“Akala ko‘y wala ka ng balak ipakilala sa‘kin ang nobya mo!” Nakatikom lang ang bibig ko pagtapos ko magmano sa mama ni Thirdy. Paano ba naman kasi! Hindi ako ready na ipapakilala niya ‘ko! “Mabuti naman at pumasa sayo ang anak ko!” Masayang sabi niya, magkatabi kami habang naglalakad. “Ma, sama siya satin kumain,” sabi ni Thirdy sa kaniyang ina. “Oo naman! ‘Yon talaga ang balak ko! Sakto nga dahil dinamihan ko ang luto kanina! Pakiramdam ko kasi‘y ipapakilala mo na sa‘kin ang girlfriend mo, e!” Tumawa ito bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik lang ako dahil katabi ko ang mama niya sa tricycle! Jusko naman, hindi ako ready! First time ko ’to! Si Thirdy kasi ang first boyfriend ko! Baka mamaya, mas gusto ng mama niya ang naging ex niya... kung meron lang naman! “Tulungan ko na

