Chapter Five
Marifer doesn't know how she'll survive in Bjourne's place. Halos hindi na niya magawang tumapak palabas ng banyo dahil sa sinabi ni Bjourne sa kanya. Ang kapal din talaga ng mukha niya. Siya na itong nanilip siya pa ang may ganang mang-insulto. Excuse me? Malaki naman ang boobs ko kahit papaano? Malayo naman ako sa pagiging pader tapos kung makareklamo siya akala mo naman siya may dede? Bwisit. Inis na naman niyang asik sa sarili.
Niyakap niya ang sarili kasabay ng pagbuga niya ng malalim na buntong hininga. She's been here for an hour now after that bastard left. Tanging bath throb lang ang saplot niya sa katawan at nilalamig na talaga siya pero ayaw niyang lumabas. Iniisip niyang baka mamaya ay nasa labas lang si Bjourne at hinihintay ang paglabas niya. She doesn't want to give him another chance to tease her. He'd already earned enough points for today.
Ilang katok ang umagaw sa atensyon niya kasunod ay ang boses ni Senior Cora. "Lady Marifer, narito na po ang mga damit na pinabili ni King."
Nakahinga siya nang maluwag dahil sa narinig. Kaagad siyang humakbang palapit sa pinto saka ito binuksan. Bumaba ang tingin niya sa paper bags na hawak ng katulong.
"Salamat," tugon niya. "Teka, magkakano 'to?"
"Hindi ko ho alam pero h'wag niyo na pong alalahanin 'yon. Si King na ho ang gagastos sa inyo mula ngayon." Simple nitong sagot.
Mahina siyang natawa. "Hindi naman 'yon ang dahilan bakit ko tinatanong. Sadyang allergic lang kasi ako sa mga damit na mumurahin. Masyadong sensitive ang balat ko."
Parang hindi makapaniwala ang matanda sa narinig. Nagkamot ito ng ulo saka napailing. "Lady Marifer, sinisigurado ko hong walang masamang mangyayari sa balat niyo. Magaganda po ang tela ng mga 'yan," natatawa nitong tugon saka siya nito tinalikuran habang napapailing.
Napasimangot siya dahil sa ginawa ni Senior Cora. Gusto niya itong sigawan kaya lang ay naalala niyang wala na nga pala siya sa Wales. Paano kung isa rin pala itong lycan na gaya ni Bjourne? There's a tendency that she'd kill her once she get her angry. Hindi pa niya kayang mamatay. Hindi pa siya handa.
Mabigat man sa loob, humakbang siya palabas ng banyo saka niya dali-daling nilock ang pinto. Naglakad siya papunta sa kama at ibinuhos ang laman ng mga paper bags doon upang isa-isang tignan ang mga dami ngunit nang tuluyan niyang makita ang mga ito ay halos pumutok ang lahat ng ugat niya sa ulo.
Cheap t-shirts and boy shorts?! Are they kidding me?! Are they seriously f*****g kidding me?! These are the most boring outfit of the century and in the history of mankind!
Napapaypay siya ng kamay sa kanyang namumulang mukha. She cannot believe this is happening to her. Nasapo tuloy niya ang kanyang noo sa sobrang inis. This is driving me nuts. How the hell can I wear such clothes? I am Lady Marifer Thompson of Wales and I'm going to wear that? Oh my gosh. This is the biggest prank ever!
Ang isa pang paper bag ay naglalaman ng pares ng underwears. Binuhos niya ito at nakita ang itim, puti, at pulang mga underwear at bra. Napairap siya sa kawalan nang mahawakan ang bras. This cup is smaller. I wonder who told them what cup to buy?
Bumukas ang pinto sa kabilang parte ng silid. Nabaling sa direksyong iyon ang kanyang ulo ngunit agad na kumunot ang kanyang nang makita si Bjourne na nakaligo na at nakapagpalit na ng ibang damit. He's wearing an all black ensemble from his T-shirt to his shoes. She had to admit. He's still handsome even in his simple laid back clothes.
She tried to wash away her blooming admiration towards him. Nagpamewang siya at mataray na tinignan si Bjourne. "My clothes are cheap. Is this the life you're planning to give to me, King Bjourne Benedict Coulson?" Tinaasan niya ito ng kilay.
Sandali siya nitong tinapunan ng tingin saka nito inayos ang buhok sa harap ng higanteng salamin. "I don't see any problem with your clothes, Marifer."
Napairap si Marifer. "Ofcourse you don't! Hindi naman kasi ikaw ang magsusuot! Come on, Bjourne! This ain't right for a queen!"
Dinampot niya isa-isa ang mga damit saka tila nandidiri itong ipinakita kay Bjourne.
"Cheap!" She huffed then threw it on the floor.
"Cheaper!" Singhal niya saka muling itinapon ang isa pang piraso.
Naningkit ang mga mata niya at tuluyang ibinagsak sa harap ni Bjourne ang mga natitirang damit. "Everything is cheap! I, Lady Marifer Thompson, is allergic to cheap items, your highness!" Tinaasan niya ito ng kilay.
Napahinto si Bjourne sa pagwawax ng buhok niya at muling napatingin sa nag-aalburotong si Marifer. Lumandas ang isang ngisi sa kanyang mga labi at mapang-asar na hinawi ang ilang hibla ng buhok ng dalaga. "It's nice to know that you're looking forward to being my queen." Humalakhak siya.
Nanlaki ang mga mata ni Marifer at uminit ang lalo ang kanyang mukha. Iniwas niya ang tingin kay Bjourne saka niya itinupi ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. "E-Excuse me, I am a queen back in my kingdom."
"Yeah, right," he chuckled. "In your falling kingdom."
Tumaas ang kilay ni Marifer dahil sa narinig. "What did you just say?" Mataray niyang tanong.
Humarap sa kanya si Bjourne at nilabanan ang titig na ipinupukol niya rito. "I said your falling kingdom. Don't tell me hindi mo alam na papalubog na ang pamilya niyo? Kung hindi ko nga tinulungan si Lord Thompson no'ng gabi ng birthday mo baka tuluyan na kayong bumagsak."
Naningkit ang kanyang mga mata. It's not true, right? They're still the powerful Thompson family.
"Wala kang alam, Bjourne." Naiinis niya itong tinalikuran.
Sandali silang binalot ng katahimikan hanggang sa isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Bjourne. Naramdaman niya ang paglapit ng binata sa kanyang likod. Hinawi nito ang kanyang buhok hanggang sa tuluyang lumantad ang kanyang tainga. She felt his warm breath against her ear as he whispered. "Looks like your sweet Daddy doesn't want to hurt your feelings when you wanna go shopping and he'd rather sell your family's castle than to throw you a cheap party he knew you wouldn't like."
Hindi siya nakakibo dahil sa mga binitiwang salita ni Bjourne. Ayaw niyang maniwala. Hindi naman sila naghihirap, hindi ba? That can't be true but no matter how much she wants to tell Bjourne to take back everything he said, she felt like she doesn't know the right words to say. Pinanood na lamang niya si Bjourne na maglakad patungo sa kama at tinignan ang mga damit na naroon.
"You should get used to these kind of stuff. Your life is no longer the same. Dito, hindi lang isang titulong minana ang pagiging reyna. You'll learn from the bottom. You have to see the world the way the lowests on the society see it for you to become a better ruler," seryosong sabi ni Bjourne.
Hindi iyon matanggap ni Marifer. She wasn't trained by her Grandma for this. She was raised to be a sophisticated lady not a compassionate queen. Her Grandma removed her soft side for people who cannot even reach their lowest standards of living. Now she wanted to question if everything she'd learn from her will really help her survive in the cruel world.
Iniwas niya ang tingin kay Bjourne. "Bakit ikaw? Ni ayaw mo ngang makaharap ang mga tao mo," sumbat niya.
"That's a different story," walang gana nitong tugon. "Go ahead and change. Aalis na rin ako."
Kumunot ang noo niya. "Kakarating lang natin dito aalis ka na kaagad?"
Lumandas ang makahulugang ngisi sa labi ni Bjourne. "Why? Want me to stay here? Sabagay, that could be a great idea." Mapang-asar nitong hinaplos ang sariling ibabang labi habang matamang nakatitig sa mga mata ni Marifer.
She can't help but roll her eyes at him. Hahampasin hinuli ang kanyang kamay saka walang anu-ano siyang hinatak palapit sa katawan nito hanggang sa tuluyang lumapat ang kanyang katawan sa matipuno nitong dibdib.
Mabilis nahawi ni Bjourne ang buhok ni Marifer dahilan para lumantad ang kanyang leeg. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso lalo na nang maramdaman niya ang pagkiskis ng dulo ng ilong nito sa kanyang balat.
"You smell better without your expensive perfume..." He whispered. Nanlaki ang mga mata ni Marifer at para siyang naestatwa nang biglang dampian ni Bjourne ng halik ang kanyang leeg. "And you look sexier without your million-dollar clothes," he chuckled and his hot minty breath fanned her bare skin. Bigla siyang natauhang tanging roba nga lamang pala ang kanyang suot ngayon.
Naitulak niya ang binata saka niya ito pinaningkitan ng mga mata nang makita niyang nakapinta na naman sa gwapo nitong mukha ang isang pilyong ngiti.
Bumuntong hininga naman si Bjourne habang nakangisi. "Ang bilis mo talagang mapikon." Mapang-asar itong umiling-iling bago siya nito tuluyang tinalikuran.
Nang magsimula itong maglakad patungo sa pinto ay tuluyang nagngitngit ang mga ngipin ni Marifer. Luminga-linga siya sa paligid at nang makita ang babasaging ash tray na nasa ibabaw ng coffee table ay kinuha niya ito at ihahagis sana kay Bjourne ngunit sa kanyang pagharap muli sa binata para gawin ang balak niya, laking gulat niya nang makitang nakatayo na ito sa kanyang harap. Hinatak siya nitong muli palapit sa kanya at bago pa man niya ito mahampas ng ash tray ay initsa na siya ni Bjourne sa malambot na kama saka siya nito diganan dahilan upang mag-apoy na naman sa kahihiyan ang kanyang buong katawan.
Lumandas ang isang mapanuyang ngiti labi ni Bjourne nang makita ang pamumula ng mukha ni Marifer. He's really happy when he sees how much he can affect her and he intend to witness it in every chance possible.
Biglang kinabahan si Marifer nang hawakan ni Bjourne ang magkabila niyang kamay saka ito inilagay sa taas ng kanyang ulo. "Go ahead and try to hurt me when I'm not looking at you. I'm always ready to give you your punishment, Marifer..." Mapang-asar ngunit may bahid ng pagbabanta nitong sabi.
Napalunok siya dahil sa sinabi ng binata pero pinilit niyang hindi magpakita ng takot dito. Tinaasan pa niya ito ng kilay habang matalim na nakatitig sa ngayon ay asul na mga mata ni Bjourne. "And what punishment would that be?"
Unti-unting lumawak ang ngising nakaguhit sa gwapong mukha ni Bjourne. Bumaba ang kanyang mukha hanggang sa tuluyan itong tumapat sa tainga ni Marifer dahilan upang mapahigop siya ng malalim na hininga. The tip of his nose started carressing the sensitive spot on the lower part of her ear and she can already hear her heart pounding loudly inside her chest because of the burning sensation he's giving her. "Pleasure, sweetheart..." He murmured before grinding his canines against her bare skin. "The kind of pleasure you'll surely beg to feel again," he began kissing her neck seductively, making her let out a low groan of pleasure. "and again," dumausdos ang kamay ng binata sa kanyang braso na lalong nagdala ng kuryente sa kanyang buong sistema. "and again."
Mayamaya'y tuluyan nitong sinunggaban ang kanyang mga labi. Mas mapusok ang bawat halik na iginagawad nito sa kanya kumpara sa mga nauna nitong paghalik dahilan para mawala siya sa sarili. She felt the foreign sensation inside her, taking away every brick of the wall she had built to protect herself, making it crumble down with her every moan. Tinatakasan na siya ng katinuan dahil sa bawat paggalaw ng mga labi ni Bjourne. She's never been kissed before, but she knew Bjourne won't let her ask for someone else to kiss her this way.
This is...the sweetest punishment. She told herself, and she's hating herself for enjoying it.
When their lips parted to catch some air, he gazed at her teasingly with his sardonic pools as if he wants her to ask for more. "Try not to wake the demon inside me, sweetheart," namamaos ang tinig nitong sabi bago muling inangkin ang mga labi niya. Mayamaya ay bigla niya na lamang na naman nitong kinagat ang ibaba niyang labi saka ito mahinang humalakhak. "Baka sa susunod na subukan mong gawin 'yon, hindi na labi mo ang makagat ko."
Tumayo siya at nakangisi akong iniwan doon. Halos habulin ko ang hininga ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
She was breathless for a moment and it took her several seconds to collect her thoughts that scattered because of what Bjourne had given her.
Bumangon siya at pinagmasdan ko ang matipuno nitong likurang bakat sa suot nitong pang-itaas. Wala pa rin sa sarili niyang pinanood itong tinahak ang daan patungo sa pinto at nang hawakan nito ang door knob ay namalayan na lamang niya ang sariling nagtatanong sa binata.
"S-Saan ka pupunta?"
Binuksan ni Bjourne ang pinto bago siya nito nilingon. Nang makita nitong tila naroon pa rin ang epekto niya kay Marifer ay lumawak ang kurba sa kanyang labi. Humakbang siya palabas ng pinto pero bago niya ito isinara ay tuluyan siyang sumagot.
"Gonna go get myself an addition to my collection..."