Chapter 4

2327 Words
Chapter Four Nilabas ni Bjourne ang kaha ng sigarilyo mula sa bulsa ng kanyang jacket saka siya nagsindi ng isang piraso. He puffed on his cigar while watching Marifer scan the foods inside the convenience store, still undecided whether to starve to death or eat something less expensive than what she'd used to. "Baka hindi talaga siya gutom," ani Magnus. Umismid naman si Bjourne. "Wala pa akong nakitang nabusog na halaman lang ang kinain. Mukha ba siyang kambing para 'yon lang ang kainin?" Napangisi si Magnus sa itinuran ng kanyang Alpha ngunit alam naman niyang marami nang babaeng halos iyon lamang ang kinakain. "Uso na 'yon ngayon sa mga babae." "Well," humithit muli si Bjourne sa kanyang sigarilyo saka ibinuga ang usok. "Hindi iyon uubra sa akin. She needs to eat. Parang isang dagan ko lang sa kanya, mababali na ang mga buto niya. How the hell will I enjoy my nights with her if she's that skinny?" He run his fingers on his disheveled hair. "Hindi siya ganyan kapayat noon. Kahit no'ng hindi na siya kumakain." Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Magnus nang marinig ang sinabi ni Bjourne. Tiniklop niya ang mga braso sa harap ng kanyang dibdib bago ibinaling kay Marifer na nasa loob pa rin ng store ang kanyang atensyon. "Iba na kasi ngayon, King. Marami nang nagbago." Hindi na kumibo pa si Bjourne. He noticed that, actually. Matagal bago niya nagawang makapag-adjust sa halos lahat ng bagay. It was hard, but for the woman he loves, what can't he do anyway? Tumingin sa kanya si Magnus ng may pag-aalala sa mga mata. "What if you were wrong about her? What if...she's different from the one you were expecting?" Hinithit niya ang natira sa sigarilyo saka ito tinapon sa lupa. Tinapakan niya ito saka niya binuga ang usok bago seryosong pinagmasdan si Marifer. Hindi niya napigilan ang muling pag-igting ng kanyang panga nang maisip ang sinabi ni Magnus. "Then f**k everything. I told you, there's no way she won't end up with me. Alam nating pareho kung anong ibig kong sabihin..." May diin niyang ani habang hindi pinuputol ang titig na ipinupukol kay Marifer. Kakalubog lang ng araw nang marating nina Marifer ang bungad ng Remorse. It took them almost an hour to reach Vourden from their last stop. Vourden is the city in the heart of the five major cities of Remorse. The place where Bjourne's kingdom stands tall. Kumunot ang noo ni Marifer nang makita ang ilang sirang mga gusali at ang malaking pader na nakapalibot sa syudad. May ilang palasong nakatama pa roong tila nag-iiwan ng bakas ng isang matinding labanang naganap ilang taon na ang nakararaan. Some vines already grew around the ruins, giving it an eerie yet fascinating vibe. Magnus told her Vourden was a city. Now she finally understood why he said "was". Mukhang ang dating sentro ng Distrito ay lugar na lamang para kay Bjourne at kanyang mga tagapag-silbi. Kakaunti ang mga tao roon at karamihan ay napipilitan na lamang manahan sa nasabing lugar. Ang ilang kanilang nadaan ay biglang nagsipagyuko hindi upang magbigay-pugay kun'di upang magpakita ng takot. Takot sila kay Bjourne? Bakit? I mean, I know he deserves to be hated. Ang panget kaya ng ugali niya. Isa pa may balbas siya at bigote. Wala akong tiwala sa mga ganoong lalake. Pakiramdam ko ay palagi silang may masamang balak. Mga sangganong hindi gagawa nang mabuti. She murmured to herself while scanning the terrified reaction across the people's faces. Magtatanong sana siya kay Bjourne ngunit naalala niya ang ginawa nito sa convenience store. Pinagsamantalahan na naman nito ang mga labi niya. Ang mga labi niyang mamahaling lipstick lang ang maaaring dumampi. She made a mental note to brush her teeth five times once they reach his place. Naninigarilyo siya. Baka navirusan na rin ang aking bibig. I don't want to die early. Hindi ako maaaring mamatay dahil lang may tambutsong natutong maglakad ang humalik sa akin. Bulong niya sa sarili. Nanatili siyang tahimik na nakamasid ngunit nang may matanaw siya sa hindi kalayuan ay nalaglag ang kanyang panga. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya ngayon ang isang malaking palasyo. It's two to three times bigger than theirs and the architecture of the palace seems to be from the medival era with a touch of the modern age. Creepy...yet classy. ...and it gives her an odd feeling she just can't express nor put into words. Napakabigat sa loob, at naiinis siyang hindi niya magawang matukoy ang dahilan nito. Pagkababa niya ng big bike ay sumunod siya kay Bjourne at Magnus. The giant steel double-door swung open and two normal-looking men welcomed them in. Marifer's brows furrowed whe she saw them. She was actually expecting a full army not some college boys. Hindi na lamang siya nagkumento pa at tahimik na lamang siyang bumuntot sa dalawa ngunit nang makapasok na sila sa pasilyo ay napahinto siya dala ng gulat. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang napakaraming ulo ng lobong nakahilera sa pader. Everything looks so legit. There's blood stains on its furrs...and some even look fresh as if they're just slaughtered yesterday. "Looks like my collection got your attention, princess," Ani Bjourne. Nabaling sa kanya ang tingin ni Marifer. Nakangisi siya habang nakataas ang isang kilay. "W-What are these?" Nauutal na tanong ni Marifer. Itinupi ni Bjourne ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Heads of every Alpha I slaughtered with my own hands..." Lalong gumapang ang takot sa sistema ni Marifer dahil sa narinig. Pakiramdam niya ay para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya dahil nagsisimula nang magsink in sa utak niya kung ano ba talaga itong pinasok niya. Hindi siya nakapagsalita. Pakiramdam niya ay naninikip na ang dibdib niya at tila lahat ng tapang na binaon niya, unti-unting naubos. Naningkit ang mga mata ni Bjourne sa kanya. Mayamaya'y makahulugan itong ngumisi at ilang sandali pa'y narinig na lamang niya ang tinig nito sa kanyang isip. "Scared now, huh?" Halos lumuwa na ang mga mata ni Marifer dahil sa ginawa Bjourne. Hindi niya alam kung paano iyon nagawa ng binata ngunit sigurado siyang hindi bumuka ang bibig nito pero malinaw na boses nito ang narinig niya sa isip niya. "P-Papa'no mo nagawa 'yon?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Marifer. Kumunot ang noo ni Bjourne pero tumindi ang kurba sa mga labi nito. "Did what?" Tila nakakaloko nitong sabi. "Narinig ko ang boses mo sa utak ko!" Tugon ni Marifer. Mahina siyang natawa saka napailing. "Wala akong ginawa. I'm just here standing few meters away from you. I don't know what you're talking about." Mapang-asar niyang tugon. Pati si Magnus ay natawa rin. Naningkit ang mga mata ni Marifer sa kanila. Alam niyang may kaya silang gawin na hindi niya kayang ipaliwanag pero naiinis siyang tila pinaglalaruan pa siya ng mga ito. This is bullying! I've never been bullied my whole life. Ang kapal din ng apog niyang gawin sa akin ito. "Easy... Nagmumukha ka nang kuting na naagawan ng tinik." Muli niyang narinig ang tinig ni Bjourne nang hindi ibinubuka ang bibig. Sa isip ko lang. Sa isip ko lang talaga narinig iyon. Nagngitngit ang mga ngipin niya sa galit at inis na idinuro si Bjourne. "See? You did it again! Don't you dare say you didn't do anything, you bully?!" Nanggagalaiti niyang singhal sa lalakeng malapit na niyang kalmutin ng bagong manicure niyang kuko. Humalakhak ito habang umiiling at hindi siya sinagot. Bagkus ay nakapamulsa pa siya nitong tinalikuran at muling naglakad. Sumunod naman dito si Magnus at naiwan siya roong halos pulang-pula na ang mukha sa inis. "Bwisit!" Singhal niya saka padabog na naglakad para sundan ang dalawa. Ilang hakbang na lamang bago nila marating ang dulo ng pasilyo nang makarinig sila ng halakhak at kantyawan. Huminto si Bjourne sa paglalakad at pinasadahan ng tingin ang labing-isang lalakeng naroon. Nagsitayuan silang lahat nang makita ang pagdating ni Bjourne. Ang isa ay ngumisi habang seryoso ang mukha ng lahat. Ang pantaas niyang damit ay nakasukbit sa kanyang kanang balikat at tila ipinagyayabang ang magandang hubog ng kanyang katawan. "King! Wala bang miryenda? Sawa na ko sa kape eh," reklamo ng lalakeng walang pang-itaas ngunit bigla na lamang siyang siniko ng lalakeng may asul na mga mata. Pinaningkitan siya nito ng mata dahilan para itikom niya ang bibig niya. Napahilamos si Bjourne ng kanyang palad sa kanyang mukha saka siya tila galit na bumaling kay Magnus. "What are they doing here?" Seryoso nitong tanong. "Sorry, they insisted. Nagkakaroon na sila ng problema dahil sa pag-atake mo sa ibang packs." Tugon ni Magnus. Umigting ang panga ni Bjourne. "I don't give a damn about them." "But King, you need to hear their concerns..." Ani Magnus. "This is your duty. The alphas need you." Seryosong tugon ni Magnus. Nilabanan niya ang titig ni Bjourne sa kanya. Masama ang tingin na pinasadahan ni Bjourne ang mga lalakeng nasa harap nila. Mayamaya ay marahas siyang napabuntong hininga. "No. Get out of here bago pa magdilim ang paningin ko," walang gana niyang sabi bago naglakad paakyat ng hagdan ngunit mayamaya ay muli siyang humarap sa mga ito."and damn it, Hank! Wear your god damn shirt. I don't want your f*****g body in display when Marifer is around." Humalakhak ang lalakeng tinawag niyang Hank pero nang panlisikan siya ng mata ng mga kasama niya ay nanahimik siya bigla at dali-daling sinuot ang shirt niya. "Lady Marifer, ihahatid ka na lang ni Senior Cora sa kwarto niyo ni King. Kailangan ko silang kausapin," ani Magnus nang bumaling ito kay Marifer. Kumunot ang noo ni Marifer. "Kwarto namin? Are we gonna share a room?" Nalukot din nang bahagya ang noo ni Magnus na tila pinagtaka ang sinabi niya. "Uh, yes? Since you're about to be mated to him, right?" Nalaglag ang panga ni Marifer sa narinig. Wala sa sarili siyang napalingon sa direksyon ni Bjourne na nakatingin na sa kanya. He gave her a teasing look before he flashed a meaningful smile on his face. Biglang uminit ang pisngi ni Marifer. Natataranta siyang napaiwas ng tingin at aksidenteng napalingon sa mga lalakeng kaharap niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang matinding pagtatakang nakaguhit sa mga mukha nila habang nagpapabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Bjourne. Nagkibit-balikat na lamang siya saka ako muling humarap kay Magnus. "I need to take a shower. Nasaan ba ang kwarto nang makapaglinis na ko ng katawan ko? Lagkit na lagkit na ko." Magnus snapped his fingers. Mayamaya ay lumapit sa kanila ang isang tingin niya ay nasa late fourty's na babae. May ilang putting hibla ng buhok na ito ngunit hindi halata ang katandaan sa medyo may kapayatang pangangatawan. Sandali siya nitong pinagmasdan habang may hindi mawaring ekspresyong nakaguhit sa mga mata. Mayamaya ay isang matipid na ngiti ang iginawad sa kanya. "Sumunod po kayo sa'kin," may paggalang nitong sabi bago nauna nang pumanhik ng hagdan. Hindi na nagsalita pa si Marifer. Tahimik na lang siyang naglakad paakyat ng hagdan para sumunod sa tingin niyang si Senior Cora hanggang sa marating nila ang kwartong may malaking mahogany double door. Ang matandang babae na ang nagbukas nito saka siya dumiretso patungo sa isa pang pinto. Mayamaya ay narinig na ni Marifer ang lagaslas ng tubig. Pinasadahan niya ng tingin ang buong silid. Gray and black dominates in the whole place and the design is very minimal. Walang gaanong palamuti. Tanging mapa lamang na may nakasulat na Remorse at nakaframe ang nakasabit sa pader katapat ng ulunan ng kama. Between the two similar-looking door is the king size bed with matte black sheets and pillows. Parang bigla siyang inantok nang makita ito. The bed looks comfortable and inviting that she just want to dive in there and sleep forever. Naglabas si Senior Cora ng bath throb saka ito ipinakita sa kanya. "Wala raw po kayong dalang kahit na anong damit. Ang mabuti pa ay magpabili na ako sa mga tauhan para may magamit kayo kahit pansamantala lamang." Tumaas ang kilay ni Marifer. "You mean I'm gonna need to wait until you finally got me a pair of brand new undies?!" Tila natatawa naman siyang tinanguan ng katulong. "Ganoon na nga." Gusto niyang matawa. This is so frustrating for her. Pagod na nga siya, mumurahin na nga ang sapatos na suot niya, wala na nga siyang nadala ni isa sa mga damit niya, tapos ngayon kailangan niya pang maghintay hanggang sa mabilhan nila siya ng damit. Great! Just great! Nahilot niya ang kanyang sintido. "Sige sige! Pakibilis na lang at baka naman lamigin ako sa tagal niyan," naiinis niyang sabi bago kinuha ang bath throb na ibinibigay ng katulong saka siya dumiretso sa banyo. Hinubad niya ang lahat ng damit niya saka siya naglublob sa bath tub. Kahit paano ay narelax ang katawan niya sa maligamgam na tubig. The smell of jasmine flower is all over the place. Magkano kaya ang mga kandila? Sana naman ay hindi masyadong cheap. Mabuti na lang at mabango pa rin. Naipikit tuloy niya ang mga mata dahil sa naisip. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakababad. Parang nakaidlip na nga yata siy at nagising na lang nang bigla niyang narinig ang boses ni Bjourne. "You've been here for an hour and a half, Marifer." Napamulat siya at agad na nanlaki ang mga mata nang makitang nakatayo ito sa harap niya habang nakatupi ang mga braso. Halos wala nang bula ang tubig na pinagbababaran niya. My naked body is too visible! She screamed internally. Napatakip siya sa kanyang katawan saka niya pinanlisikan ng mga mata ang binata. "Out! Bastos!" Mahina humalakhak si Bjourne. Napailing siya saka niya dinampot ang bath throb at inilagay ito sa tabi ni Marifer bago siya yumuko siya at inilapit ang kanyang mukha sa tainga ng dalaga. "Next time, try to wear a smaller cup of bra. The one you are wearing earlier seems to be too big for the actual size of your boobs..." Mahina at mapang-asar siyang humalakhak sa tapat ng tainga ni Marifer dahilan para umakyat lahat ng dugo ng dalaga sa kanyang ulo. Muntik ko siyang masapak nito dala ng sobrang inis pero nagawa niyang makalayo kaagad. Nagpamulsa siya at tinalikuran ito saka siya mapang-asar na humalakhak habang palabas ng banyo. Naiwan doon si Marifer na pulang-pula ang mukha at nagngingitngit ang mga ngipin sa sobrang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD