Kailangan kong maging focus habang rumarampa ako sa runway. Nahagip ng aking mga mata sina Miss Dafni at Colleen na nag-uusap pero nakatuon ang kanilang tingin sa direksyon namin. Kahit ganoon ay ginagawa pa rin nila ang kanilang trabaho.
Alam kong bumuhay ang kuryusidad sa sistema ni Miss Dafni dahil nabanggit mismo ni Colleen na magkapatid kami. Kahit ako ay hindi ko inaasahan na sasabihin niya tungkol sa bagay na ito. Para saan? Para makakuha siya ng simpatya sa ibang tao? Sa mga kaibigan niya na anak siya sa labas ng pamilya namin? Na anak siya ni papa sa pagkabinata?
Pero hindi iyon ang nakikita ko. Kita ko na masaya pa sila nag-uusap. Wala akong makapang negatibo sa ekspresyon sa kanilang mga mukha. Na para bang nasiyahan pa sila! Kahit ako, bumuhay ang kuryusidad sa akin.
"Follow the beat, Angela!" malakas na puna sa akin ni Colleen na dahilan para magulat ako. "Kahit naglalakad ka sa runway, hindi pwedeng lumilipad ang isipan!"
Lihim ko kinagat ang aking labi. s**t, pakiramdam ko ay ipinahiya niya ako dito! Ginapangan ako ng inis pero pilit kong itago iyon baka sabihin kasi ay hindi ako professional sa trabaho. Ika nga nila, trabaho lang ito, walang personalan.
Ganoon nga ang ginawa ko sa mga sumunod pa na praktis. Hindi ako nagbigay ng sinyales na medyo inis ako kay Colleen. Kapag kakausapin niya ako ay tanging tango at tipid na sagot lang ang maibibigay ko sa kaniya.
Umupo ako sa gilid ng stage. Inilabas ko ang lemon water juice at ininom 'yon. Pinapakinggan ko lang ang bawat sasabihin ni Colleen sa mga kapwa ko ding modelo. May mga itinuro pa siya. Kung saan kami pupwesto pati na din kung papaano kami sasabagy sa mabilis na beat ng musika na ipapatugtog ng gabi kung kailan gaganapin ang fashion show.
Pinapanood ko lang siya. I can see she's very graceful with her movements. 'Yung boses niya sa tuwing nagsasalita siya, malumanay iyon. Hindi pang maldita ang datingan. Sa katunayan pa nga, she's like a heroine in some novels and movies.
Pero ipinaparamdam ko na isa siyang kontrabida sa buhay ko.
Payat si Colleen. Masasabi ko na magkasingkatawan ko lang siya. Simple siya magmake up pero hindi maitanggi ang pamumutla niya sa hindi ko malaman na dahilan. Daig mo pang may sakit. Ilang beses ko din naririnig kay Miss Dafni kung okay lang ba siya o ano na akala mo iniingatan siya ng sobra.
She has a pair of brown expressive eyes. 'Yung tipong malalaman na masiyahin siya. Una kong nakita iyon noong una ko siyang nakita na ipinakilala siya sa amin ni papa. Pero nababasa ko din na ang may kalungkutan sa kaniyang mga mata. 'Yung tipong may mabigat siyang problema.
Sumapit na ng lunch break. Naghanap ako ng bakanteng upuan dito sa loob ng cafeteria para na din makakain na ako dahil medyo gutom na din ako mula practice. Pumunta ako sa may bandang bintana dahil iyon ay walang nakaupo. Marahan kong ipinatong ang tray at umupo.
Nag-sign of the cross muna ako bago ko ginalaw ang pagkain. Nag-eenjoy na ako perponaputol iyon nang may umupo sa may bandang harapan ko. Kusang nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Isang hindi inaasahan...
"Sorry, wala na akong makitang bakanteng upuan. Okay lang naman sa iyo, diba?" malumanay niyang tanong sa akin.
Nilunok ko ang pagkain at tumango. Yumuko ako para hindi ko siya tingnan. Pilit kong ipagpatuloy ang kinakain ko pero muli siyang nagsalita.
"Sorry ulit tungkol kanina kung pakiramdam ko ay napahiya kita habang nasa practice."
Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito.
"Gusto kasi ni Dafni na magiging star ka sa nalalapit na fashion show kaya ginagawa ko din ang lahat para ma-perfect mo ang scene mo..."
Kahit na nakayuko ako, pumikit ako ng mariin. Pilit kong isisiksik sa isipan ko na nagiging professional lang siya. Wala nang iba pa.
"Sorry din kung tingin mo ay nasira ko ang pamilya mo."
Dumilat ako't tumingin sa kaniya ng diretso sa kaniyang mga mata. Tinapunan ko siya ng isang malamig na tingin. "Wala na tayong magagawa pa doon. Nagpakilala at kinilala ka ni papa na anak niya." sarkastiko kong tugon. Binitawan ko na ang kurbyertos at tumayo. "Let me be honest with you. Pero sana, huwag mong ipagsigawan sa iba na kapatid kita. Dahil hindi ko pa tanggap." umalis na ako sa harap niya at iniwan na siya.
Ayoko man maging bastos sa harap niya, although okay naman ang pakikitungo niya sa akin. Pero hindi rin masisisi kung ano din ang nararamdaman ko ngayon. Ayokong makipagplastikan sa kaniya. Ayokong maging ipokrita sa harap niya. Mas maigi pa nga na diretsahan na sa gayon ay walang siyang aasahan sa akin.
Bumalik ulit kami sa pagpapraktis. Nakukuha ko na din ang tamang paglalakad sa runway. Ilang beses na din nagkakasalubong ang mga tingin namin ni Colleen. Ngumiti siya sa akin na parang nasisiyahan sa kaniyang nakikita. Nakahalukipkip siya habang pinapanood niya ako. Binalewala ko lang 'yon. Hindi pa rin ako sigurado sa sinseridad niya lalo na 'yung mga pinagsasabi niya kanina sa cafeteria.
Sumapit nang alas sais y media ng gabi ay natapos ang praktis. Nakatanggap din ako ng text message mula kay Rafael na susunduin niya ako. Agad ko din inayos ang mga gamit ko habang ang mga kasamahan ko ay nakapag-ayos na't nakapagpalit na ng damit. Bakas sa kanilang mukha ang pagod pero tingin namin ay worth it din naman, atleast ay kaunti nalang ang aayusin sa pagrampa.
Isinuot ko na ang bag ko nang nilapitan ako ni Colleen. Matik na kumunot ang noo ko. Hindi ko rin inaasahan na lalapitan pa niya ako sa gantong sitwasyon pa.
"Uuwi ka na?" nakangiting tanong niya.
"Yeah," mabilis kong tugon then I looked away.
"Hm..." she muttered. "I want to walk with you until we reached the parking lot, it's that alright?"
I released a sigh. "Sa labas ako ng building maghihintay ng sundo." Bakit sinasagot ko ang tanong niya?!
"Oh, I see. Eh di samahan kita habang hinihintay mo 'yung sundo mo." she said cheerfully. "Please?"
I rolled my eyes. Nilagpasan ko siya pero wala akong sinasabi na kung ano pa. Nakasunod lang siya sa akin habang palabas kami ng building kung saan maghihintay si Rafael.
Nakahalukipkip ako habang nakatayo. Samantalang si Colleen naman ay nakasandal lang siya sa pader. Isang nakakabinging katahimikan ang pumapagitan sa aming dalawa. Wala siyang sasabihin o ano pero bakit nagawa pa niyang samahan ako dito? Alam naman niyang inis at galit ako sa kaniya. Bakit ipinagpipilitan niya ang sarili niya sa akin? Sa tingin ba niya ay makukuha niya ako sa pagiging ganito niya?
"Angela?" marahan niyang tawag sa akin.
Tahimik ko siyang tiningnan.
"Ilang taon ka na sa pagmomodelo?" tanong niya.
"Five years, I think." malamig kong sagot sabay bawi ko din ng tingin. "Pero graduated naman ako ng college kaya may back up ako kung sakaling hindi ko na kaya sa industriya na ito."
"Hm, you love art?"
"Kinda. Why?"
Ilang segundo pa bago siya sumagot. "I love art. I love to paint. Handicrafts..." huminga siya ng malalim. "Bukas, bibigyan kita ng bracelet na gawa ko. Yari siya sa seashell. Paniguradong magugustuhan mo 'yon."
Pilit na ngiti lang ang maibigay ko.
"By the way, congratulations." sabi pa niya.
Natigilan ako. Taka ko siyang tiningnan.
"I saw your ring finger. Kung hindi ako nagkamali, is that an engagement ring?"
Tumikhim. "Y-yes."
"Alam kong magiging masaya ka sa magiging asawa mo, Angela."
Iyon ang unang pagkakataon na natitigan ko siya ng matagal. Madaming katanungan sa aking isipan. Ni isa sa mga iyon ay hindi ko magawang isaboses. Ano, bakit, papaano, saan... Lahat.
Naputol ang pag-uusap namin nang may narinig akong busina. Agad kong tiningnan kung sino 'yon. Isang pamilyar na sasakyan ang paparating dito. Agad na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Pinapanood ko lang ito hanggang sa tumigil ito sa harap namin. Nang lumabas ito ay mas lalo ako nasiyahan nang makita ko si Rafael!
Agad ko siyang nilapitan para salubungin. Niyakap ko siya ng mahigpit at ginantihan niya din ako ng yakap na may kasamang halik sa sentido.
"Sorry if I'm late, missy." masuyo niyang sabi sa akin.
"It's alright." malambing kong wika.
"I know you're already starving. You want to eat somewhere?"
"Hmm..." kungwari nag-iisip. "I want your cook."
Mahina siyang tumawa. Hinawi niya ang mga takas kong buhok at isinabit niya iyon sa aking tainga. Pero natigilan siya na tila may naramdaman siyang kakaiba. Tumingin siya sa direksyon kung saan ko iniwan si Colleen. Ganoon din ang ginawa ko. Kita ko na nanatili pa rin siyang nakatayo doon at nakatingin sa aming dalawa. Lalo ko ipinagtataka ko ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Tumango siya at tinalikuran na niya kami hanggang sa nawala na siya sa paningin namin.
"Let's go?" aya ko kay Rafael.
Tumango si Raf pero ipinagtataka ko kung bakit parang nawawala siya sa kaniyang sarili o tila nakakita siya ng multo ng mga oras na iyon.
"Raf, may problema ba?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya iyon. "Kanina ka pang tahimik kasi."
Bahagyang yumuko siya pero nanatili siyang nakatingin sa kalsada. "I'm alright, missy. Don't mind me."
Hindi na ako nangulit pa. Sa halip ay pinapanood ko lang ang reaksyon niya. Simulang nakita niya si Colleen ay umiba na siya. Bigla ako nakutuban nang hindi maganda. Parang may something...
Si Colleen Ramirez. Ang kapatid ko sa labas. Pero malakas ang pakiramdam ko na may koneksyon silang dalawa ni Rafael. Kailangan ko nga lang malaman kung ano at bakit.
May alam din kaya ang mga pinsan ni Rafael dito?
Sino ka ba talaga, Colleen? Bakit ganito ang reaksyon ni Rafael nang makita ka niya?
Kailangan kong malaman kung ano 'yon...