03: “Gusto kita...maging kaibigan.”

2000 Words
“Ha?!” Hindi makapaniwalang saad ko. Para kaming tangang magkatitigan dito sa tapat ng poste! Amputcha, para kaming na sa kdrama! Tumawa ako para alisin ang ganoong tensyon sa‘min bago siya marahang hinampas sa balikat. Para naman siyang tanga kasi! Joker pala talaga ‘tong si Thirdy! “Halika na nga! Kinikilabutan ako sa jokes mo!” I laughed. Eto?! Si Thirdy, may gusto sa‘kin?! Mas maniniwala pa ako kapag sinabi niyang f**k boy siya! Para siyang natauhan nang tumawa ako. Inayos niya ang suot niyang salamin bago siya ngumiti sa‘kin. He cleared his throat before he smiled at me. “Malayo pa bahay mo, magsimula na tayong maglakad.” Seryosong sabi niya ngayon. Umayos naman ako ng tayo at tinapik siya sa balikat para mauna na akong maglakad sa kaniya, pumapayag na ihatid niya ‘ko. Hindi na ulit kami nagkausap dahil mukhang nawala siya sa mood. Tapos ako naman ay pagod na rin at gusto nang matulog kaya hindi ko na rin siya dinaldal. Naaalala ko lang ‘yung joke niya kanina, parang totoo kasi. Pero parang ang labo ring magustuhan niya ‘ko. At hindi ko nakikita ang sarili kong ma-iinlove. Hindi naman totoo ‘yon. Mas maniniwala pa akong magkakasakitan lang kami kaysa ma-inlove. “Dito na ako,” ngumiti ako‘t tinuro ang tinutuluyan ko. Tumitig pa siya roon kaya naisip kong baka nandiri siya dahil maliit lang ‘yon at may sira pa ang binta. Hindi naman kasi ‘yon bato lahat, may sira ang dingding at tanging tarpaulin lang ang nakalagay. Tsaka, okay lang naman sa‘kin dito, basta may matulugan ako ayos na. Bukod pa roon, mura lang ang upa rito. “Maliit lang ’yan, hindi kita maayang pumasok-” “Okay ka ba rito? Hindi ka ba nilalamok sa gabi? Nakakatulog ka ba nang mahimbing?” He asked. Napakurap pa ako bago mahinang natawa. “Okay naman, pero malamok. Nakakatulog din ako nang mahimbing,” nakangiting sagot ko. “Aayusin ko na lang bukas-” “I‘ll help you,” he said, smiling. “Ha? Huwag na! Ako na, madali lang ‘yan!” Hinampas ko siya nang mahina. “It‘s fine, wala namang pasok bukas, pwede kitang daanan bago pumasok sa trabaho. Pareho lang din naman schedule natin, diba?” Tumango ako sa kaniya. “Eto naman!” Tumawa ako. “Madaling lang ayusin ’yan!” “Hayaan mo na ‘ko,” he smiled. “Sige na, pumasok ka na sa loob. Huwag mong kakalimutang i-lock ‘yung pinto. Tsaka magkumot ka, baka lamukin ka. Itutok mo rin sayo ‘yung electric fan.” “Ang dami mong bilin!” Tumawa ako. “Mabuti nang sigurado, Safarah,” he chuckled. “Hindi ka pa aalis?” I asked. Masyado nang malalim ang gabi. Siya ‘tong bilin nang bilin, e delikado na nga dahil uuwi pa siya! Maglalakad pa! “Hihintayin ko nang makapasok ka,” sagot niya. “I-lock mo ‘yung pinto, ha? Delikado, mag-isa ka lang diyan.” Para akong batang tumango sa kaniya. Dahil doon parang gusto ko nang sapakin sarili ko. Kailan pa ako naging pabebe?! Si Thirdy lang naman ‘yan! Bakit nagiging malambot ako?! Hindi na ako muling sumagot sa kaniya dahil umiinit na ang pisngi ko sa ‘di malamang dahilan. Hindi naman totoo ‘yang love na ‘yan! Kaya imposibleng eto ‘yung nararamdam ko! Kung totoo ‘yan, bakit wala akong magulang? Nakakainis. Ayokong matulad sa kanila, ayokong balang araw makipaghiwalay ako tapos ako lang din masasaktan. Hindi ako sigurado kung naghiwalay sila, pero ayoko nang ganoon. Noong bata ako, nakikita ko sa ibang bata sa park kapag nagbebenta ako ng sampaguita, kumpletong pamilya palagi ang kasama at bubungad sa‘kin sa simbahan. Parang ang saya kapag ganoon. Minsan, dalawang magkasintahan. Hindi ko makita ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. Parang ang labo kasi. Isa pa, si Thirdy ‘yan. Ang hirap maniwalang gusto niya ako. Bata pa naman kami, kaya baka nalilito lang siya. Masyado siyang malayo para sa‘kin. Masyado siyang mahirap abutin. Masyado nang maraming masasakit na nangyari sa buhay ko, ayoko nang idagdag ‘yang pag-ibig na ‘yan! “Bakit ba ang dami kong iniisip? Nag-jojoke lang naman si Thirdy!” Bulong ko pagkapasok sa bahay. Sinilip ko siya sa binta at nakita kong ngayon pa lang siya maglalakad paalis. Na-giguilty tuloy ako kahit hindi ko naman sinabing ihatid niya ako! Ngayon tuloy ay uuwi siyang mag-isa! “Putcha naman,” bulong ko sa sarili. Makakatulog ba ako nito kung iniisip ko ‘yung sinabi niya?! Ang hirap naman kasi paniwalaang may gusto ‘yon sa‘kin! I mean, ang daming mas better sa‘kin sa school. Mas maganda, mas mayaman, tsaka hindi na-guguidance every week! Kaya paano?! Sobrang imposible! Isa pa, ngayon pa lang kami nagiging close! “Friends, Saf,” I said to myself. “Friends lang kayo.” Tumango-tango pa ako para paniwalain ang sarili ko. Naligo na lang ako at hindi na kumain. Wala pa akong kinakain ngayong araw. Masyado kasing maraming customer kanina, at hindi na ako nakakain. Pero wala rin naman akong pambili dahil puro pambayad na lang ang meron ako ngayon. Ang hirap naman. Miski pagkain ng isang beses sa isang araw, hirap akong abutin. Kinaumagahan ay nagligpit ako ng mga kalat sa bahay. ‘Yung mga bill ay tinabi ko rin. Hindi ako sure kung pupunta si Thirdy, pero dahil mamayang 1 pm pa naman ang shift ko, niligpit ko na rin. Parang hindi naman kasi totoong pupunta siya. Okay lang din naman, hindi naman niya responsibilidad na puntahan ako. Kinuha ko ang wallet ko para tignan kung may barya pa para makabili ako agahan, pero mukhang wala na. Mamayang 5 pm kasi, bayaran na sa bahay, tubig at kuryente. Wala pa naman akong sahod kaya hindi ko pwedeng gastusin ‘to dahil wala pa naman akong pamaluwal ngayon. Ang hirap mabuhay mag-isa lalo na kung wala namang sumusuporta sayo. Kung may magulang lang ako, kahit sana makakain sa isang araw magagawa ko. Lumabas ako para sana tanggalin ‘yung tarpaulin pero nakita ko si Thirdy sa labas, mukhang kakarating lang. Naka-uniform na rin siya kahit 11 am pa lang! Lumabas agad ako para batiin siya. Ang aga niya umalis sa kanila! Tapos gabi pa siya uuwi mamaya! “Aga mo ha,” tinapik ko siya sa balikat. Akala ko, hindi siya pupunta. Totoo pala ‘yon?! “Kumain ka na?” Nakangiting tanong niya. Umiling ako. “Bakit?” “Pwet mo may raket,” pang gagago ko. Tumawa pa ako pero sinamaan niya ako ng tingin! Ang aga-aga para mabwisit! “Hindi pa.” Sagot ko, natatawa. “Hindi ka rin kumain kahapon, ha?” Nakataas kilay na sabi niya. Bakit niya alam?! “Maya na natin gawin ‘yan, kumain ka muna.” At ‘yon, hinila niya ako para maghanap ng karinderya! “Huwag na! Wala akong pera! Parang sira, mamatay ba ako kapag hindi ako kumain ng buong araw?!” “Oo,” he rolled his eyes. “Paano kapag na-hospital ka kasi hindi ka kumain? Edi kasalanan ko kasi ako huling kasama mo? Ano, 40 pesos na agahan o bill sa hospital?” Pagtataray niya. Umirap ako, bahagya siyang hinihila paalis doon sa tindahan. “Wala nga akong 40 pesos, halika na. Hindi ako magpapa-hospital!” “Ako magbabayad,” he said. Lumapit siya sa kay Ate Percy, ‘yung tindera kaya hindi na ako naka-angal! Nakakainis naman ‘to! “Isang order po ng kaldereta tsaka kanin.” Sabi niya kay Ate Percy. “Sabaw iho?” Tumango naman si Thirdy sa babae. “Nako, mabuti naman at kakain na ‘yang si Safarah! Ilang araw na ‘yang hindi kumakain! Dati puro utang, ngayon wala na.” “Ano po? Bakit mo alam, Ate?” Nagtatakang tanong ko. “Ay jusko, ang payat payat mo oh, dati umuutang ka naman dito, ngayon hindi na! Nakikita kita, palagi kapag dumadaan ka rito, hindi mo lang magawang bumili! Pwede mo naman akong lapitan! Ikaw talagang bata ka!” She laughed. “Oh, 50 na lang, may dagdag na ‘yan para may ulam ka mamayang gabi. Dinagdagan ko na rin kanin mo, pero pumunta ka na lang sa bahay ko, ha? Mabuti na lang at dinala ka ng nobyo mo rito!” “Po?! Hindi ko po siya boyfriend!” Tanggi ko pero pareho silang tumawa ni Thirdy! “Ang dami mong say Ate, Percy!” Tumawa ako. “Eto talaga! Hinatid ka nga niyan kagabi!” Sabi niya. Nakita niya pa ‘yon?! “Magkatrabaho po kasi kami! Tapos same school pa! Ikaw talaga!” Tumawa ako. “Pero hindi ko siya boyfriend!” “Hay nako, Safarah!” Sabi niya, mukhang hindi naniniwala sa‘kin! “Eto po bayad,” inabot ni Thirdy ang pera niya. “Huwag mong tanggapin, Ate! Pwede namang utang ‘diba? Bayaran ko na lang po sa sahod ko!” Pangungulit ko. “Huwag po, Ate, kunin niyo po, epal lang ‘yan, e,” tumingin si Thirdy sa‘kin kaya inirapan ko siya. “Oo nga! Mas mabuting wala kang utang ngayon!” Tumawa ang babae noong kinuha niya ang perang binayad ni Thirdy. “Salamat po ulit,” si Thirdy. Ngumiti ako sa kaniya bago kami umalis ni Thirdy roon. Dalawang bahay lang naman ang pagitan ng tindahan niya sa bahay ko kaya nakauwi kami agad. Hiyang-hiya tuloy ako kay Thirdy ngayon! “Gusto mo ba kumain?” Tanong ko habang nakaupo siya sa sofa at ako naman ay nilalagay na sa plato at mangkong ‘tong binili niya. “Babayaran ko na lang sayo ‘to, promise!” “Hindi ko naman ‘yan sisingilin,” he said, laughing a little. “Weh?” Tumawa ako para mang-asar. “Kumain ka rito, sabayan mo ako dahil libre mo ‘to, e!” Tinignan ko siya at tumango naman siya. Inayos ko na ang kanin at tinulungan niya naman akong dalhin ‘yon. Wala kaming lamesa kaya sa lapag niya nilagay. Mukhang hindi naman siya nandidiri at wala ring reklamo sa hitsura niya ang nakikita ko ngayon kaya napangiti ako. “Kukuha lang ako tubig,” I said. Mabuti na lang at may mineral pa! Kumuha ako ng pitsel para roon ilagay at dalawang baso. “Okay lang ba sayo kung walang yelo ‘yung tubig?” I asked him. “Oo naman, ayos lang,” ngumiti siya. Naglakad na ako pabalik doon para ilagay ‘yung pitsel at baso sa sahig. Sa sahig na rin siya umupo. “Okay lang ba sayo kung dadalhan kita palagi pagkain?” Biglang sabi niya. “Parang masyado kasing mabigat dinadala mo, ayokong pati sa pagkain mahirapan ka. Tutulungan lang kita, hindi mo ’ko kailangan bayaran.” “Bakit mo gagawin, ha?” Kinakabahang tanong ko at hindi ko alam kung bakit! ‘Yon lang sinabi niya, pero kinabahan agad ako! “Gusto kita,” he seriously said. “Maging kaibigan.” Ayan! Malinaw na! Gusto niya lang pala akong maging kaibigan! Hindi ko na kailangan mag-isip kung gusto niya ba ako sa ibang paraan, dahil sa kaniya na mismo nang galing na gusto niya lang ako maging kaibigan! Mas mabuti ‘yon! Dahil kung tutuusin, kawawa siya kung magkakagusto lang siya sa‘kin. Iisipin ng tao, bakit siya magkakagusto sa babaeng ni hindi kayang bumili ng pagkain para sa isang araw? Kaya mas okay na sa‘kin ‘yung ganito, na gusto niya ako bilang kaibigan. Dahil wala siyang mapapala sa‘kin. Alam ko naman na bata pa kami para isipin ang ganoon, pero ang labo pa rin kasi talaga kung sakali. “Normal lang naman ‘yon. Gusto kitang tulungan dalhin problema mo, kasi gusto kita...” He stopped. “Gusto kitang maging kaibigan.” ——— >
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD