Hindi makita ng malinaw ang mukha ng lalaking tumulong sa akin sa nightclub. Nakakainis na hindi ko man lang talaga siya nakilala kahit sa mukha lang. Gusto ko lang naman kasi ng magpalipas ng oras pero may mga tao talagang hindi marunong gumalang ng oras ng iba. “Erin, mabuti naman at gising ka na. Nauna ng umalis ang Daddy mo dahil baka raw tanghaliin ka ng gising at hindi makapasok ngayon. Saan ka ba nanggaling kagabi at hindi ka maagang nakauwi?” tanong ni Mommy na abala sa kusina. Meron bang okasyon? Inisip ko kung anong petsa ng araw ngayon pero wala akong maalala. “At oonga pala,” tila may naaalala si Mommy na itinigil pa ang paghiwa niya ng mga gulay. “Kaya ba late kang umuwi ay may naka-date ka na sa bagong listahan galing sa Daddy mo?” Nahinto ang sana ay pagtusok ko ng

