Isang buwan na akong nagmumukmok sa guest room ni Firjas. Nagsabi na din ako sa talent agency kung saan ako nagtatrabaho na uurong na ako. Ang ginawa kong palusot, may lagnat ako at trangkaso. Gustuhin man nila akong puntahan para bisitahin pero tumanggi na ako. Ni isa ay wala akong pinagsabihan kung saan eksaktong lokasyon na ako. Kahit kina Cresha at Vibs ay hindi ko sinabi. Hindi ko rin sinasagot ang tawag at text messages nila. Paniguradong nabalitaan nila na nagkahiwalay na kami.
Naputol ang pag-iisip ko nang may nagbukas ng pinto. Agad kong binalingan. Si Firjas ang pumasok sa silid na ito. May dala siyang mug at ipinatong niya iyon sa side table na nasa tabi ko lang. "Here, uminom ka muna ng hot chocolate." he offer.
Tipid akong ngumiti. I grab the cup and sip it a little. "Thanks," sambit ko pagkatapos kong sumimsim ng mainit na tsokolate.
Isang tipid na ngiti din ang isinagot niya sa akin.
Isang nakakabinging katahimikan ang pumapaligid sa silid na ito. Ni isa sa amin ay walang balak na magsalita. Parang pinapakiramdam din naman ang isa't isa.
Nasabi ko rin sa kaniya na tuluyan na kaming nagkahiwalay ni Rafael. Oo, ilang linggo na din nakalipas at patuloy pa rin niya akong pinatira dito sa bahay niya. Minsan ay umaalis siya dahil kailangan siya sa kaniyang trabaho. Kahit na naiiwan niya ako dito gumagawa pa rin ako ng paraan para abalahin ang aking sarili.
__
Sa gitna ng paglilinis ko sa kusina ay rinig ko ang doorbell. Tumigil ako para daluhan iyon at buksan ang pinto. Alam kong bisita ito ni Firjas, kasi kung mismong siya na iyon ay ang maririnig ko lang ay ang busina ng kaniyang sasakyan. Pero hindi eh.
Nang buksan ko iyon ay medyo natigilan ako nang makita ko ang dalawang tao sa harap ko. Isang babae at isang lalaki. Hindi ko sila kilala pero pamilyar ang isa sa akin.
"Hi, nariyan ba si Firjas Vega?" tanong ng babae. "I'm Nayana Ho, and this is my husband, Keiran Ho."
Umaawang ang bibig ko. Ho? Parang pamilyar sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan. "Uhm, mga ganitong oras, pauwi na din siya." nilakihan ko ang awang ang pinto para makapasok sila. "Pwede ninyo po siyang hintayin..."
"Asawa ka ba niya?" biglang tanong ng Keiran Ho.
Dahan-dahan akong umiling saka ngumiti. "Hindi... Hindi niya akong asawa. Kaibigan niya ako. Nakikitira lang."
"I see." kumento niya saka iginala niya ang kaniyang paningin dito.
"Keiran naman," suway sa kaniya n'ung Nayana Ho. Bumaling siya sa akin saka ngumiti. "Pagpasensyahan mo na ang asawa ko, ha? Ganyan talaga siya..."
Muli ulit ako umiling. "No, okay lang. Ay, pwede kayong dumiretso sa study room, dadalhan ko nalang kayo ng meryenda habang hinihintay ninyo siya."
"Sige, salamat."
Agad akong umalis sa kanilang harap. Bumalik ako sa kusina para paghandaan sila ng cupcakes na binili ko kahapon sa grocery store. Nagsalin din ako ng juice sa dalawang baso nang umiba ang pakiramdam ko. Nanlalabo at nahihilo ako. Ipapatong ko sana sa counter yung baso pero bumagsak ito sa sahig at nabasag, kasabay na bumagsak din ang katawan ko sa sahig.
"Miss?" rinig ko ang boses ni Mrs. Ho. "May narinig akong may nabasag... Okay ka lang ba—My God! Anong nangyari?"
Agad niya akong dinaluhan.
"Keiran! Keiran!" medyo natataranta siya. Medyo nakikita ko na dinaluhan kami ng kaniyang asawa. "Kailangan natin siyang dalhin sa Ospital!"
Agad akong binuhat ni Mr. Ho hanggang sa mailabas nila ako sa bahay at dinala sa kanilang sasakyan.
"Can you hear me, miss?" nag-alalang tanong ni Mrs. Ho.
Hindi ko magawang sumagot. Hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay...
__
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Puros puti ang bumungad sa akin. Sa una ay malabo ang paningin ko pero di kalaunan ay nagiging malinaw na ito. Sinubukan kong bumangon ay natigilan ako nang makita ko ang lalaking kinasusuklaman ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" hindi ko mapigilang mapasinghal.
"Angela, huwag mo munang paunahin ang galit dahil nakakasama sa iyo." malumanay niyang sambit.
"Wala akong pakialam. Ayokong makita ka, Rafael." mariin kong sabi. Akmang aalis na sana ako mula sa hospital bed pero nagawa niya akong pigilan.
"Pinagbigyan na kitang umalis sa buhay ko, Angela. Hinayaan kitang makitira ka sa gagong iyon kahit gustong gusto ko siyang patayin! Pero ang mas hindi ko hahayaan dahil dala mo ang anak ko!"
Doon ay natigilan ako. Ano? Anak niya? Nagtama ang tingin namin. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Iba ang awra niya ngayon...I mean, parang natatakot ako nang isang iglap lang. Parang sa isang sabi lang niya ay mapapasunod na niya ako.
"Hindi ko rin mapapayagan na siya ang kikilalanin na ama ng magiging anak ko, Angela. Lalaban ako ng p*****n sa lalaking iyon." mariin pa niyang dagdag.
Para akong nanghina. "Buntis ako?" mahina kong tanong.
"Yeah, you're now four weeks pregnant." naging malumanay na din ang kaniyang boses nang sagutin niya ang tanong ko. "Ngayong buntis ka na, hinding hindi na kita papakawalan. Pinagbigyan lang kita sa gusto mo."
"At baka nakalimutan mong may kasalanan ka, Rafael?!"
Walang sabi na hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Sa hawak niyang iyon ay ayaw na ayaw niyang bitawan 'yon. "I admit, it's my fault too. Pero ang pakiusap ko lang kasi sa iyo ay pakinggan mo lang ako kung ano talaga ang totoo."
"Bakit? Alin ang hindi totoo na narinig ko mismo kay Colleen na nasa banyo ka at siya ang sumagot ng tawag ko, ha?! Sabihin mo nga!"
Huminga siya ng malalim. "So you thought, we're in a hotel room, huh? Missy, nasa Ospital kami ng mga oras na 'yon. Nagkita kami sa isang resto para tanungin siya sa kalagayan niya, pero bigla siyang inatake ng sakit niya at nawalan ng malay kaya ako ang nagdala sa kaniya sa Ospital. Binatayan ko siya hangga't hindi pa dumarating ang parents mo, lalo na ang tatay mo. Alam kong kasalanan ko dahil hindi ako nagsabi sa iyo. Ang totoo niyan, pupuntahan kita pagkatapos namin mag-usap para masabi ko na rin sa iyo ang totoo. Hindi ko lang din inaasahan na hahantong sa ganito."
Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"I'm so sorry, missy. Sorry for keeping this from you... Please, give me another chance..." namamaos na niyang sambit. "Gagawin ko ang lahat, bumalik ka lang sa akin..."
Pumikit ako ng mariin. "Papaano mo mapapatunayan ang lahat ng sinabi mo ngayon sa akin?" halos manginig na ang boses ko.
"She's here. Naka-admit din siya sa Ospital na ito."
__
Pareho na kaming nasa tapat ng pinto ni Rafael kung nasaan ang silid ni Colleen. Siya ang nagbukas ng pinto hanggang sa tumambad sa amin ang limang tao na nasa loob. Lahat sila ay napatingin sa kinaroroonan namin. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat nang makita nila ako. Ang pamilya ko, kasama din nila dito si Miss Dafni.
"A-anak..." nanginginig ang boses ni mama nang tawagin niya ako. Agad niyan akong dinaluhan at binigyan ng isang mahigpit na yakap.
Wala akong reaksyon. Nanatili lang akong nakatingin kay Colleen na nasa hospital bed. Matamis siyang nakangiti sa akin. Bakas sa mukha niya ang paghihirap. Mas lalo siyang pumayat at namumutla sa lagay niya ngayon. Malayong malayo na noong huli ko siyang nakita. Nalalagas din ang buhok niya pero parang wala siyang balak na magsuot ng sumbrero o takpan iyon.
Totoo ang sinasabi ni Rafael.
"Pa," nanghihinang tawag ni Colleen kay papa. "Iwan ninyo muna kami... G-gusto ko makausap si Angela..."
"S-sigurado ka ba, anak?"
Dahan-dahan siyang tumango. Wala silang magawa. Isa-isa silang lumabas, including Rafael. Nanatili lang akong nakatayo at nakatingin kay Colleen. Pilit niyang inangat ang kaniyang kamay para abutin ako pero kusang gumalaw ang mga paa ko. Dinaluhan ko siya't pinigilan ko siyang bumangon pero sadyang pasaway kaya sa huli ay wala na akong magawa. Inaalalayan ko siyang makaupo ng maayos.
"Angela..." tawag niya sa akin na halos pabulong na. "Sorry... K-kung dahil sa akin... Nagkaproblema kayo ni Paeng... S-sorry... H-hindi naman talaga siya ang sadya ko... Kaya ako narito sa Maynila..."
Nanatili lang ako nakatitig sa kaniya. Inaabangan ko ang mga sasabihin niya.
"Nakipaghiwalay ako sa kaniya... Nang nalaman ko tungkol sa sakit ko... Brain cancer... Stage four... Sinabi ko sa kaniya na... Hahanapin ko kayo... Si papa pati ang pamilya niya... Wala akong balak manggulo o ano... Sorry... Kung iyon ang nasa tingin mo..." marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. "K-kasi ang totoo... Gusto ko kayo makita at makilala... Bago man ako mawala dito sa mundo..."
Bumaba ang tingin ko. Kusang tumulo ang butil ng aking luha sa kaniyang kamay. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko nang marinig ko iyon. Parang sinasaksak ng ilang beses ng matalim ba punyal ang puso ko.
"Sorry... Kung sa tingin mo... Nasira ko ang pamilya mo, Angela... Hindi ko talaga ginusto iyon..." naluluha niyang sabi. "Pero... Masaya ako kasi... Nakilala ko kayo... Buo na ang pagkatao ko..."
Lihim ko kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili kong humagulhol pero mukhang magiging bigo pa ako.
"I have always been afraid of losing people I love, but sometimes I keep asking myself... Is there anyone who's afraid losing me too?" nanghihina niyang sabi. "Salamat, Angela... Kasi... Kahit sa maikling panahon... Kinausap mo ako..."
"Magpalakas ka." sa wakas ay nagawa ko iyon sabihin. "Kakalimutan ko na naging asawa ka ni Rafael kahit masakit... Basta kailangan mong mapagamot dahil... Magkakaroon ka na ng pamangkin." tiningnan ko siya.
She smiled. A smile of relief. "Isa lang ang mahihiling ko, Angela... Kaligayahan mo lang. Para sa inyo ni Paeng. Alam kong magiging masaya kayong dalawa. Magiging panatag na ako doon..."
Umiling ako. "Magpapagaling ka, I hate goodbyes, Colleen."
"Heaven is a place nearby, Angela. So... There's no need to say goodbyes."
Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya. Ang sakit-sakit. Ngayon ko lang narealize na mas nahihirapan siya sa sitwasyon kaysa sa akin. Dahil sa umpisa palang ay hindi ko man lang siya nabigyan ng pagkakataon na makalapit siya sa akin. Hindi ko man naitanong ang tunay niyang dahilan kung bakit siya biglang sumulpot ng gabi ding iyon.
"Mahal na mahal ko kayo, Angela... Maraming salamat...."
Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong mapahagulhol, kasabay na mas hinigpitan ko pa ang pagkayakap ko sa kaniya...
Nang araw ding ito... Iyon din ang araw na kinuha na sa amin si Colleen.