Pagkatapos namin kumain ay biglang nag-aya itong si Vibs ng inuman. Hindi lang kaming apat, talagang kinontak pa niya ang mag-asawang Mikhail at Cresha. Ang akala ko pa nga ay hindi pa busy ang dalawang ito pero hindi. Pumunta nga talaga sila! Pumunta sila na may mga dalang alak pa ang mag-asawang ito.
"Ang akala ko outcast kami dito." natatawang sabi ni Cresha nang nakapasok na sila dito sa unit. Nakasunod lang sa kaniya si Mikhail.
"Yow, cous." nakangiting bati ni Rafael kay Mikhail, talagang nag-fist bump pa ang dalawa.
"Naks, may girlfriend na." kahit si Mikhail ay natatawa. "At si Angela pa ang naging girlfriend mo!" may nangunguhulugang ngisi iyon.
Ngumiti lang si Rafael at nag-iiling-iling sabay inakbayan ako. "Syempre. Dinaan ko kaya ito sa suyo, akala mo, diba, missy?" sabay sulyap siya sa akin. Tumaas ang kilay ko saka sinikuhan ang tagiliran niya na dahilan para madaing siya. "Hey, bakit? Totoo naman, ah."
"Ligaw daw, ang sabihin mo, grabe ka lang manlandi ng mga oras na 'yon. Ewan ko sa iyo." inirapan ko siya pero natatawa na din.
"Oh, diba? Ang sweet niya sa akin, pre?" natatawang tanong niya sa pinsan niya. "Kahit ganyan iyan, mahal na mahal ko 'to."
Lihim ko kinagat ang labi ko. Bumaling ako kina Cresha at Vibs na natatawa. Pinagdilatan ko sila para pigilan pero bigo ako. Si Cresha, umalis nalang sa harap namin na malapad ang ngisi, si Vibs naman parang gusto nang gumulong-gulong sa sahig.
"Nga pala, Paeng, on the way na din sina Raghnall, Gervais at Pj dito."
"What?" bulalas ni Rafael. "You're kidding, are you?"
Nagkbit-balikat si Mikhail. "Of course not. Tawag nga sila nang tawag sa akin kung saan ka daw nila matatagpuan. Hindi ka daw nila mahagilap sa unit mo. Tapos, wala ka daw sa bahay ninyo sa Camarines."
Rinig ko ang malutong na mura ni Rafael. Parang walang mangyayaring maganda kung narito man ang mga pinsan 'lang' nila. Ano bang problema? Ano bang masama kung narito man ang mga pinsan niya?
-
Nang tumunog ang doorbell ay agad ko iyon dadaluhan para buksan iyon pero mas ipinagtataka ko kung bakit biglang humarang sa dinadaanan ko si Rafael. Parang ayaw niyang buksan ang pinto. Nakita ko sa monitor ang tatlong lalaki na singkit ang nasa labas, nag-aabang na buksan sila.
"Anong problema, Raf?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.
"Don't. Just don't." seryosong sagot.
"Huh?"
"Hello? Nar'yan ba si Rafael Emyr Chua?! Pakisabi, naririto na ang mga nagguguwapuhan niyang mga pinsan!" biglang may nagsalita mula doon sa monitor.
"Umuwi nalang kayo!" sigaw ni Rafael doon sa monitor.
"What the f**k?! Ang akala ko ba, ipapakilala mo sa amin ang girlfriend mo?!" natatawang sabi ng isa. "Buksan mo, gago!"
"Gusto kong ipakilala sa inyo kapag kasama sina mama at papa! Pati na din sina tito at tita!" bulyaw niya ulit sa monitor. "Go home, monkeys!"
"Ayaw. Buksan mo o kami ang magbubukas?" nakangisi na 'yung isa na nasa gilid. "Hoy, PJ, pagsabihan mo nga ito!"
May lumapit na isa pang lalaki. Itinapat pa niya ang mukha niya. "Bubuksan mo o sasabihin ko kay Angela na matagal ka nang supo—?" hindi na natuloy ang sasabihin niya nang biglang tinakpan ng dalawa ang bibig nito.
Nanlaki ang mga mata ko at bumaling kay Rafael na nanlalaki din ang mga mata. "What?" I mouthed.
Napahilamos ng mukha si Rafael. "Shit..." mahina niyang sambit. No choice tuloy siya, binuksan niya ang pinto. Ang akala ko papasukin na niya ang mga pinsan niya pero bigla niyang sinugod ang mga ito. Sumunod ako sa kaniya. He kicking PJ's ass. Hinayaan lang sila ang dalawa. Lumabas din sina Mikhail pero ang akala ko ay aawatin niya ang dalawa, sa halip ay tinawanan pa niya ang mga ito! Ano ba talagang nangyayari?
"Oh, there they are." kumento ni Cresha na nakahalukipkip. Nasa tabi ko na pala siya! Ngumiti siya sa akin. "Huwag ka na magtaka, ganyan talaga ang mga iyan. Mga maiingay."
"Oh, hi, Cresh! Umaandar na naman kasi ang mala-machine gun ni PJ kaya ayan...." sabi sa kaniya na pagkaalam ko ay Gervais ang pangalan.
"Totoo naman, gago ka!" rinig kong sabi n'ong PJ.
"Tarantado ka! Sabihin mo 'yan kapag tayo lang, huwag sa harap ng girlfriend ko, siraulo!" galit na galit na sabi ni Rafael.
"Tama na 'yan, mahiya naman kayo kay Angela." wika ng isa pa nilang pinsan. Humarap siya sa akin at ngumiti. Nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. "Hi, I'm Raghnall. One of Paeng's cousins. Nice to meet you."
Ngumiti ako saka tinanggap ko ang kaniyang kamay.
"Isa ka pa!" iritadong sabi ni Rafael saka inilayo niya ako kay Raghnall. "Huwag mong hawakan ito. Lalo na may germs ang mga kamay mo."
Tumawa si Raghnall sabay sapo sa kaniyang tyan. "Langya, kailan ka pa naging seloso?"
"Tss."
-
Parang nakawala sa hawla ang mga pinsan ni Rafael. Mas maingay sila kaysa sa inaasahan ko. Bakit si Mikhail, hindi?
Tulad nina Cresha at Mikhail ay may mga dala ding mga alak ang mga pinsan ni Rafael. Puros mga wine naman ang mga iyon. Lahat ng mga iyon ay imported pa! Nang tikman ko ang mga iyon ay hindi ko maipagkaila na masarap ang mga alak.
Si Gervais ang gumawa ng mga alak. Mahilig daw kasi ito sa bartending kaya hindi daw nakakapagtataka na may-ari itong mga bistro sa iba't ibang probinsya, kahit sa Maynila ay may branch siya doon.
"Nakausap mo na ba ang may-ari?" tanong ni Raghnall saka nilagok niya ang shot glass na may lamang Jim Beam.
"Ang atorni ko na ang bahala sa lupa na tinitirikan ng daycare." sabi niya nang inilapag niya sa mababang mesa ang cocktail na gawa niya. "Malawak at matao naman doon kaya walang problema. Paniguradong dadayuhin iyon."
"Maiba ako," biglang sabi ni PJ. Nakuha niya ang atensyon namin. "Ikakasal na pala si Jaycelle, 'yung ampon ng Grande Matriarch ng mga Hochengco."
"Kanino daw?" si Rafael ang nagtanong.
"Lloyd Resendes." bumaling siya kay Mikhail. "Hindi ba may gusto 'yung pinsan mong si Archie doon sa imbestigador na 'yon? Anong nangyari at sa iba siya ikakasal?"
Bago nagsalita si Mikhail ay sumandal siya sa sofa. "Oo, alam ng buong angkan na matagal nang may gusto si Archilles kay Jaycelle. Hindi ko lang alam kung may alam din si ahma tungkol doon. Pero ang alam ko ay okay na din sa kaniya na magpakasal ang iba ko pang pinsan sa hindi rin chinese." saka nagkibit-balikat siya.
Ano daw? So may issue pala na hindi pwede magpakasal o magkaroon ng karelasyon ang magpipinsang Hochengco sa hindi rin chinese? Why? Dahil sa tradisyon? Kadalasan ganoon ang naririnig ko o nababasa ko.
Biglang tumawa si Gervais. "Kung ako kay Archie, bilis-bilisan na niya kung ayaw niyang maunahan."
-
Nagpaalam ako kay Rafael na matutulog na dahil na din sa antok na dulot ng alak. At saka, bukas din kasi may praktis na kami para sa runway. Ayokong bumaba ang expectation ni Ms. Dafni sa akin. Baka sabihin ay hindi ako propsesyonal. Ayoko naman ng ganoon.
Nagpasya na akong magshower at magbihis ng pampatulog. Sweat pants at racerback shirts ang suot ko. Pinatuyo ko din ang aking buhok kapag nagpapahid ako ng lotion sa katawan.
Pagkatapos ko ay saktong nagbukas ang pinto. Nagtataka ako nang bulto ni Rafael ang pumasok dito. Taka ko siyang tiningnan saglit saka nilapitan siya.
"Oh, bakit iniwan mo sila doon?" tanong ko sa kaniya nang nakaupo na kami sa gilid ng aking kama. "Baka magtampo naman ang mga iyon."
He twisted his lips while he's staring at me. "Ayos lang naman. Nagpaalam din naman ako sa kanila na mauuna na akong matulog." saka dinambahan ako ng yakap at talagang pinahiga niya ako sa kama! "Sweet scent, huh?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Oy!"
Ngumiti siya. Kahit na amoy-alak na siya ay hindi ko magawang magreklamo. Ayos lang sa akin na ewan.
"Can I use your shower, missy?" he asked. "Hindi ako pwedeng matulog sa tabi mo na amoy pa ako ng alak. Baka maturn off ka sa akin." saka umalis siya sa ibabaw ko.
Natawa ako. "Baliw ka talaga."
Tahimik siyang dumiretso sa banyo at nagshower na nga siya. Habang hinihintay ko siya nagpasyang manood muna ako ng mga music videos sa youtube sa pamamagitan ng cellphone ko.
Ilang saglit pa ay lumabas na siya. Gamit pa niya ang tuwalya ko. Talagang pinilupot niya iyon sa kaniyang bewang. Napalunok ako nang masilayan ko na naman ang katawan niya. Agad akong umiwas ng tingi at pilit kong ibalik ang atensyon ko sa screen ng cellphone ko. Ramdam ko na din ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Jusko, bakit ganito ang pakiramdam ko?!
"Missy?" tawag niya sa akin.
Painosente ko siyang tiningnan. "Y-yes?"
"You feel uneasy, are you alright?"
"O-oo naman!" I exclaimed. Pinatong ko ang cellphone sa side table. Umalis ako sa kama. "Of course. Uhm, wala ka palang dalang damit. Wait, I'll look for a loose shirt at my closet—" bigla niya akong hinawakan sa isang kamay ko na dahilan para matigilan ako. "R-Raf?"
"I want to say something, my missy." masuyo niyang sabi.
Magkaharap na kaming dalawa. Dahil matangkad siya, nakatingala ako sa kaniya.
"What is it?" nagtataka kong tanong.
"The day I will go on knees for another girl, is the day I will be a dad and tie a shoe lace for our daughter, Angela." aniya saka sinusuklayan niya ang buhok ko sa pamamagitan ng kaniyang mga daliri.
Pero napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko! Pinakita niya sa akin ang isang bagay habang nakatingala siya sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng aking puso! "Rafael..." para akong kakapusin ng hininga!
"Missy, I love you for not what are you are, but what I become when I'm here with you. So be with me, whatever it takes and forever. Marry me..."
Bakit ganito ka, Rafael Emyr Chua!? Bakit palagi mo nalang ako ginugulat?!