Chapter 6

3244 Words
Chapter Six Bjourne started gritting his teeth when he saw Pierre's deltas arrive. Naiirita talaga siya sa tuwing dumarating ang hukbo ng Crescent upang tulungan siya saka siya pipiliting pigilan mula sa kanyang ginagawa. They already had enough encounters but Pierre seems to have plenty of patience to deal with him. Tila ba wala itong kapaguran kahit pa ilang beses na niyang sinabi ritong pabayaan siya sa mga ginagawa niya. Pinugutan niya ng ulo ang pinuno ng pack na inatake niya saka siya bumaling kay Pierre. Among the five alphas of the packs surrounding Vourden, Pierre is the oldest and the most respected. Isang bagay na hindi niya nagugustuhan dahil para sa kanya ay siya dapat at ang mga desisyon niya ang nirerespeto ng mga ito. Pierre threw a sharp gaze at him that made his jaw clenched. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan nito na tila hindi natutuwa sa nakikitang ginagawa niya. Hinilot nito ang kanyang batok saka nito inigting ang panga habang masama pa ring nakatitig sa kanya. "You know the consequence of this, Ha--." he uttered in a serious tone but Bjourne cut him off with an intense gaze. Naningkit ang mga mata ni Bjourne sa narinig. Humigpit ang pagkakahawak niya sa ulo ng pinuno ng Hormel habang ang sariwa nitong dugo ay patuloy pa rin sa pagpatak sa tuyong lupa. Its awful smell lingered in Pierre's nose but he knew this is Bjourne's definition of "fun". Bjourne took a deep breath as if he's trying to control his temper. "Bjourne." His jaw clenched. "Bjourne ang pangalan ko," seryoso niyang sabing may bahid ng pagbabanta. Humakbang siya't iniwan doon si Pierre ngunit muli itong nagsalita nang malampasan siya ni Bjourne. "It's twenty first century, Coulson. We are trying to live in a civil manner pero dahil sa mga pag-atakeng ginagawa mo, nagkakaroon ng rason ang hunters para salakayin ang Remorse. If it wasn't for the contract with the hunters the former Alpha of Malcon did, matagal na tayong inatake ng malalaking clans ng hunters. Hindi na lang para sa lycans ang distrito, Bjourne. May mga inosenteng tao na ring naninirahan doon. Mga taong pinoprotektahan ng lahi natin ang karamihan sa mga 'yon. Kapag pinagpatuloy mo 'to, baka isang araw, kasama mo na ang buong Remorse sa pagbagsak mo." Untag niyang halatang pilit na idinadaan ang usapan sa madiplomasyang paraan. Bjourne hates diplomacy. Para sa kanya, iyon ang isang bagay na ginagamit ng mga taong hindi kayang makipagsabayan sa kanilang lakas. They try to make the game fair by using words they think coud tame the monsters like them and for him, only fools fall for that trap. Napahinto siya sa paglalakad at tuluyan niyang naibato sa lupa ang ulo ng alphang pinatay niya, saka niya binalingang muli si Pierre. Nanlisik ang mga mata niya rito ngunit alam niyang hindi niya ito kailanman madadaan sa takot. Ilang beses na niyang sinubukan, ngunit kakaiba si Pierre kumpara sa iba pang alphang nakaharap niya. He's a halo of compassion and ruthlessness. The two things Bjourne himself find hard to balance. "Baka nakakalimutan mo kung kanino ang Remorse?" Tanong niya habang pilit na pinipigil ang sariling pumutok sa galit. "Hindi ko nakakalimutang angkan niyo ang may-ari ng distrito. Pero hindi mo ba nakikita ang resulta nitong ginagawa mo? Bjourne, wala na ang pack mo. Without Magnus, you are nothing but a lone alpha. Every single delta I had sent you was either sent back terrified or dead. Your kingdom had already collapsed a long time ago and you have to accept the fact that it's because of your decisions. Your selfish decisions. Pasalamat ka na lang na napapalibutan ka ng limang bayan ng lycans kaya hindi ka magawang salakayin ng mga sinaktan mo." Sagot niyang hindi iniinda ang matalim na tingin ni Bjourne. Inis na natawa si Bjourne habang salubong ang kanyang mga kilay. "At ako pa talaga ang dapat magpasalamat ngayon?" Humakbang siya palapit kay Pierre saka niya idinuro ang kanyang hintuturo sa noo nito. "Itanim mo 'to sa kokote mo at sa apat pang nagtatapang-tapangang alpha ng Remorse. I am the strongest lycan. I am your king. Bow down and show your respect before I s*******r all of you, you ungrateful bastards." Isang matalim na tingin ang huli niyang pinukol kay Pierre bago niya ito tinalikuran. Dinampot niya ang karagdagan sa koleksyon niya saka niya sinimulang humakbang ngunit mayamaya ay muli niyang narinig si Pierre na nagsalita. "Respect is given to those who deserves it, King. I hope someday, you will not wake up and realize that everybody already gave up on you. Having no one by your side is the scariest thing that could happen to anyone...You know that, don't you, Hale Coulson?" Makahulugan nitong sabi dahilan upang mapahinto sa paglalakad si Bjourne. Sandali silang nabalot ng katahimikan ngunit mayamaya'y marahas na nagtaas-baba ang mga balikat ni Bjourne. Mas humigpit pa ang pagkakasabunot niya sa ulong kanyang hawak habang ang kanyang panga'y mariing nakaigting. "Try to call me by that name again, Barrimore and I swear to you, your head will be on top of my favorite collection..." Mariin niyang sabi bago tuluyang humakbang paalis sa karumal-dumal na lugar na siya mismo ang sumira. Dala ng matinding pagod dahil sa mahabang byahe, maagang nahiga si Marifer pagkatapos niyang maghapunan. The food served for dinner doesn't look too cheap and she had to admit that she liked the taste of it. Hinayaan niyang bukas ang pinto sa balkonahe at pinagmasdan niya mula roon ang buwan. Halos bilog na ito pero bahagya itong natatakpan ng ulap at walang gaanong bituing sumisilay ngayon sa kalangitan. Kanina pa rin niya napapansing hindi maganda ang panahon dahil sa ihip ng hangin. Tingin niya ay ilang sandali na lang, bubuhos na ang ulan. Unti-unting bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Umayos siya ng higa sa malambot na kama at niyakap ang isang unan na halatang bagong palit ang punda ngunit kahit yata gaano kalambot ang higaang iyon ay namimiss pa rin niya ang kanyang sariling kama. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapabuntong hininga habang nakatitig sa kalangitan. Habang tumatagal na sumasayaw ang puting kurtina sa pinto ng balkonahe, mas natatangay siya ng antok. Ang bawat haplos ng malamig na hangin sa kanyang mukha'y tila hinihele siya para sa isang mahimbing na tulog na ilang gabi ring ipinagkait ng kanyang pagkabagabag dala ng pag-alis niya sa Wales. She cannot believe that now that she's finally here and miles away from her home, looks like she's about to get the kind of sleep she didn't have for a couple of weeks. Madaling araw nang maramdaman niya ang paggalaw ng kama. Lumubog ang parte sa tabi niya at naamoy niya ang pamilyar na pabango pero masyado pa siyang inaantok para intindihin pa ang nangyayari. Masyadong mabigat ang talukap ng mga mata niya para maimulat niya ang mga ito at makita kung sino iyon. Her mind can't even say if it's a dream or not. Naramdaman na lamang niya na may brasong maingat na humatak sa kanya hanggang sa tuluyang lumapat ang kanyang likod sa matigas na dibdib. She felt the warmt of the person's skin that touched the exposed part on her shoulder and it brought nothing but comfort to her system. Ang mabigat na braso ng taong tumabi sa kanya ay pumulupot sa kanyang maliit na baywang. He hugged her tightly that she can finally feel his heartbeat in sync with hers. Hindi pa ito nakuntento at lalo pa siya nitong ikinulong sa kanyang bisig. His hug was too tight that Marifer suddenly felt safer in his arms. Whoever he may be. Dumampi ang dulo ng ilong ng lalake sa kanyang buhok at tila inamoy ito. Mayamaya'y isang marahas ngunit kuntentong buntong hininga ang pinakawalan nito bago siya nito hinalikan sa tuktok ng kanyang ulo. She doesn't know who it is, nor if this is real. Tila wala na siyang pakialam. She had never been held this way before and she knew, if this is not a dream, she'll surely crave for more nights like this. She held the man's broad arms as she curl like a ball while in his arms. She didn't dare to open her sleepy eyes to see who it is but she heard him whisper something. Too bad she's too sleepy to even remember what it was...or to atleast even recognize that it was the man she told herself she'll never ever spend a night with. Nagising siya kinabukasan ng mas late kaysa sa normal niyang gising. Masyadong napasarap ang kanyang tulog at hangga't maaari sana ay ayaw pa niyang umalis sa kama. Kung hindi lamang niya naramdamang tila mas maluwag na ito kumpara kagabi, hindi pa niya maiisip na imulat ang kanyang mga mata. She suddenly got curious to know if what happened last night was real. Mapait man ang mga mata, pinilit niya itong ikinurap nang ilang beses saka niya pinasadahan ng tingin ang silid ngunit tila nadismaya lamang siya nang mapagtantong mag-isa lamang siya roon. Wala man lang ni isang bakas ng kahit sino. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Maybe it was just a dream, Marifer," she tried to convince herself. Nagdesisyon na lamang siyang tumayo at tuluyang pumasok ng banyo. She did her usual morning rituals she thought most men will never understand. Nang matapos siyang makaligo ay wala na siyng ibang choice kun'di ang isuot sana ang worst combination of clothes in history para sa kanya pero paglabas niya ng banyo ay may ilang paper bags siyang naabutan sa ibabaw ng kama. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Wala naman ito rito kanina? Pinasadahan niya ng tingin ang paligid. Sarado ang pinto ng kwarto pero bukas pa rin ang balkonahe tulad ng itsura nito nang matulog siya kagabi. Hindi rin niya matandaang narinig niyang nagbukas-sara kanina ang pinto ng silid kaya lubos ang pagtataka niya kung paano iyon nakarating doon. Nilapitan niya ang mga paper bags at tinignan ang mga laman nito. Ilang pares ng jeans na mukha namang maganda at plain blouses na mas disente namang tignan keysa doon sa t-shirts na una niyang natanggap ang laman ng mga ito. Kinuha niya kaagad ang jeans at itim na blouse saka siya dali-daling nagbihis. I wonder what could ease my boredom here? Maybe I could use a little horse back riding. Stretcheable naman ang jeans na ito. She asked herself while staring ather reflection in the mirror. Lumabas siya ng kwarto saka bumaba para kumain nang maabutan niya si Bjourne sa ibaba ng hagdan at tila paakyat na sana. Nakatalikod ito sa isang may edad na babaeng nakaluhod at umiiyak. Kupas ang suot nitong damit at may marka ng paso sa kanan nitong pisngi pababa sa kanyang leeg. "Nagmamakaawa po ako, tulungan niyo kami," lumuluha nitong sabi. Marifer found herself having another internal battle. A part of her wants to run down the stairs and help the poor woman but she can clearly hear her Grandma Pricilla's voice, calling her a weakling for being pityful to the unfortunates. Humigpit ang hawak niya sa hawakan ng hagdan. It took her years to master having a cold heart but she knew, that soft part of her still exists no matter how much she tried to bury it just to make her Grandma proud. But I am no longer in Wales, right? At marami na akong masamang nagawa sa mga tao upang isipin nilang bukal sa loob ko ang nararamdamang awa para sa matandang ito. That's how things work, anyway. You did one terrible decision and all your good deeds will surely look like nothing but an act. She tried to convince herself. Napahinto siya nang makita ang pag-igting ng panga ni Bjourne. He looked at the dirty-looking old lady over his shoulder with so much fury and disgust. "Get the hell out of here. Wala kayong mapapala sa'kin." Pagkasabi niya noo'y tuluyan siyang humakbang paakyat ng hagdan. Napahagulgol ang matanda lalo na nang lapitan na siya ng mga tauhan ni Bjourne saka siya hinatak ng mga ito paalis. Hindi na napigilan pa ni Marifer ang sarili. Sa isang iglap, tila lahat ng turo at paalala ng kanyang Grandma, maging ang mga prinsipyong pilit niyang isinabuhay, bigla na lamang naglaho nang maramdaman niya ang matinding galit dahil sa nakita. Despite of her Grandma's attitude, she'd witnessed how her father became a strict ruler but he's not a heartless one to their people. Alam niya sa sarili niyang hindi tama ito. "Stop dragging the poor old lady like a trash, you assholes!" Nanggagalaiti niyang singhal sa mga tauhan ni Bjourne dahilan para mapahinto ang mga ito sa pagkaladkad sa matanda. Nabaling ang tingin nilang lahat sa kanya na tila hindi makapaniwala sa ipinakita niyang galit. Mabilis siyang bumaba ng hagdan. Lumapit siya sa matandang babae saka niya ito tinulungang tumayo. Isa-isa niyang sinamaan ng tingin ang mga tauhan ni Bjourne bago niya itinuon ang matalim niyang tingin sa kanilang pinuno. His expression darken and his jaw clenched in a dangerous manner when he saw what Marifer did. Nang matulungan ni Marifer na tumayo ang matanda ay humakbang siya palapit kay Bjourne habang hindi pinuputol ang masamang titig dito. Nang isang hakbang na lang ang layo niya sa binata ay bigla niya na lamang itong sinampal nang napakalakas. Napasinghap ang mga katulong na nakakita dahil sa ginawa niya at halatang maging si Bjourne ay ikinabigla ang ginawa ni Marifer. Ilang sandali siyang hindi nakagalaw, at ang lahat ay halos pigil ang hininga dahil sa nangyayari. "You mean beast! How could you do that to a poor old lady?! You told me to see how life looks like from the bottom but right now, I can clearly see that its actually you who needs to do that," Galit na galit na sabi ni Marifer. Doon lamang tumingin sa kanya si Bjourne. Kitang-kita niya ang pagguhit ng matinding galit sa mga mata nito na halatang hindi natutuwa sa pagpapahiyang ginagawa sa kanya ni Marifer. Umigting ang panga niya at naningkit ang mga mata niya sa namumula sa galit na dalaga. "You know nothing." Mariin niyang sabing tila nagpipigil ng galit. Tumaas ang kilay ni Marifer dahil sa narinig. "You're right. I know nothing! But it doesn't mean that you have all the liberty in the world to treat other people rudely. This ain't the right way to treat them!" Inis siyang napangisi. "And what do you know about ruling when all you cared about are your expensive clothes and what people will say if they see your latest jewelries, hmm? Didn't you treat people this way, too? Come on, having a heart for the poor isn't you, we both know that." Natigilan siya nang masampal siya ng katotohanan. He's right. Iyon nga rin pala ang ginagawa niya noon...pero alam niya sa sarili niyang dahil iyon ang kailangan niyang ipakita hindi dahil iyon ang gusto niyang gawin. Kumuyom ang mga kamao niya ngunit nanatili siyang tahimik na nakikipagtagisan ng masamang titig kay Bjourne. She pressed her lips together to control herself from bursting out. Bakit ba kasi nakialam pa siya? Bakit hinayaan niyang mamayani na naman ang parte ng pagkatao niyang pilit nang binura ng kanyang Grandma Pricilla? Ang parteng simula't sapul ay sinabihan na siyang magdudulot lamang sa kanya ng problema at magdadala sa kanya sa mga ganitong sitwasyon. "You know nothing about me..." She tried to remain strong but her tears seems to betray her this time. "...but atleast don't make me feel as if I barely know myself either, dahil lahat kayo, nakikita lang kung anong klaseng tao ko gustong ipakita ang sarili ko." Inis niyang sabi sa halos manginig na boses saka siya pumanhik ng hagdan at tuluyan silang nilayasan. Muli siyang bumalik sa itaas at naglock ng pinto. Dumapa siya sa kama at ibinaon ang mukha sa unan. She hates it when people judge her as if they know everything about her. They only see the surface. They only see the flaws and the bitchy attitude she needed to show to everyone but there's more to her than what she lets them see. The side of her her Grandma thinks was her greatest weakness, so she did everything to cover it up. Narinig niya ang marahas na pagbukas ng pinto. Mayamaya ay naramdaman niya na lang ang marahas na paghatak ni Bjourne sa kanyang braso. Nabaling ang tingin niya rito at nasalubong niya ang galit na galit nitong titig. "Don't you dare do that again!" Singhal niya. Napapitlag siya lalo na nang biglang nagbago ang kulay ng mga mata ni Bjourne. Mula sa asul nitong kulay ay unti-unti itong naging mabangis na kulay ginto. Bigla siyang ginapangan ng takot lalo na nang maramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang braso na animo'y balak na nito itong baliin. Unti-unting naramdaman ni Marifer ang paghapdi ng gilid ng mga mata niya. Hindi siya mabilis matakot pero sa nakikita niya ngayon kay Bjourne, tila bigla na lamang siyang naging malambot at hindi na napigilan ang maiyak dahil sa takot. She suddenly saw the side of Bjourne she didn't expect to see. Tila may kakaiba. Para bang hindi na ang Bjourne na kinaiinisan niya ang kanyang kaharap ngayon...and she cannot explain the sudden rise of her emotion as if it's not just her who's feeling terrified towards him. Pumatak ang luha niya at kumawala ang impit niyang hikbi. Para namang biglang natauhan si Bjourne. Bumalik sa normal ang kulay ng mga mata niya at nabitiwan niya ang braso ni Marifer na hindi man lamang niya napansing nasugat na pala ng kanyang humabang mga kuko. Napalayo siya kay Marifer at naihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Damn it!" Mahina ngunit malutong niyang mura. Napahawak si Marifer sa kanyang braso habang hindi mapigilan ang pag-iyak. She hates crying this way, pero hindi niya talaga mapigilan. Pakiramdam niya ay isa siyang paslit na takot na takot pero wala man lang amang matakbuhan. Bumagsak ang tingin niya sa kanyang mga tuhod dahil hindi niya maatim na tignan si Bjourne dala ng takot na nararamdaman niya. He's still on his human form but he's already scaring the s**t out of her. He breathed sharply as if he's trying his best to calm himself down. "Never...never ever meddle with my business again. Marami kang hindi alam kaya sana huwag na huwag ka nang makekeelam ulit sa paraan ko ng pamumuno. This is not Wales, Marifer and the people I have are barely humans. Lycans need a lycan way of ruling. Isang bagay na kailangan mo nang maintindihan ngayon pa lang," seryoso niyang sabi pero hindi na sumagot pa si Marifer. Nagpatuloy siya sa mahinang pag-iyak habang hawak ang kanyang dumudugong braso. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Bjourne nang makita kung paanong nagtataas-baba ang mga balikat ni Marifer. Bigla na naman siyang nainis sa sarili dahil hindi na naman niya nagawang kontrolin ang galit niya. Ayaw niyang nakikitang ganito ang dalaga, hindi lamang talaga niya nagawang makapagpigil kanina dahil hindi niya akalaing magagawa siyang sampalin at sigawan ni Marifer. That wasn't how she was in the first place... Sinubukan niyang tumabi kay Marifer saka niya maingat na hinawakan ang braso nito pero napapitlag itong tila natakot sa kanya. Nang iangat nito ang luhaang mukha ay gumuhit ang galit at pagsisisi sa mga mata ni Bjourne. He can't take it. He hates it when Marifer looks at him as if he's someone she should be scared of. Hindi na niya matagalan pa ito. Tumayo siya at tuluyang humakbang palabas ng kwarto na wala nang salitang binitiwan pa. Nang lumapat ang pinto ay muli niyang narinig ang paghagulgol ni Marifer dahilan upang umigting ang kanyang panga dala ng galit sa sarili. He knew he needs to make it up to her before history could repeat itself...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD