chapter fourteen

1736 Words
Nang mahimasmasan na ako, agad akong umalis sa Eton Residences. Ayokong maabutan ako ni Rafael dito dahil alam kong hinding hindi ko kakayanin na makita siya ngayon dahil sa bigat at sakit na nararamdaman ko. Baka ano pang masabi at magawa ko sa kaniya. Pero mas lalo ko pinagdadasal na huwag ko din makita si Colleen dahil paniguradong masasaktan ko siya nang wala sa oras. Maigi nang mapag-isa muna ako. I need to compose myself. I need to think straight or so whatever. My life gets messier and s**t since Colleen appeared. Damn it. Walang kasiguraduhan kung saan ako napadpad. I just found myself in the bus. Watching outside. Parang blangko ang isipan ko ngayon. Ayokong umuwi o makipagkita man sa mga kaibigan, pamilya o kakilala. Panay tawag sa akin ni Rafael. But I'm little bit surprise dahil pati na din sina mama at papa ay tinatawagan ako. Pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinagot. Mas lalo lang gugulo o mas lalo sisiklab ang galit ko kapag kinausap ko pa sila. So I decided to turned off my phone. Para na din hindi nila ako matunton kung saan ako mapapadpad ngayon. Hindi rin ako makatulog kahit nasa byahe ako. Pero iisa lang ang alam ko, wala na ako sa Maynila. Pansin ko ang malalawak na palayan sa bawat nadadaanan ng sasakyan until we reached the terminal. Tamad akong bumaba. Wala akong dala kung ano. Maliban nalang sa maliit kong bag na naglalaman ng mga mahahalagang gamit—cellphone, cash and card. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Maingay at maraming tao. Napalunok ako. Nasaan na nga ba ako? Namataan ko ang isang signage. Napaawang ang bibig ko nang mabasa ko ang nakasulat doon. Tanza, Cavite! Like, what the hell?! Umaabot ako dito?! Shocks, pagabi ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pwedeng magcheck in kahit pansamantala! - Until I found Tanza Oasis Hotel & Resort. Nakabili na din ako ng mga damit na maisusuot ko para bukas. Nagcheck in ako kahit walang reservations. I just need a shelter for a while. Damn, it looks like I'm running away or something! Argh! Marahan kong pinihit ang pinto ng kuwarto. Deluxe Room ang nakuha kong kuwarto. Ayos na din ito. But before I got here, mahigpit kong ibinilin sa reception na huwag na huwag silang magbibigay ng information tungkol sa akin especially kung matunton man ako nina Rafael o ng pamilya ko. Mahirap na. Alam kong mayaman at magagawa ni Rafael ang gusto niya sa isang iglap lang. Marahan kong inilapat ang aking likod sa kama. Nakipagtitigan ako sa kisame. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kagatin ang labi ko para hindi ako maiyak pero bigo ako. Kusa nang kumawala ang iilang butil ng luha mula sa aking mga mata. Tumigilid ako ng higa at hindi ko na mapigilan ang sarili kong humagulhol. Kahit na nakalayo na ako, hindi pa rin talaga maalis ang bigat na pakiramdam sa puso ko... - It's quarter to twelve in the midnight when I decided to go out. Maghahanap ako ng lugar kung saan ako magpapalipas ng oras. Ayoko naman na nakakulong at nagmumukmok lang ako sa room hotel. Baka mabaliw lang ako nang wala sa oras. Hanggang sa napadpad ako sa sinasabi sa akin ng bell boy na napagtanungan ko. Sagobe Bar daw ang tawag. It's also a part of the Hotel and Resort. Cosy ang lugar. Magaganda pa ang mga tugtugin. Ang lugar na ito ay para sa mga taong gusto mag-chill lang well, iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Dumiretso ako sa bar stool para umupo. Ipinatong ko ang mga braso ko sa counter. Nilapitan ako ng bartender. "Mojito, please." sabi ko. "Right away, ma'm." he answered. Agad na din niyang inasikaso ang inorder kong inumin. While waiting, I'm tapping my fingers on the counter. May nahagilap akong lalaki na nakaupo sa hindi kalayuan sa akin. He's busy drinking. Laylay ang magkabilang balikat niya na tila pagod na pagod siya or maybe he just wanted to burst his stress kung anuman 'yon. I immediately take off my eyes from him. Wala pang dalawang minuto ay bumalik ang bartender at inilapag niya sa harap ko ang mojito na inorder ko. But surpirisngly, may isa pang inumin na hinabol niya. If I'm not mistaken, this is Madras... "Offered by him, ma'm..." sabi ng bartender sabay turo niya sa akin ang lalaking nakita ko kanina. Sinundan ko iyon ng tingin. Tumalikwas ang isang kilay ko. Kinuha niya ang kaniyang inumin at inangat niya iyon na akala mo nakipag-cheers siya sa akin. Tumango ako at ganoon din ang ginawa ko. Binawi ko din agad ang tingin ko mula sa kaniya at nagsimula nang uminom. Kahit papaano ay naibsan ang sama ng pakiramdam ko. Pero hindi ko inaasahan ay nilapitan ako ng lalaking nagbigay ng inumin sa akin. "Hi," he cheerfully greeted me. "Can I join you, if you don't mind." "Uhh... Ano kasi..." I muttered. "May kasama ka bang hinihintay?" tanong niya. Isang pilit na ngiti ang iginawad ko. "Well, actually... Ako lang mag-isa. To unwind..." Oh sheez, bakit nagsabi na ako ng kung anu-ano?! He's just a stranger! "Unwind." he stated. Not a question or something. "Brokenhearted?" he added. Dumapo ang tingin ko sa inumin. "Sort of," mahina pero may bakas na nahihiya nang sabihin ko 'yon. "But I can manage." There, lies! Mahina siyang tumawa. "So I'm not the only one." he said. Medyo gulat ko siyang tiningnan. "So are you, too?" I asked. He shrugged pero hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Well, welcome to the club." bigla naman niyang nilahad ang kaniyang palad sa akin. "Firjas Vega, miss. And you are...?" Hilaw akong ngumiti. "Angela Dima. You can call me Angela." sabi ko. Tinanggap ko ang kaniyang palad pero agad ko din binawi iyon. "Sorry kung medyo feeling close yata ako sa iyo, Angela." naging marahan na ang kaniyang boses nang sambitin niya iyon. "Hindi rin naman ako masisisi kung bakit." "Bakit nga ba?" "I'm in a relationship for five years, and suddenly, my girlfriend dumped me. I found out she's with another man." Napatigil ako sa pag-inom at lihim ko kinagat ang aking labi dahil biglang sumagi sa aking isipan ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon sa Cavite. Dahil sa mga nalaman ko. Na niloloko lang ako ni Rafael! Na kasama niya sa iisang kuwarto ang kapatid ko! Si Colleen at paniguradong may ginawa silang kababalaghan habang nakatalikod ako! "Hey, are you alright, Angela?" bigla niyang tanong. Nanumbalik ang ulirat ko. "O-of course, I am!" I said with a high pitch voice. Ilang segundo syang nakatitig sa akin na tila pinag-aralan niya ako sa mga tingin niya iyon. Na parang may hinahanap siyang kasagutan. "Come away with me, Angela." Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. "H-ha? Saan naman tayo pupunta?" "Sa lugar na ilalabas natin ang sakit. This place is useless. So shall we?" Hindi ko alam kung bakit kusang sumunod ang katawan ko sa gugustuhin niya. Ramdam ko lang na inakbayan niya ako pero parang balewala lang sa akin 'yon. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako lasing o ano. Normal pa ako. Nasa katinuan pa ako kaya ayos lang. When we reached the parking lot, medyo malapit na kami sa sasakyan ni Firjas nang bigla siyang napabitaw sa akin. Sa kadahilanan na biglang may humawak sa kaniya at sinapak. Napasubsob sa semententadong daanan si Firjas! Agad ko siyang dinaluhan para alalayan na makatayo. Inangat ko ang tingin ko para tingnan ko kung sino ang may gawa nito sa kaniya. Natigilan ako nang tumambad sa akin ang dalawang tao na ayaw na ayaw kong makita ngayon. "Anong ginagawa ninyo dito?!" hindi ko mapigilan ang sarili kong singhalin sila dahil sa galit. "One of the Hochengcos told me na narito ka." mariin at bakas na galit na din si Rafael nang sagutin niya iyon. "Si Suther Ho. Nakacheck in sila ng asawa niya dito." Hindi na ako nagbitaw pa ng salita. Patuloy ko pa rin inaalalayan si Frijas na makatayo. Tatalikuran na sana namin siya nang nahuli niya ang braso ko kaya nabitawan ko ang kasama ko! "Let me go, Rafael!" pagpupumiglas ko pa. "No, I won't!" Dahil na sa sobrang galit ay hindi ko mapigilan pa na malakas na dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi. Rinig ko ang pagsinghap ni Colleen dahil sa ginawa ko. "Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa ninyo!" matigas kong sambit. Lumapit sa akin si Colleen. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Kung anuman ang iniisip mo, maling mali ang inaakala mo, Angela!" "Isa ka pa!" sigaw ko at walang sabi na malakas ko siyang naitulak kaya bumagsak siya. Dinuro ko siya. "Masaya ka na, ha? Masaya ka na... Na una mong sinira ang pamilya ko! Hindi ka pa kuntento, pati ang relasyon namin ni Rafael! Anong klaseng kapal ng mukha na meron ka?!" "Colleen!" nag-aalalang tawag sa kaniya ni Rafael. Nilapitan siya nito at inaalalayan na makatayo. Sa mga nasaksihan ko, ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. Na parang tumigil ng ilang segundo ang pagtibok nito. Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa galit. Parang gusto kong manakit anumang oras pero pinipigilan ko lang. "Angela..." naiiyak na tawag sa akin ni Colleen. "Alam kong malabo pa ito pero ayusin natin at magkalinawan tayo. Makinig ka lang. Magtanong ka muna bago ka magbigay ng konklusiyon..." "Hinding hindi ako makikinig sa iyo! Hinding hindi ko papakinggan ang bastarda na tulad mo!" "Angela!" galit na suway sa akin si Rafael. Tumawa ako na may halong panunuya. "Kinakampihan mo na pala siya, Rafael? Teka, narito ka at kasama mo ang babaeng iyan. Ibig sabihin, alam mong siya ang kapatid ko? Na siya ang anak ng tatay ko sa labas, ha?!" Hindi niya ako magawang sagutin. Sa halip ay umigting lang ang kaniyang panga. "Alam mo ito, Rafael?" basag na ang boses ko. "Ibig sabihin, alam mo mula sa umpisa ang lahat ng ito? Kaya... Hindi ka nagdalawang isip na patirahin ako sa bahay mo noon para tulungan ako...?" umagos na ang aking luha. Yumuko siya. Umiwas siya ng tingin sa akin. Pumikit ako ng mariin. "Noong naglayas ka, Angela..." panimula ni Colleen. "Nalaman ko kay Alita na gustong gusto mo makarating ng Calaguas at malakas ang kutob ko na didiretso ka doon kaya agad kong tinawagan si Rafael para bantayan ka niya..." Kumunot ang noo ko. Sige pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. "Humingi ako ng pabor sa kaniya bilang kaibigan... Hindi bilang ex-wife niya..." Sa mga oras na iyon, hindi ako makahinga ng maayos. Agad ko silang tinalikuran. Pilit akong habulin ni Rafael pero hindi ako nagpatinag. Dumiretso ako sa sasakyan ni Firjas at pumasok. Kahit sa pag-usad nito ay patuloy pa rin niya ako hinabol. Wala akong pakialam. Ang inaalala ko ngayon ang wasak kong puso. Ang tanga mo, Angela... Ang tanga-tanga mo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD