chapter nine

1672 Words
Kinabukasan din 'yon ay pilit ko pa rin pumunta sa shooting kahit ang sakit ng magkabilang hita ko. Hindi ko akalain na ganito ang pakiramdam kapag nadevirginize ka na, hirap na hirap maglakad! Para akong napipilayan na wala sa oras! Kaya naka-flats shoes lang ako, dahil kapag naka-high heels pa ako, baka matapilok ako ng wala sa oras. Lalo na sa kondinsyo ko ngayon! Hinatid ako sa trabaho ni Rafael dito sa building ng agency bago man siya pumasok sa kaniyang trabaho. Parang ang lagay namin ay para na kaming mag-asawa pero hindi pa ako nakasagot sa proposal niya na magsasama na daw kami. Kailangan ko munang kausapin si Vibs tungkol sa bagay na 'yon kapag nakauwi na ako sa unit namin. "Ikaw ang magiging cover girl ng magazine, Angela." sabi sa akin ni Mami-san nang nakarating ako sa kaniyang Opisina. "May mga ilang kumpanya din na gusto kang mag-endorse sa mga clothing line." Tumango lang ako. "Malapit na din ang fashion show ni Ms. Dafni, nakaready ka na ba? May rehearsal bukas." Binigyan pa ako ng iilan pang detalye tungkol doon. Kasali pala si Dafni Costa sa Panasonic Fashion Festival. Fashion week pala ang pinakamain event. Nasa pangatlong araw gaganapin mismo ang show kung saan kabilang si Miss Dafni kaya kailangan kong paghandaan. Pero sana mawala na ang sakit ng mga hita ko ng mga araw na 'yon. Binigay din sa akin ni Mami-san ang contact number ni Dafni for business purposes na din. Pati na din ang lugar para magpraktis ng pagrarampa sa runway. Pagkalabas ko ng elevator ay sinubukan kong tawagan ni Rafael. Sa pagkaalam ko ay wala naman siyang meeting ngayong araw. It's just a normal day for him. Wala pang limang ring ay nasagot niya ang tawag ko. "Yes, missy?" "Tapos ko nang kausap si Mami-san..." "Saan ka pupunta niyan pagkatapos? I'll pick you up—" "No, Raf. I'm fine. Don't worry. Siguro gagala nalang muna ako then uuwi muna ako sa unit. Sa pagkaalam ko, nasa bahay ngayon si Vibs." paalam ko. "Oh, okay, my missy. Just beep me up if you got there para hindi ako mag-alala sa iyo." Ngumiti ako. "Sure." "I love you, missy. Please take care." "I love you too." Ako na din ang nagbaba ang tawag. Napakagat ako ng labi kasabay na napangiti. Pagkatapos ay inilapat ko ang mga labi ko para hindi ako makapagkamalan na baliw dito sa lobby. Tumuwid na ako ng tumayo with poise pa. Naglakad na ako hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng building. Nagpatawag na din ako sa guard ng taxi. - Nagpasya muna akong tumigil muna sa Kimukatsu Resto sa Shangri-La Plaza para kumain tutal ay magtatanghalian na din naman. Nagpadala na ako ng text message kay Rafael kung nasaan ako para hindi siya mag-alala. Niremind ko din siya na kumain na din at huwag na magpapalipas ng gutom. Ilang saglit pa ay dumating na din ang waiter, dala ang inorder ko na Italian Tomato. Dahil na rin sa gutom ay kumain ako. Pagkatapos ko kumain ay nagpasya na akong magbayad at umalis na sa resto para maglalakad-lakad habang nagpapababa ng kinain. Naisip ko na din na magshopping din ako saglit. Or bibili ako ng damit para kay Rafae l bilang regalo. Tumigil ako sa isang shop na puros panlalaking damit ang naroroon. Puros mga tuxedo, suits at mga formal attire ang mga narito sa loob. May isang bagay na pumukaw ng atensyon ko. Nilapitan ko iyon saka tiningnan ang stante. Lumapad ang ngiti ko. May mga nakadisplay na necktie ang mga narito. May mga iba't ibang kulay at designs ang mga naroroon. Mayroon ding mga accessories na panlalaki na nakadisplay. Naeenganyo akong tumingin-tingin hanggang sa dumapo ang tingin ko isang brooch. Designed as silver crown chain. Mas lumapad ang ngiti ko. "Excuse me, can I see this one?" sabay turo ko sa gusto kong brooch. Ipinakita niya iyon sa akin saka pinagmasdan ko 'yon ng mabuti. Sumagi talaga sa isipan ko si Rafael buhat nang makita ko ang brooch na ito. Binili ko 'yon. Gagawin ko siyang regalo. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya maibibigay. Bahala na nga! Pagkatapos kong magshopping ay kumuha ng akong uber at nagpahatid ako sa mismong gusali ng condo unit. I'm hoping na hindi muna aalis ngayong araw si Vibs or may date man sila ni Clifford. - "Ang akala ko, hindi ka na talaga magpapakita sa amin, Angela!" bulalas ni Vibs nang makita niya ako. Suprisingly, siya lang ang mag-isa dito sa unit. Wala ang boyfriend niya, malamang ay nasa trabaho ito. That's good dahil one on one kaming mag-uusap. "Syempre, nag-unwind lang ako." kaswal kong sagot saka prente akong umupo sa couch dito sa salas. Talagang pinatong ko pa ang mga paa ko sa mababang mesa dahil medyo nangalay sa paglalakad, isabay pa na masakit pa rin ang mga hita ko. "Sorry, nag-alala pa kayo." "Basta, kung maglalayas ka man, sabihin mo naman sa amin." Natawa ako. "Saan ka makakita ng naglalayas eh nagpapaalam pa?" Kahit siya natawa sa kaniyang sinabi. Umupo siya sa tabi ko. Parang kating-kati ang dila niya, ah. Paniguradong may sasabihin ito. "Nakwento sa akin ni Cresha, kasama mo daw 'yung isa sa mga pinsan ni Mikhail, Rafael daw ang pangalan. So...?" Painosente ko siyang tiningnan. "Uhm, oo. Kasama ko nga siya in the whole time na naglayas ako. Well, aksidente ko lang din siya nakilala sa bus kung saan ako bumiyahe noon... Konduktor siya doon." Halos malaglag ang panga niya sa sinabin ko. "Seryoso? Konduktor?!" Tumango ako. "And besides, we're officially dating na." saka ngumisi ako. Ngiting-tagumpay! Bigla siyang tumili at nagtatalon-talon. Hinawakan niya ang mga kamay. "Finally, you got a boyfriend! Hindi ka na palaging brokenhearted, girl!" Kahit naman ako ay hindi makapaniwala. Dahil nagkaroon na ako ng boyfriend. Swerte lang dahil napunta sa akin ang isang Rafael Chua. A man who can understands my struggles in life. A man who's willing to listen to me at all cost. He's like friend, not a stranger. "And I'm planning to move out, Vibs... I think?" Natahimik siya. Tumingin siya sa akin ng diretso sa aking mga mata. "S-seryoso ka?" Ngumuso ako. "Nakadepende naman ako sa iyo kung papayagan mo ba ako o hindi. Kasi kung ayaw mo, ayos lang sa akin. Siguro naman ay maiitindihan naman ni Raf ang dahilan." Napatingin siya sa kisame at nag-iisip nag malalim. "Mukhang malaking adjustment sa akin 'yon, actually. Una, wala na sina Mikhail at Cresha dito, syempre, mag-asawa na sila. Pero ikaw... Hindi pa kayo kasal, papaano naman ang family mo niyan? Baka magalit sila sa oras na ganoon ang magiging desisyon mo." Nagkibit-balikat ako. "Sasabihin ko rin naman sa kaniya, huwag lang ngayon dahil malaki pa ang issue namin sa bahay. Lalo na sa Colleen na 'yon." Nakapameywang siya saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Hindi mo ba matatanggap na may kapatid ka sa ama, Angela?" this time, naging seryoso na ang boses niya. Tamad kong isinandal ang aking likod sa couch. Humalukipkip. "Sa ngayon, hindi pa. Baka isang araw, matatanggap ko din. Basta bigyan lang ako ng oras." Sabi ko at ngumiti. Hindi lang ako pinagaralan ni Rafael, siguro hindi ko maiisip ang mga bagay na ito. Panigurado, hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa tatay ko. "Kaibigan mo ako, Angela. Kung saan ka kasi masaya, masaya na din kami para sa iyo. But promise me, kapag sinaktan ka ni Rafael, sabihin mo agad sa amin ni Cresha at reresbak kami para sa iyo." Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Thanks, girl." - Napagdesisyon ko na dito muna ako matutulog sa unit namin ni Vibs ngayong gabi. Namiss ko na din kasi ang kama ko. Nag-iwan ako ng text message kay Raf. Kaya buong hapon din iyon ay tulog ang ginawa ko. Alam kong hindi ako magawang istorbohin ni Vibs dahil sa pagod ako at gusto kong mabawi ng energy na nawala sa akin ng mga nakaraang araw. Pagkagising ko din ay gabi na. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Raf. He wants to pay visit here. Pinaalam ko muna kay Vibs at pumayag din ito agad. Para din daw makilala niya ito. So nagreply ako na okay. Siya na din daw ang bahala sa pagkain. Magdadala daw siya. Hindi na rin ako tumanggi. Bago man siya dumating ay agad na ako nagprepare. Naligo at nagbihis ako ng pambahay. Hindi naman kailangan na bongga ang isusuot ko. Sobrang pinaghandaan ko ang gabi na ito kahit na simpleng pagbisita lang naman ni Rafael dito sa unit. Ilang saglit pa ay ako na mismo ang nagprisinta para buksan ang pinto. Talagang tumambad pa ako sa salas para abangan ang kaniyang pagdating. Rinig naman ang pagtawa nina Clifford at Vibs dahil sa pagtataranta ko pero binalewala ko iyon. Isang matamis na ngiti ang nakaukit sa aking mga labi pagbukas ko ng pinto. Mas lalo ako napangiti nang tumambad sa akin ang guwapong mukha ni Rafael Chua sa harap ko. Kahit na galing siya sa trabaho ay hindi halata na haggard siya o ano. Napukaw ng aking atensyon ang mga dala niya. Napasinghap ako nang makita ko ang hawak niyang pagkain na talagang pinateyk awt pa niya habang hawak ng isang niyang kamay ang isang bouquet. "Naku, nag-abala ka pa sa bulaklak..." pigil-ngiti kong sambit. He chuckled. "For my girlfriend, of course." saka hinalikan niya ang aking noo. "I miss you." mahina niyang sabi. Lihim ko kinagat ang aking labi para pigilan ang sarili kong kiligin sa harap niya. Nilakihan ko ang awang ng pinto. "Pasok na na." aya ko. Tumango siya at ngumiti. Nang nakapasok siya ay sinalubong naman siya ng dalawa kong kasama. "Oh! Siya pala si Rafael Chua?" bulalas ni Vibs saka ngumisi sa akin. May kahulugan iyon! Nako, ayan na naman ang babaeng ito, may Clifford ka na, hoy! "Good evening, nakakaistorbo ba ako?" pormal na bati sa kanila ni Rafael. "Ay, hindi naman." sagot ni Vibs. "Ayos lang, pare." segunda pa ni Clifford. "Ako na bahala d'yan," sabi ko naman saka inagaw ko sa kaniya ang mga dala niya. "Maupo ka na muna d'yan sa salas. Kwentuhan muna kayo ni Clifford." "Ay samahan na kita." wika ni Vibs sabay lapit sa akin pero ramdam ko na parang pinagtutulakan niya ako hanggang sa marating na namin ang Kusina. "Loka ka, hindi ko ineexpect na ganoon pala kaguwapo ang jowa mo!" Hindi na ako sumagot. Sa halip ay ngumiti lang ako ng matamis na wari'y kilig na kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD