin magawang itago ang kurba sa kanyang mga labi dahil sa mga damit.
Napakamot si Magnus sa kanyang patilya. "Well, I have a friend who works for House of Francheska. I asked her to pick the right clothes since it's gonna be awkward if I'll be the one to shop for your clothes," tila nahihiya niyang sabi bago ngumiti.
Sandaling natulala si Marifer nang lumabas ang mapuputi at magagandang ngipin ni Magnus. Mas nadepina pa ang kanyang panga dahil sa pagngiti niya kaya hindi tuloy maiwasan ni Marifer na hangaan ang itsura at ugali nito.
"T-Thank you, Magnus." She smiled sweetly.
"No worries. Go try those clothes and see if I got the right size for you. I'll go ahead," paalam nito at hahakbang na sana palayo nang pigilan ni Marifer ang kanyang braso. Sandaling nabaling doon ang tingin ni Magnus dahilan upang makaramdam ng hiya si Marifer at kaagad na mapabitaw.
"May hihingiin sana akong pabor." She tried to hide the awkwardness she just felt.
Muling nabaling sa kanya ang tingin ni Magnus. "What is it?"
"Uhm, can you show me around? Gusto ko sana munang umalis dito. This place is toxic." She rolled her eyes while saying the last part in an exaggerated manner. Nang masabi niya ang huling linya ay bigla na naman niyang naisip si Bjourne. Kumulo tuloy bigla ang dugo niya.
"Toxic?" Mahinang natawa si Magnus. "I guess hindi naging maganda ang unang dalawang linggo mo rito. Okay, if that's what you want. Wala rin naman akong gagawin ngayon. Hihintayin na lang kita sa baba," nakangiti nitong sabi.
"Talaga? Sige, magbibihis na ako," ani Marifer. Tumango lang naman si Magnus bilang tugon bago tuluyang tumalikod. Isinara kaagad ni Marifer ang pinto saka niya inilapag sa kama ang paper bags. Inilabas niya ang pulang plain dress, sandali pa itong sinuri, saka niya ito tuluyang isinuot. Mabuti na lang at kulay itim ang doll shoes na nabili ni Magnus para sa kanya. Pwede na niya iyong pagtyagaan.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin habang may matipid na ngiti. The dress fits perfectly in her slim body. Para bang sinukat ang katawan niya at iyon ang sinunod na sukat para sa damit na iyon. Bahagyang nakalitaw ang mga balikat niya dahil sa off-shoulder style ng damit ngunit gustong-gusto niya iyon. Nanghinayang lamang siyang wala roon ang kanyang mga gamit. Paniguradong bagay sa dress na suot niya ang summer hat na nabili niya last month. Sigurado siyang ang ganda-gandang tignan ng ensemble kapag nagkataon.
Matapos niyang masigurong maayos na ang itsura niya ay tuluyan na siyang bumaba. Naabutan niya si Magnus na naghihintay sa labas ng palasyo at nakasandal sa big bike nito. Nang makita siya nito ay kaagad itong umayos ng tayo saka nito pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng itsura niya bago siya nito nginitian. "Bagay ah."
Lumawak ang kurba sa labi ni Marifer. "Thank you. Sabi ko naman sa inyo, 'di hamak na bagay sa akin ang mamahaling damit."
Natatawa na lamang na umiling si Magnus bago nito kinuha ang susi ng kanyang bike. Akala ni Marifer ay sasakay sila sa motor kaya nang ibulsa ni Magnus ang susi bago muling bumaling sa kanya ay gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Ready? Oh, sanay ka bang maglakad?" Tanong ni Magnus.
Umiling siya sa lalake. "Masakit sa paa ang maglakad nang matagal."
Ngumisi naman si Magnus saka nito binasa ang ibabang labi. "Okay lang 'yan. Every once in a while, you should try something new. Life is all about experiences."
Bumagsak ang mga balikat ni Marifer nang makitang nauna nang naglakad si Magnus. Gusto niyang magalit pero nang mapansin niyang may pababa ng hagdan sa labas ng kastilyo, napalingon siya roon at nakita ang seryosong mukha ni Bjourne. Tumalikod kaagad siya rito nang mapatingin ito sa kanyang direksyon. Hahakbang na sana siya nang marinig niya ang boses nitong tinawag ang kanyang pangalan.
"Marifer."
Sandali siyang hindi nakagalaw sa kanyang pwesto nang mapansing may bahid ng inis ang tinig ni Bjourne pero pinilit niyang labanan ang takot para rito. Ikinuyom niya ang mga kamao niya saka siya nagsimulang humakbang para sumunod kay Magnus.
"Marifer, I'm talking to you." Bakas ang inis sa boses ni Bjourne.
Napairap si Marifer sa kawalan. "I'm busy, King Bjourne. Mind your own business," inis niyang bulong sa sarili pero laking gulat niya nang sa sunod niyang paghakbang ay nasa harap na niya ito at puno ng galit na nakatitig sa kanyang mga mata.
Umigting ang panga ni Bjourne at bigla niyang hinawakan ang braso ni Marifer habang hindi pa rin pinuputol ang seryoso niyang titig sa mga mata nito.
"Well sorry, queen but you are my business." Mariin niyang pahayag.
Nanlaki ang mga mata ni Marifer nang mapagtanto niyang narinig pa rin siya nito. "H-How did you--"
"I'm a god damn lycan. My senses are more powerful than ordinary people's," tugon niyang may bahid pa rin ng inis. "Now, tell me where you're going."
Napairap si Marifer nang muling namayani ang inis niya sa lalake. Pilit niyang binawi ang braso niya saka niya ito bahagyang tinulak palayo. "I need to move on from what you did. Naiinis pa ako sayo kaya pabayaan mo ko," mataray niyang sabi saka ito nilampasan. Sinadya pa niyang banggain ang balikat nito para ipakitang hindi siya natatakot dito kahit na ang totoo'y nangangatog pa rin ang mga tuhod niya sa tuwing naaalala ang huling pagtatalo nilang dalawa.
Hindi na muling nagsalita pa si Bjourne. Binilisan na lamang din ni Marfier ang kanyang lakad para makarating na siya kaagad sa main gate kung saan naghihintay si Magnus.
"Let's go?" Nakangiting sabi ni Magnus.
Pilit na lamang siyang ngumiti. "Tara."
Magnus took her on a walk near the walls surrounding Vourden. Nalaman niyang hindi pala ito isang bayan o syudad. Well, it was. Its ruins clearly states its fallen empire. It used to be the biggest town of Lycans. The home of the last descendants of Luna, the one responsible for the existence of Bjourne's kind. Sinakop ng mga Coulsons noon ang mga bayan sa paligid ng Vourden dahilan upang lumaki nang lumaki ang kanilang teritoryo hanggang sa tuluyan itong maging isang distrito.
Hinaplos ni Marifer ang nilulumot na kalesang nadaanan nila sa kanilang paglalakad-lakad habang tahimik na nakatayo sa kanyang tabi si Magnus. "Then what happened? How did Vourden become nothing but a lonely place?" She can't help but ask after everything he'd told her.
Bumagsak ang mga balikat ni Magnus saka niya pinasadahan ng tingin ang ilang basag ng pader. "Something happened before that left the Coulsons with no choice. Five of their strongests and most loyal deltas were called to take over the five major towns that's surrounding this place; Ivaro, Brenther, Galum, Tyrain, and Crescent. The five appointed alphas raised their own packs to protect Vourden and the Coulson family's castle. They decided to build this wall to mark the teritory they had to protect at all cost. Some enemies managed to pass the defense the five packs had, but none of them was able to get pass this wall."
Mahinang natawa si Marifer nang may naisip. "Why? 'Cause it has a magical shield or some sort?"
Tumango si Magnus dahilan upang mapawi ang kurba sa labi ni Marifer. "Not a magical shield actually but it's casted with a spell. Those who manage to reach the other side of this wall loses the strength of their wolf. Kung hindi man Lycan. Siguradong nasa bungad palang sila ng limang bayan ay ubos na ang kanilang hukbo."
Muling nagsalubong ang mga kilay ni Marifer. "Wolf? You mean there's a wolf living inside you?"
Si Magnus naman ang natawa. "Just a wolf spirit, Marifer. Every lycan possesses a human soul and a wolf spirit. The human soul keeps our human form while the wolf spirit gives us our strength, agility, and inhuman traits. Although there are some of us who cannot control the strength of their wolf spirit, they sometimes shift into their wolf form."
"I see..." Pinasadahan ni Marifer ng tingin ang pader na halos tatlong palapag ang taas. "What's so important about Vourden that you guys had to protect it in the first place?"
Lumandas ang isang mapaklang ngiti sa mga labi ni Magnus. Tinanaw niya ang kastilyo sa hindi kalayuan bago siya nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Because this is where the only direct descendant of the Moon Goddess used to lie."
Gumuhit ang matinding pagtataka sa mukha ni Marifer dahil sa tugon ni Magnus. "U-used to? Where is she now?"
Umiling si Magnus. "Not she, Marifer. He. The last of the pure ones, the strongest of our kind, the king of Remorse..."
Napakurap si Marifer nang unti-unti niyang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ni Magnus. "Bjourne..." Halos pabulong niyang ani.
Tanging ngiti lamang ang ginanti ni Magnus sa kanya. Sandali silang binalot ng katahimikan at tanging ang pag-ihip lamang ng hangin sa mga dahon ang kanilang naririnig ngunit nang mapagtanto ni Marifer na hindi sinagot ni Magnus ang isa pa niyang tanong, muli siyang nagsalita.
"You said used to lie. What does that mean? Was he dead before? Oh, my God don't tell me that zombies are real, too and Bjourne's one of 'em!" Nanlaki ang mga mata niya sa sarili niyang tanong.
Bahagyang napangisi si Magnus at hindi napigilan ang mahinang pagtawa. "No, of course not so you can calm down now." He chuckled softly. "Don't worry, he was never been dead. Anyway, huwag mo nang masyadong isipin ang sinabi ko."
Nagsimulang humakbang si Magnus habang nakapamulsa saka siya muling lumingon kay Marifer. "Tara. May ipapakita ako sayo," may matamis na kurba sa labing ani ni Magnus.
Tumango na lamang si Marifer at tahimik na sumabay sa paglalakad ng binata. Marami pa siyang naging tanong ngunit karamihan na ay tungkol sa mga bayang nakapalibot sa Vourden, kung may mga sikat bang botique sa mga ito, o may mamahalin bang mga alahas na binibenta roon. She just can't help it. She misses her old life and Magnus would rather talk about fashion with her rather than unfold the rest of the history of Vourden and the District of Remorse to her this early.
He knew it'll be too much for her to take and they're gonna have to prepare her for that.
Dinala siya ni Magnus sa isang mataas na tower sa kanlurang bahagi ng Vourden. It used to be a watch tower a long time ago. Ngayon ay abandunado na ito dahil sa pader na nakapalibot sa lugar.
Napahawak sa kanyang buhok si Marifer nang umihip ang malakas na hangin. Inalalayan naman siya ni Magnus hanggang sa tuluyan silang makaakyat sa pinakatuktok.
She felt the cold breeze kissing her pale skin again, ngunit nang makita niya ang tanawin mula sa tore ay tuluyang umawang ang kanyang mga labi. Mula sa kanilang pwesto ay tanaw niya ang mga kagubatang nasa labas ng pader at naghihiwalay sa bawat syudad na nakapaligid sa Vourden pero sa kabila ng mga nagtataasang puno, nakikita rin niya ang mayabong nilang mga syudad. Humawak siya sa railing ng tower saka niya binitiwan ang buhok niya dahilan para sumayaw ito sa bawat hampas ng hangin.Pinagmasdan niya ang parteng may pinakamatataas at modernong syudad saka iyon itinuro. "That one on the north-east, anong syudad iyon?"
Lumapit sa kanya si Magnus saka nito sinandal ang balakang sa railing habang tinatanaw ang lugar na itinuturo ni Marifer. "That's Ivaro."
Kumurba ang mga labi ni Marifer. "I like the sound of its name. Remind me to visit there next time."
Ngumisi si Magnus saka mahinang tumango. "Copy that." Umayos siya ng tayo saka niya isinara ang kanyang mga mata bago siya humigop ng sariwang hangin.
Napukaw naman ng binata ang atensyon ni Marifer. Nang mapagmasdan ito ng dalaga at nakita ang nakasilip na ngiti sa mga labi nito ay hindi niya na namalayang unti-unti na rin palang kumurba ang kanyang mga labi. He's one drop-dead gorgeous guy she thinks sometimes is too good to be true. Tila hindi kasi niya ito mahanapan ng mali kahit pa anong pilit niya.
Nang imulat ni Magnus ang kanyang mga mata at nakitang nakatitig sa kanya si Marifer ay lalong lumawak ang kanyang ngiti. Napaiwas naman ng tingin si Marifer saka niya hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga.
"Thank you for taking me here. Now I have a place to go when I need to breathe or to be alone."
He leaned his arms on the railing. "We can be friends, you know. I'll be here to listen when the world is too noisy to hear your whispers." He glanced at her with a smile.
Napangiting muli si Marifer sa sinabi ni Magnus. "Salamat. You're much nicer than him, you know. Maybe I should marry you instead." Mahina siyang humalakhak sa sariling biro.
A chuckle left his lips. "Then I'm gonna be lucky if that's gonna happen..."
Unti-unting humupa ang halakhak ni Marifer. Hindi na niya namalayang nakatitig na sila sa mata ng isa't-isa, habang matipid ngunit matamis ang mga ngiting nakapinta sa kanilang mga labi.