chapter seventeen

1593 Words
"Angela, narito na si Rafael." malakas na pagkasabi ni mama mula sa labas ng kuwarto ko, kasama pang katok . "Opo!" malakas ko ring sagot. Maingat ako tumayo mula sa pagkaupo ko sa single couch. Sapo-sapo ko din ang aking tyan habang naglalakad ako patungo sa pinto para buksan 'yon. Sumalubong sa akin sina mama at ang kapatid ko na si Alita, may mga ngiti sa kanilang mga labi. "Hinihintay ka na niya sa baba. Kausap siya ngayon ng papa mo." malumanay na sabi ni mama. Ngayong araw na kasi ang appointment namin sa OB. Pangatlong beses na akong sasamahan ni Rafael sa doktor. Kahit na medyo busy siya sa kaniyang negosyo, pilit pa rin siyang gumagawa ng paraan para masamahan niya ako. Palagi niyang sinasabi sa akin na mas priority niya daw ako. Hindi rin ako pwedeng lumabas ng bahay lalo na't hindi siya ang kasama ko. Naging okay na din kami pagkatapos ng libing ni ate Colleen. Nagkausap kami at nagkalinawan na din. Nasabi na din niya sa akin ang lahat-lahat na meron sa kanila. Kung ano ang nakaraan nila. Naitindihan ko din kung ano ang gusto ni ate. Kung bakit biglang sumulpot itong si Rafael sa buhay ko nang basta-basta. "Oh, there she is." nakangiting sabi ni papa nang pababa na kami. Kahit si Rafael ay napatingin sa kinaroroonan ko. Mas lumapad ang ngiti niya. Hindi ko rin mapigilang mapangiti. Kung magtataka kayo kung bakit ganito pa ang set up namin ni Raf, dahil iyon ang gusto ko. Para mabantayan niya ako ng husto, dito talaga siya sa bahay namin siya tumira. Ayos lang naman sa parents ko. Sa katunayan pa nga, naging close na din siya sa pamilya ko. Bilang isa sa mga kagustuhan ni ate Colleen, pingbigyan ko siya. Nagkaroon ako ng oras sa pamilya ko. Hindi ako natuloy sa fashion show noon. Nag-quit na din ako sa pagmomodelo dahil mas importante na sa akin ngayon ang magiging anak namin ni Rafael. Tama na siguro na na-experience ko na pumasok sa ganoong industriya. "Hey," mahinang bati niya sa akin nang nasa harap ko na siya. "Natagalan ka ba?" tanong ko pero nakangiti pa rin. Agad siyang umiling. "Hindi naman, so... Let's go?" sabay marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Tumango ako bilang tugon. Bumaling ako kina mama at papa pati na din kay Alita para magpaalam. Sinabihan lang nila kami ng ingat bago kami tuluyang nakalabas ni Rafael sa bahay.  Maingat niya akong pinasakay sa kaniyang sasakyan hanggang sa nakaalis na kami. __ "May gusto ka bang kainin, missy? Nauuhaw ka ba?" sunod-sunod na tanong niya habang nakaupo ako dito sa waiting area habang siya naman ay nakasquat sa harap ko at mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Mahina akong tumawa. "Okay lang naman ako. Hindi pa naman kami gutom ni baby. Ano ka ba? Maupo ka nga at nahihilo ako sa pinanggagawa mo." Ngumiwi siya. "Sorry, kinakabahan lang ako." Naiiling-iling ako. "Pangatlo mo na ito, bakit kinakabahan ka pa rin?" "Ganito pala ang pakiramdam kapag magiging tatay ka na." "Hindi lang naman ikaw, eh. Kahit naman ako, first time kong maging nanay." marahan kong sambit. Biglang nagbukas ang pinto sa opisina ng OB. Lumabas doon ang nurse. "Mr. And Mrs. Chua?" Tumayo na kami nang tinawag na kami. Nilapitan namin ito. Kahit hindi pa kami kasal, si Raf mismo ang may pakana niyan. Napag-usapan na din namin na hindi muna kami magpapakasal hangga't hindi pa ako nanganganak. "Good day, doc." masiglang bati ko sa OB. "Good day din, Mr. And Mrs. Chua." balik-bati niya sa amin. Tulad ko, ay nakangiti din siya sa amin. Tinanong muna ako tungkol sa kalagayan ko. Sinasabi ko na madalas pa rin akong nahihilo which is normal lang naman daw. Nag-uumpisa na din akong maglihi kaya palaging kawawa si Rafael tuwing madaling araw. Ginigising ko kasi dahil sa cravings ko. After ng ilang tanong ay mag-uultra sound na. Pinahiga nila ako at may nilagay na parang gel si doktora sa sa paddle bago man niya iyon inilapat sa aking tyan. "Ready na kayong makita si baby?" nakangiting tanong niya sa amin. "Yes, doc." naunang sumagot si Rafael na nakatutok sa monitor pero ang mas napuna ko ang mahigpit pa rin na pagkakapit niya sa mga kamay ko. Ilang saglit pa ay naririnig namin ang heartbeat ng baby namin. "That's her heart beat. It's now formed and it beats about three times faster than yours, Mrs. Chua. Same as her brain, nagsisimula na din ito magdevelop..." "Here's your baby's facial muscles." sabi niya sabay turo sa may monitor. Tiningnan namin iyon. "It's starting to work out as her tiny features form one expresson after another. Then, she's also practices the movements necessary for breathing... Her body is starting to develops a fine coating of hair, tawag natin d'yan ay lanugo, which will help to keep her warm. So, most babies shed this hair before the birth..." Hindi ko mapigilang mapangiti. Anak ko... Bumaling ako kay Rafael. Mas lalo ako napangiti nang makita ko siyang nakatutok ang mga mata niya sa screen. Kasabay na humigpit ang pagkahawak niya sa isa kong kamay. Ang mas hindi ko inaasahan ay kita ko ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. Pero iisa lang ang alam ko, lumuwag ang aking pakiramdam na pareho namin nakikita sa screen ang magiging bunga ng pagmamahalan namin. _ Pagkatapos naming magpacheck up ay kakain muna kami sa resto may may glorietta. Iyon ang balak namin nang may isang bulto ng lalaki na nakaupo sa bumper ng kotse na katabi lang ng sasakyan ni Rafael. Pareho kaming natigilan nang makita namin siya dito sa Ospital. May bibisitahin din ba siyang pasyente? "Firjas..." mahina kong tawag sa kaniya. Umalis siya mula sa pagkaupo niya't humakbang palapit sa amin. Ngumiti siya. Si Rafael naman ay marahan akong hinila palayo sa lalaking nasa harap namin. "Hindi ako naparito para manggulo o ano. Narito ako dahil may kailangan akong sabihin at gawin. Pagkatapos ay hindi na ako magpapakita pa sa inyo. I assure you." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "I'm here for Colleen's will." tugon niya. Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin, may koneksyon din siya kay ate Colleen? "I'm her legal advisor." saka may inabot siya sa aming folder. "Dahil wala nang kamag-anakan si Colleen. Kung mayroon man sa side ng nanay niya, ayaw niyang mapunta sa kanila ang mga property niya. Mas panatag siya kung mapupunta sa inyong dalawa iyon." Ako ang tumanggap ng folder. Binuklat ko iyon saka binasa. Natigilan ako nang napagtanto ko na Will of Testament ang nilalaman nito. Binigay ko iyon kay Rafael. Baka alam niya ang tungkol dito. "Ang bahay niya sa isla..." mahina siyang turan. "Iyan lang ang ipinunta ko dito." dagdag pa niya sabay nagpamulsa siya. "Pupwede ninyong puntahin iyon para matingnan. Ingat." tinalikuran na niya kami't pinanood lang namin siyang pumasok sa kaniyang sasakyan. Nang umusad na ito, hinatid lang namin siya nang tingin hanggang sa wala na siya. Bumaling ako kay Rafael. "Siya ba ang ipinunta mo noong nakita kita sa daungan para makausap kita?" tanong ko. Tumango siya. "May sakit na siya ng panahon na 'yon. Pumupunta ako doon para matingnan siya." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Gusto kong bisitahin ang bahay niya." sabi ko na ikinagulat niya. "Missy, buntis ka..." "Marami akong gustong malaman tungkol sa kaniya, Raf. Kung ano ang buhay niya noon... Anong pakiramdam niya sa tuwing nag-iisa siya. Lalo na't iniwan na siya ng nanay niya..." "Are you sure about this?" paniniguro niya. Hindi ako nagdalawang-isip na tumango. Desidido ako sa pagkakataon na ito. __ Sa pagtapak ko sa isla mula sa speedboat ni Rafael ay tanaw ko ang nag-iisang bahay sa hindi kalayuan. Bungalow style iyon. Sementado iyon. Sa aking paningin, isa itong rest house. Napapalibutan iyon ng mga puno at mga halaman. Bawat hakbang na pinakawalan ko, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Isang rocking chair na yari sa narra ang sumalubong sa amin pagtuntong namin sa front porch ng bahay. May katabi itong halaman. Hinaplos ko iyon saglit saka tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Pero hindi ko inaasahan ang ganda ng pagkainterior dito. Punong-puno ng paintings. Kaya pala sabi ni Colleen sa akin noon, mahilig siya sa art, dahil mahilig nga siya sa pagpipinta. Raw materials ang ginamit dito. Parang akala ko ay eco-hotel ang ipinunta ko. "She used to be an interior designer. She loves to dance kaya part time niya ang pagiging chereographer." paliwanag ni Rafael. Pagkatapos namin libutin ang bahay ay inaya ko siyang umupo muna kami sa buhanginan at pinanood ang dagat pati na din ang kulay kahel na kalangitan. "Raf," tawag ko sa kaniya. "Hmm?" "Imbis na hanapin mo ako, bakit hindi mo nalang inalagaan si ate noon?" isang malaking katanungan sa aking isipan na naghahanap ng tamang kasagutan. "Bakit hindi mo siya sinamahan habang naghihirap siya sa sakit niya?" "Ayaw na ayaw niyang kinakaawaan siya. Tanggap niya sa umpisa kung saan siya hahantong. Gustuhin ko man din siya tulungan noon, siya naman ang pagtulak niya sa akin palayo." huminga siya ng malalim. "She's so selfless. Wala siyang pakialam sa sarili niya. Mas iniisip niya ako, kung papaano nalang daw ako..." Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. "Ngayon alam ko na ang lahat. Ako naman ang kikilos para matupad ko ang mga hiling ni ate Colleen." "Angela..." wari'y nagulat pa siya. "Alam kong gustong gusto mong itanong sa akin kung pupwede mo na akong pakasalan pero pinipigilan mo lang dahil baka makulitan ako sa iyo." Nakakatitig lang siya sa akin. "Pakasalan mo ako, Raf. Hindi lang dahil sa gusto ni ate. Dahil hanggang ngayon, mahal pa rin kita." Sa pangalawang pagkakataon, muli kong nakita ang pag-iyak ni Rafael sa sinabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinaplos ko ang kaniyang likod. Napatingin ako sa bandang likuran ni Raf. Kita ako ang masayang ngiti ni ate Colleen habang nakatunghay sa aming dalawa. Ngunit, unti-unti din siya nawawala... Marahil ay panatag na siya ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD