Pinalagpas ko lang ang kuryusidad ko buhat ng gabi ding iyon. Sa ngayon, ang tanging magagawa ko lang ay bantayan ang bawat kinikilos ni Colleen. Kahit na kabaitan ang ipinapakita niya sa akin, hindi pa rin ako kumbinsido. Mahirap na. Lalo na't hindi ako pwedeng mahulog sa magiging bintag niya.
Nahihiya naman akong magtanong kina Cresha at Mikhail dahil baka anuman ang isipin nila. At ayoko din na madamay sila. Kaya maigi na ang ganito.
Ganoon pa rin ang ginagawa ni Rafael. Hatid-sundo ko pa rin siya. Pero napapansin ko na parang may kakaiba. Hindi siya tulad ng dati na sobrang sweet at lambing. Masasabi ko na bihira nalang. Kahit hindi man niya sabihin o sagutin, alam kong may kinalaman kay Colleen.
"Angela," nakangiting tawag niya sa akin nang matapos ang pratice namin ngayong umaga. Lunch break na. At hanggang ngayon ay panay sunod niya sa akin kung saan man ako. Nasa iisang mesa na naman kami kapag kakain. Pinagtataka ko lang din kung bakit hindi man lang siya sumama kay Miss Dafni.
Tumingin ako sa kaniya na may kasamang malalamig na tingin. Tulad ng inaasahan ay umupo siya sa harap ko. May dinukot siya mula sa bulsa ng kanyang denim jacket. Ipinatong niya ang bagay na 'yon sa mesa. Tumalikwas ang isang kilay ko dahil sa pagtataka.
Bracelet na yari sa seashell...
"Hindi ko agad nabigay sa iyo 'yan na dapat nung nakaraang araw pa. Sorry. Hindi na kasi kita maabutan at hindi ako nakahanap ng tyempo para ibigay sa iyo 'yan..." sinseridad niyang sambit.
"Hindi mo naman kailangang ibigay sa akin ito." malamig kong turan, mabuti nalang din ay kakatapos ko lang din kumain.
"No, hindi ba nagpromise na ako sa iyo na ibibigay ko sa iyo ito?"
"Pero hindi ko matatanggap 'yan."
Saglit siya natahimik. May bakas na kalungkutan sa kaniyang mga mata. "Alam kong hindi pa rin madali para sa iyo na tanggapin ang sitwasyon na ito pero sana ay hayaan mo lang na maging malapit ako sa iyo, please?"
Bakit ba ang kulit ng isang ito?
Dahil sa wala na akong choice, tinanggap ko ang naturang bracelet. Hindi ko iyon sinuot, sa halip ay nilagay ko lang 'yon sa bulsa ng aking pantalon. Tumayo na ako. "I gotta go." malamig ko pa rin sinabi at nilayasan ko na siya hanggang sa tuluyan na akong nakalayo sa kaniya.
-
Habang nasa practice ay hindi maalis ang tingin ko kay Colleen. Surprisingly, ganoon pa rin ang kinikilos niya, tulad noong una beses na nagpractice, kasama siya. Nakaupo lang siya sa isang gilid at pinapanood kami. Seryoso ang kaniyang mukha.
Kumunot ang noo ko nang biglang lumapit sa kaniya ang isang babae at inalok ang isang baso ng tubig at isang gamot. May sakit siya? Tinatrangkaso or what?
Wait, bakit naging concern ka bigla sa kaniya, Angela, ha?! Baka nakalimutan mo, may inis ka pa rin sa babaeng iyon kahit mabait siya sa iyo?! Kungwari lang siyang mabait sa harap mo para makuha niya ang gusto niya! She's trying to deceive you! Always remember that!
"Tomorrow, no practice. I have an important errand so you can rest..." anunsyo niya nang matapos na kami sa practice. We still have one more day and that will be the final practice. Magsusukat na din ng mga damit para sa collection ni Miss Dafni.
Nagpaalam na ang ibang kasamahan ko, ang iba sa kanila ay nagbihis at nagprepare para makaalis na. Inaayos ko na din ang mga gamit ko saka nag-iwan ako ng text message para kay Rafael.
TO : RAFAEL
I'm done with my practice.
Then I hit send. Kumawala ako ng isang malalim ba buntong-hininga saka ipinagpatuloy ko ang aking pag-aayos nang may narinig akong dalawang boses sa hindi kalayuan sa akin. Naniningkit ang mga mata ko.
"Alam kong nagulat siya nang makita niya ako dito sa Maynila, Dafni." rinig ko na paniguradong boses iyon ni Colleen.
I heard someone's sighs. "Kahit naman kasi anong tanggi ko na huwag ka na magtrabaho, sige ka pa rin."
"Boring sa bahay, Daf. Alam mo 'yan. Nasa isang isla lang ako at madalas ay wala akong kasama doon. Maliban nalang kung pinupuntahan ako ni Rafael para bisitahin at kamustahin."
Umawang ang labi ko nang marinig ko 'yon.
Ibig sabihin, may namamagitan talaga kina Rafael at Colleen? Anong tunay nilang ugnayan sa isa't isa? Ano ang relasyon nilang dalawa?!
"Ang mabuti pa, ihatid na kita." alok ni Miss Dafni.
Napalunok ako't agad ako nagtago sa pagitan ng dalawang locker, para hindi nila ako makita. Kita ko na dumaan silang dalawa sa gilid ko. Pero ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib pagkatapos kong marinig ang pag-uusap nilang dalawa.
Nang tuluyan na silang nakalabas dito sa locker room, umalis na ako sa pinagtaguan ko. Sinilip ko ang cellphone ko pero bigo ako. Wala akong natanggap na text message mula kay Rafael. Doon ay ginapangan na ako kaba at takot. Hindi na maganda ang mga natutuklasan ko!
-
Nanatili pa rin akong nakatayo sa labas ng gusali. Hinihintay ko si Rafael. Kanina pa ako nagtetext sa kaniya pero ni isa ay wala akong natanggap na reply. Lihim ko kinagat ang aking labi, kasabay na kinuyom ko ang aking kamao.
Bakit ganito? Bakit parang naninikip ang dibdib ko? Masyado ba siyang busy? May importante pa ba siyang meeting ng ganitong oras? O hindi kaya... Magkikita silang dalawa ni Colleen?
Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Ilang beses na akong nagbuntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko. I don't need to be insecure. Huwag ko hahayaan ang sarili kong lamunin ako ng mga negatibong bagay! One more hour, Angela. Kapag walang Rafael Chua na sumipot, you should go home... By yourself.
Lumipas ng isang oras ay hindi ko rin inaasahan na biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kinagat ko ang aking labi. Wala pa naman akong dalang sasakyan.
Imbis na istorbihin ko pa ang mga kaibigan ko, kumuha nalang ako ng sundo thru uber. Wala pang thirty minutes ay may tumigil na sasakyan sa harap ng building. Mabilis akong pumasok sa loob. Nagsorry pa ako sa mama dahil medyo basa ako ng tubig-ulan. Mabuti nalang ay mabait ito.
Nagpahatid ako sa mismong building kung nasaan ang condo unit ni Rafael. Nagkakabaka sakaling nakauwi na siya. Kung hindi man, ipagluluto ko nalang siya.
-
Pagdating ko sa Eton Residences, agad akong nagbayad ng fare at nagmamadaling pumasok sa loob ng building. Wala akong pakialam kung medyo basa na ang damit ko. Hindi ako nakapagdala ng payong dahil hindi ko rin naman inaasahan na uulan ngayon.
Hanggang sa napadpad ako sa pinto kung nasaan ang unit ni Rafael. Pinindot ko ang passcode. Tagumpay akong nakapasok sa loob. Kinapa ko ang pader kung nasaan ang switch ng ilaw.
Agad kong dinaluhan ang kuwarto ni Rafael ngunit ni anino niya, wala.
Ibig sabihin, hindi pa siya nakauwi?
Kinagat ko ang aking labi. Biglang tumunog ang cellphone ko. Natataranta kong inilabas iyon sa aking bag pero lumaylay ang magkabilang balikat ko nang makita kong hindi pangalan ni Rafael ang lumalabas sa screen. Kahit dismayado ay nagawa ko paring sagutin ang tawag.
"Yes, Cresh?" bungad ko sa kausap ko.
"Kamusta ka na? Busy?"
Huminga ako ng malalim. "Yeah, kahit medyo exhausted, ayos lang. Sana makaraos kami sa fashion show..."
"Oh I see. Pupunta kami sa fashion show, hm? Including the Hochengcos."
Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang mga kamag-anakan ni Mikhail sa mother side. "Sure, kailangan ko din ng moral support ninyo."
Rinig ko ang pagtawa niya. "You are already a professional model, Angela. Bakit ka pa kakabahan?"
Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Masyado akong pre-occupied. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyayari. Lalo na't hindi kami nagka-usap ni Rafael ngayon. Wait! "Ah, Cresh?"
"Yes?"
"Uhh, itatanong ko lang kung may lakad ba ang magpipinsang Chua?" medyo alinlangan kong tanong.
"Wala naman. Kasama ko naman ngayon dito si Mikhail. Wala rin siyang binanggit sa akin na may hang out sila ng mga pinsan niya."
Pilit akong ngumiti kahit hindi niya nakikita 'yon. "Ganoon ba? P-pasensya na... Pero salamat na din. M-magluluto muna ako. See you." then I hanged up.
Tumingala ako saka pumikit ng mariin.
"Hahanap nalang ako ng gagawin." sabi ko sa sarili ko para mabawasan ang pag-aalala at takot sa aking sistema. Iisipin ko nalang na busy talaga siya ngayon.
-
Nagising ako dahil sa boses na nangmumula sa telebisyon. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nahagip ng aking paningin ang wall clock. Pasado alas onse na ng gabi. Agad akong pumunta sa kuwarto ni Rafael, baka nakauwi na siya.
Pero bigo ako.
Bumalik ako sa salas at kinuha ko ang cellphone ko. Napatitig ako sa screen nang tumigil ako sa pangalan ni Rafael. Ilang beses na nagtatalo ang kalooban ko kung tatawagan ko na ba siya o hindi.
Sa huli ay sinubukan ko siyang tawagan.
Wala pang limang ring ay may sumagot na ito. Magsasalita pa sana ako nang inunahan na ako.
"Hello, Angela?" isang pamilyar na boses ang bumungad sa akin.
"C-Colleen..." halos pabulong na iyon.
"Hinahanap mo ba si Paeng? Nasa banyo siya ngayon-" hindi ko na hinintay pa ang mga susunod niyang sasabihin nang pinutol ko ang tawag.
Umawang ang aking bibig. Ilang beses nang nagtaas-baba ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa aking mga narinig. Kasabay na hindi magawang magpigil ang aking mga luha. Marahas iyon tumulo hanggang sa umagos iyon sa aking magkabilang pisngi.
"Papaano mo nagawa sa akin ito, Raf? Bakit sa kapatid ko pa...?" humihikbi kong sabi pagkatapos ay niyakap ko ang mga binti ko't isinandal ko ang aking noo sa aking mga tuhod. Hindi ko na mapigilan mapahagulhol dahil sa sakit at bigat na pakiramdam...