"Rafael..." tanging pangalan lang niya ang nagawang kong sambitin dahil na pa rin sa gulat. Nakatuon lang ang tingin ko sa kaniya. "Are you sure about this?"
Hindi mawala ang ngiti niya habang nakatingala sa akin. "Yes, my missy. Kahit minsan ay hindi ako nagkaroon ng alinlangan lalo na't palagi na kitang nakikita... So please take this ring, kahit na hindi muna tayo magpakasal ngayon, basta alam kong akin ka at sa iyo lang ako."
Sa huli ay ngumiti ako't tumango bilang pagsang-ayon. "My answer is yes, Raf. I will marry you someday." tugon ko.
Mas lalo lumapad ang kaniyang ngiti at tumayo. Marahan niyang isinuot sa akin ang singsing sa aking palasingsingan saka hinalikan niya ang likod ng aking palad. Sunod naman niyang dinampian ng halik ay ang aking noo. "Thank you so much, my missy. Hinding hindi ka magsisisi na sinagot mo ang proposal ko." namamaos niyang sambit. "I will never hurt you, I promise."
Sa mga binitawan niyang mga salita ay mas lalo ako nabigyan ng kumpinyasa na mas mamahalin ko siya kahit sa maikling panahon palang kami nagkakilala.
-
Nagising ako kinabukasan ay mukha ni Rafael ang tumambad sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.
Bakit kaya ang guwapo mo kahit saang anggulo, Raf?
Ginalaw ko ang isang kamay ko at marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. Gising man o tulog, nakikita ko pa rin ang pagiging gentleman niya. Masyado siyang perpekto para sa akin.
Napangiwi lang ako nang may naramdaman akong masakit sa bandang ibabang bahagi ng aking katawan. Oh, right... Nagawa na naman namin ang bagay na iyon kagabi. If I'm not mistaken, we did it three rounds. Nakakaloka, parang hindi man lang siya naubusan ng lakas kagabi! Nang tanungin ko siya, sobrang saya lang daw niya. Hayy, dahil sa pagmamahal ko rin sa kaniya ay hindi ko na magawang tumanggi pa.
Naputol ang pag-iisip ko nang bahagyang gumalaw si Raf. Binawi ko ang kamay ko at pinapanood ko lang siya hanggang sa dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Nagtama ang mga mata namin. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. Na tila nasiyahan siya na ako ang bumugad ng kaniyang umaga. "Good morning, beautiful one..." namamaos niyang bati.
"Good morning din, handsome." balik-bati ko sa kaniya.
"Mukhang kanina ka pa gising..." saka isinubsob pa niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib. "Ang ganda ng panaginip ko, pero mas maganda na ikaw ang nakikita ko pagkamulat ko."
Lihim ko kinagat ang aking labi para pigilan ang sarili kong kiligin. Kainis naman ang lalaking ito, bakit hindi siya nauubusan ng asukal sa katawan?! "Ikaw talaga..."
"You have work today?" he asked.
"Uh-uh. I have rehearsals today for upcoming fashion show. If you don't mind... I need to prepare..."
Gumalaw na din siya. "Alright, then. Ihahatid kita sa rehearsals mo. Sabay na tayo magshower." saka ngumisi siya nang nakakaloko sa akin.
Dahil doon ay namilog ang mga mata ko. "W-what? Are you serious?!" bulalas ko.
Ngumuso siya. "Why? Magiging asawa din naman kita. Is that bad?"
Ramdam ko ang pag-iinit ang magkabilang pisngi ko. "H-hindi ako sanay..."
Hinalikan niya ang sentido ko. "Masasanay ka din." umalis siya sa kama na hubad pa at walang sabi na binuhat niya ako na parang bagong kasal kami! Binuksan niya ang pinto ng banyo at marahan niya akong pinaupo sa bath tub. Siya din ang naghanda ng mga iyon hanggang sa bumula na ang sabon dito sa bath tub. Sunod ay lumusong na siya dito, nasa bandang likuran ko na siya. Medyo natigilan ako, because I feel his chin lean into my shoulder. Kasabay na pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa aking bewang.
"Raf?" mahina kong tawag sa kaniya.
"Hmm?"
"W-what are you doing?"
"Gusto ko lang maging ganito tayo. Hindi ko na magagawa ito mamaya kapag nasa work na ako." masuyo niyang tugon.
Kinagat ko ang aking labi para mapigilan ang sarili kong mapangiti kahit naman na hindi niya makikita iyon. Hindi ko malaman pero bakti ganito ang nararamdaman ko? I feels like, we're already husband and wife at this state? Hm, siguro dahil na din sa nagpapraktis na kami sa oras na maging mag-asawa-
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
'Shunga ka, Angela! Kung anu-ano mga pinag-iisip mo!'
-
Pagkatapos maligo at magbihis, sabay na din kaming lumabas ng kuwarto. Dumiretso kami sa Dining Area kung nasaan sina Cresha at Mikhail, pati na din sina Vibs at Clifford. Ipinagtataka ko lang kung bakit wala sa silid na ito ang mga iba pang pinsan nila...
Nang makita nila kami ay natigilan sila. Mas lalo ko ipinagtataka iyon. Anong problema ng mga ito at ganyan sila makatingin? Parang ano, eh.
"Sorry, hindi kami nakatulong sa paghahanda at pagluluto." biglang sabi ni Rafael sa kanila.
Bago man sila sumagot at nahuli kong sinikuhan ni Cresha si Vibs. Medyo gulat pa ako nang pareho silang tumawa sa hindi ko malaman na dahilan.
"Naku, okay lang 'yon," si Vibs ang sumagot kasabay na iginawagayway ang palad niya sa ere. Sumulyap siya kay Cresha. "Hindi ba, Cresh? Okay lang?"
Ngumuso si Cresha st tumango. "Yeah, okay lang naman." ngumisi siya nang nakakaloko. "Ang importante lang naman doon ay maganda ang gising ng prinsesa ni Rafael."
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil doon. Ano bang problema ng dalawang ito? Hindi ko magets kung ano ang iniisip. "Ano bang pinagsasabi ninyo?" hindi ko na mapigilang tanungin sila.
Naputol ang diskusyon nang ipinatong na ni Mikhail ang ulam sa dining table. "Huwag mo na silang itindihin, Angela." natatawa niyang sabi. Bumaling siya sa kaniyang pinsan. "Maupo na kayo. Raf, bibisita si angkong sa kompanya mamaya. Kaya kailangan din natin bilisan."
Tumango lang si Raf at nauna nang umupo. Uupo na din sana ako sa dining chair nang bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan ko ang sarili kong nakaupo na sa kandungan si Rafael!
"Rafael!" malakas kong suway sa kaniya. "What are you doing?"
Matamis siyang ngumiti sa akin. "To feed you." simple niyang tugon. "Hindi pwedeng magutom ang mapapangasawa ko. Remember, you're already engaged in me."
"WHAT?!" bulalas ni Vibs sabay hampas sa mesa at napatayo. "Totoo?! Engage na kayo?!"
Ngumiwi ako. "Y-yeah, kagabi l-lang..."
"OMG! Patinginnn!" sabay lapit siya sa akin at tiningnan ang singsing sa aking palasingsingan. "Shocks, ang ganda ng diamond! Tingnan mo, Cresh!"
Lumapit si Cresh sa akin. Tulad ni Vibs ay namangha din siya nang makita niya ang singsing. Ngumiti siya at bumaling kay Mikhail. "Bigla ko tuloy naalala noong nagpropose ka sa harap ng pamilya ko, baby Mik." nilapitan niya ito at tinabihan sa pag-upo.
"Anything for you, baby Cresh." wika ni Mikhail saka hinalikan niya ito sa sentido. Kay Clifford naman siya tumingin. "Ikaw pre? Kailan kayo papakasal ni Vibs?"
"Kapag ready na siya," nakangiting sagot niya saka tumingin nang diretso kay Vibs. "Dapat espesyal ang pagpropose ko sa kaniya kung sakali."
-
Pagkatapos namin kumain ay kinakailangan na namin umalis. In short, wala nang tao sa unit. Nagkahiwa-hiwalay nalang kami pagtuntong namin ng basement kung nasaan ang parking lot ng building na ito. Nasa kotse ako ngayon ni Rafael. Siya daw ang maghahatid sa akin kung saan magpapraktis para sa fashion show. Paniguradong hinihintay na din ako doon ni Ms. Dafni.
"Thank you sa paghatid, Raf..." malambing kong sabi nang nasa tapat na kami ng building kung saan gaganapin ang praktis para sa runway.
Before he answered, he planted a peck on back of my palm. "It's my duty as you fiancé, missy."
Matamis akong ngumiti bago ako tuluyan nakalabas sa kotse. Kumaway ako sa kaniya na hindi mabura ang ngiti sa aking mga labi. Nagflying kiss pa ako. Nakakatawa lang dahil pinatulan niya iyon at kungwari sinalo niya iyon. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Hinatid ko lang siya ng tingin habang papalayo. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hining at pumasok na sa loob ng building.
Nang nakapasok na ako sa silid kung saan ang practice room, agad ko iginala ang aking mga mata sa paligid. Marami ding mga models na kasali dito. Ang iba sa kanila ay hindi pa kilala sa industriya na ito. Meron naman nanakikilala na.
"Kayo po ba si Miss Angela Dima?" tanong ng babae na lumapit sa akin.
"Ah, yes po. May I know kung narito na po si Ms. Dafni?" tanong ko.
"Angela! Finally, you came!" isang pamilyar na boses ang narinig ko sa hindi kalayuan.
Agad kong tiningnan para kumpirmahin kung hindi ba ako nagkakamali ng rinig. Lumapad ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko si Ms. Dafni na palapit sa direksyon ko at tila masayang masaya nang makita niya ako. Nakipagbeso-beso siya sa akin. "Sorry kung ngayon lang ako, Ms. Dafni." sabi ko.
"It's alright, may five minutes pa naman bago tayo mag-uumpisa."
"Oh! About sa maging cheoreo, on the way na siya dito." sabi niya.
Sino kaya ang tinutukoy niyang cheoreo namin? Sana hindi naman masyadong mahigpit...
"Sorry, I'm late!"
Sabay kaming napaitingin sa pinto. Nang makita ko kung sino ang bagong dating ay nawala nang parang bula ang ngiti ko. P-papaanong...
"Hay, sa wakas, nakarating ka din!" bulalas ni Ms. Dafni sabay lapit sa bagong dating. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa kaya kita hinintay, kung alam mo lang!"
Mahina itong tumawa sabay hubad sa kaniyang bull's cap. "Naabutan ako ng traffic. Alam mo naman dito sa Maynila..." nahagip ako ng kaniyang tingin. Tulad ko ay natigilan at nawala ang kasiyahan sa kaniyang mukha.
"By the way," sumingit si Ms. Dafni st ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "She's the cheoreographer and my long time friend. Colleen Ramirez."
Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib nang makumpirma ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Si Colleen. Ang kapatid ko. Ang anak ng tatay ko sa pagkabinata...
"It's nice to meet you again, Ms. Angela." pormal niyang bati saka nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. "My dear sister..."
Kinuyom ko ang aking kamao. May alinlangan kung tatangapin ko 'yon o hindi. Bakit pa muli nagkrus ang mga landas namin? Bakit ang liit ng mundo para sa aming dalawa?