“Kainin mo ‘yan lahat!”
Malditang sabi ko kay Thirdy. Pumunta pa talaga siya rito para dalhin ‘yung pagkain! Ayokong maging ungrateful, pero baka kung ano na isipin ng tao tungkol sa‘min! Hanggang maaari, gusto kong umiwas sa gulo.
Pwede naman kaming maging magkaibigan, pero huwag naman ‘yung ganito! Baka sabihin, boyfriend ko siya!
“Bakit? Ayaw mo?” Nakapahalumbabang tanong niya.
“Oo,” I lied. Kahit gustong-gusto ko kainin ‘yon, ayoko pa rin! Ngayon nga‘y pinagtitinginan kami ng mga tao at eto ako, natataranta!
“Luto pa naman ni mama ‘to,” sabi niya. Umirap ako dahil alam kong kinokonsensya niya lang ako!
“Letche naman,” bulong ko bago ko kuhain ulit sa kaniya ‘yung pagkain.
Nakakainis! Pero nakakahiya ring tumanggi! Mama niya pa nagluto! Hindi ko kilala mama niya, pero ayokong mapasama kaya kakainin ko na lang. Gutom na rin naman ako.
Pinanood niya ako habang tinitikman ko ang pagkain na niluto ng mama niya. Ngumiti siya noong makitang sumubo ako‘t punong-puno ng pagkain ang bibig ko. Umirap na lang ako dahil ang galing niyang mang-uto! Tumayo siya‘t marahang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang tissue.
“Ubusin mo ‘yan, kukuhain ko na lang ‘yan mamaya!” Sabi niya kaya tumango ako. “Good girl.” Tumawa siya‘t pinisil pa ang pisngi ko!
Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko naman magawa dahil puno nga ng pagkain ang bibig ko!
Nang maubos ko ang pagkain ay tinuloy ko na ulit ang ginagawa ko. Bumalik na rin si Lori, katatapos lang kumain. Ngumiti siya bago umupo sa harap ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang pilit na pilit ‘yung ngiting binibigay niya sa‘kin.
“Samahan kita mamaya kay Ma'am Rosa, ikaw papalista ko, ha?” Sabi ko sa kaniya, hindi ko na lang pinansin ‘yung ngiting ginawad niya sa‘kin.
“Are you sure that you and Yohan weren't dating?” She asked.
“Gago hindi!” Tanggi ko dahil totoo naman. “Bakit?”
“Wala, iniisip ko lang, nagiging malapit kasi kayo,” she said, laughing a little.
“Nakakagulat diba? Siguro kung hindi niya nakitang inaaway ako nung pangit sa Abm, hindi kami magiging close!” Tumawa ako. “Ang cute niya maging kaibigan ha!”
“You liked him before,” she said.
Natahimik ako‘t tumingin na lang sa ginagawa ko. Dati pa naman ‘yon! Hindi naman seryoso, crush lang!
“Sure kang hindi babalik?” Tanong niya ulit.
“Bakit naman babalik?” Mahina akong tumawa. “Solid siyang maging kaibigan, pero hindi na para magkagusto ako sa kaniya.” Parang may kung anong tumapik sa puso ko noong sabihin ko ‘yon. Hindi ko maipaliwanag!
“Well, you better not fall for him,” she said. Tumingin ako sa kaniyang nakatingin sa mga nag-aayos ng laro mamaya.
“Oo naman, hindi talaga,” mahina akong tumawa.
Mabilis lang lumipas ang mga araw at buwan. Dati‘y palagi akong nababagalan sa oras, ngayon naman ay sobrang bilis.
Hindi ko alam kung tama bang pumayag ako sa gusto ni Thirdy na maging kaibigan ako. Magmula kasi noong sinabi niyang dadalhan niya ako ng pagkain para hindi ko na isipin, hindi siya pumalya roon. Nakakagulat ding isipin na close na kami!
May nasasabi pa rin ‘yung ibang tao kapag nakikita nila kaming magkasama ni Thirdy at dinadalhan niya pa ako ng pagkain. Pati si Lori ay iniisip at paulit-ulit niyang sinasabi na may gusto siya sa‘kin pero minsan ay kung ano-ano na naman ang sinasabi niya sa lalaki. Pinapaalala niya pa sa‘kin na huwag ako mahulog sa mga ginagawa ni Thirdy.
Nakakatuwang isipin at masaya sa pakiramdam dahil gumaan nga ang lahat sa‘kin noong maging malapit kami ni Thirdy sa isa‘t-isa.
Minsan, iniisip ko na lang kung hindi ba ako lumaking mag-isa, may pag-asa kayang maniwala ako sa love? Kasi mukhang hindi naman pala masama magtiwala sa gano‘n. Minsan, gusto kong isipin na ang sarap mahalin ni Thirdy. Na sana, kung hindi lang magulo ang isip ko, hahayaan kong mahulog ako sa kaniya.
Hindi ko naman itatangging nagkagusto ako sa kaniya, at iniisip ko lang talagang masyado siyang malayo para sa‘kin. Kahit ngayong alam ko na sa sarili kong bumabalik ‘yung pakiramdam na ‘yon, pinipigilan ko pa rin. Kasi alam kong malayo pa rin siya‘t mahirap abutin.
“Wala na tayong masasakyan, lakad na lang tayo.”
Tinapon ko agad ang sigarilyong hawak ko nang marinig ko si Thirdy, palabas na siya ng shop, mukhang naisarado niya na rin.
Ganoon palagi ang nangyayari kapag sabay kaming umuuwi nang gabi. Palagi kasing walang nasasakyan dito kaya naglalakad na lang kami. Pabor naman sa‘kin dahil nakakatipid kami sa pamasahe!
“Kumusta first day mo kanina?” Tanong niya habang naglalakad kami. Kanina kasi‘y nagsimula na ang first day namin as a grade 12 student.
“Okay naman,” maikling sagot ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
Dapat ba akong maging masaya? O malungkot? Iniisip ko pa lang na isang taon na lang at matatapos na ako sa senior high, na-iistress na agad ako sa gastusin dahil sigurado akong kakailangin ko ng maraming pera.
“Secure na college mo ‘no?” Biglang tanong ko. “Pag-aaralin ka ng tita mo.” Naalala ko ‘yung sinabi niya dati.
“Hindi ko pa alam,” he answered.
Tumigil ako sa paglalakad at tinaasan siya ng kilay.
“Anong hindi mo alam? Hindi ka na sure? Mahal kaya ang psychology! Ginawaha na ‘yon for you, oh!” Sabi ko. Ako nanghihinayang kung sakaling hindi niya tatanggapin!
“Alam ko,” he laughed. “Pero parang ayoko nang umalis.”
“After college pa naman, matagal pa ‘yon,” sabi ko, nagsimula na ulit kaming maglakad.
“Ayoko pa rin,” sabi niya.
“Bakit?”
“Ano sa tingin mo?”
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Hindi ko rin kasi alam. Buhay niya ‘yan, e! Ano namang gagawin niya sa opinyon ko?! Hindi naman mahalaga ‘yon.
Ilang oras din kaming naglakad bago makarating sa bahay. Hinintay niya ulit akong makapasok sa loob bago siya umalis.
Kinabukasan ay nangongolekta ang treasurer namin para sa foundation day. Hindi naman pwedeng ako lang ang hindi magbigay. At may bukod pang ambagan ang buong section para naman sa booth!
Nang matapos ang klase namin sa pr 2, lumabas muna ako para tumambay sa ground. Break time na kasi at wala akong balak kumain. Iniisip ko ‘yung mga gastusin. Sukong-suko na ako. Parang habang tumatagal, mas humihirap. Wala pa rin akong ipon para sa college. Ayoko namang huminto dahil sayang din, pero saan naman ako kukuha ng pera?
“Ang init!” Napatingin ako sa tatlong babae mula sa Humss 6-A. Kilala ko na sila, sa sobrang tagal nila akong binibwisit, tandang-tanda ko na ang aura nila. “Nandito pala ‘yung anak ng malandi,” she laughed.
Alam ko na agad na ako ang pinag-uusapan nila. Tumayo ako para sana umalis pero natigil lang din nung magsalita ‘yung isa.
“Oops, sis foul, wala siyang nanay,” she said and they laughed. They f*****g laughed.
“Alam siguro ng magulang niyang lalaki siyang malandi kaya pinaamp-”
“Gusto mo ba talagang mabasag ’yang pagmumukha mo?” Naiiritang tanong ko, hawak-hawak ang braso niya.
“Natamaan ka ba sis?” Sabi nung isa.
“Jejemon ba kayo?” I raised my brow. “May mga magulang nga, pero mukhang hindi naman kayo pinalaki nang maayos. Nakakaaawa kayo.” Malakas kong binitawan ang hawak ko sa kaniya kaya napaatras silang tatlo.
Wala naman akong intensyong sabihin ‘yon, pero nakakabanas na! Sila naman ‘tong may mga magulang, bakit hindi nila i-try huwag palabasin mga sungay nila?
It's funny because they make fun of people who don't have parents, but they're the ones who don't seem to have been raised properly.
“At least may magulang kami,” napatigil ako sa paglalakad noong sumabat ulit siya. Gusto kong tahiin bibig niya sa pang elementary niyang banat!
“Ay talaga? Bakit parang wala?” I chuckled.
At doon niya ako sinugod kaya sinabunutan ko rin siya. Nakakainis! Kailan ba nila ako titigilan?!
Tinutulak ko na siya palayo pero mas lalo niya lang hinahatak ang buhok ko. Nagtulong-tulong pa sila nung mga kaibigan niya!
“Saf! Safarah, tama na!”
Inayos ko ang buhok ko nang mayroong humila sa‘kin palayo. Kumalma ako nang maamoy ko ang pabango ni Thirdy. Sinabi ko sa kaniyang bitawan niya ako pero ayaw niya pa rin kaya hinampas ko braso niya pero hindi pa rin siya bumitaw!
“s**t, ano tama na ‘yan, oy!” Sabi nung kaibigan ni Thirdy. Pati sila ay inaawat ‘yung tatlo.
“You‘re f*****g s**t!” Sigaw niya sa‘kin. “Kaya deserve mong iwanan sa ampunan, kasi alam na ng nanay mong wala kang kwenta!”
Susugurin ko na sana ulit siya kaso masyado nang mahigpit ang kapit ni Thirdy sa‘kin.
“Hindi ‘yon totoo,” bulong ni Thirdy, pinapakalma ako. “Halika na, umalis na tayo.” Dahan-dahan niya akong unuusod paatras.
“Ang feeling mo! As if magustuhan ka ni Thirdy! Isipin mo, a guy like him and you?! You're pathetic, Saddy! Kahit saan mo tignan, hinding hindi ka niya magugustuhan! Naaawa pwede pa!”
Doon ako tuluyang nanghina. Oo naman, aware naman ako roon, hindi naman niya kailangang ipamukha sa‘kin.
At paano kung kinakaawaan niya lang ako? Mas hindi ko tanggap ‘yon. Mas gugustuhin ko pang huwag niya na lang ako lapitan kesa kaawaan niya ako! Naaawa na nga ako sa sarili ko, hindi ko kailangan ang awa niya!
Hinayaan ko na lang si Thirdy alisin ako roon. Nang makarating kami sa hallway ay inalis ko na ang pagkakahawak niya sa‘kin. Gusto ko na umuwi.
“Saf-”
“Layuan mo ‘ko,” sabi ko bago maglakad paalis.
“May sugat ka,” hahawakan niya sana ang pisngi ko kaya iniwas ko agad.
“Ano bang pake mo?” Inis na sabi ko. “Oo naging magkaibigan tayo, pero pwede bang layuan mo muna ako?! Hindi mo ba narinig mga sinabi nila tungkol sa‘kin?! Kakalapit mo sa‘kin, ako ang pinag-iinitan nila! Kung naaawa ka, sayo na ‘yan! Hindi ko kailangan ng awa mo!”
“Bakit sa‘kin ka galit?” Mahinang tanong niya bago bitawan ang kamay ko.
“Just please, Thirdy! Lubayan mo na lang ako!” Sigaw ko. “Know your f*****g place in my life! Sino ka ba sa akala mo?!”
Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko sinasadya lahat ng ’yon, pero galit ako. At nakakainis dahil sa kaniya ko nabubunton lahat ng galit ko kahit hindi ko naman intensyon ‘yon.
“I like you,” mas mahinang sabi niya. “Natatakot ako na baka ikaw mismo ang lumayo sa‘kin at hindi ka komportable sa ginagawa ko. Pero hindi ko naman hinihingi sayong ibalik mo sa‘kin ‘yung nararamdaman ko kasi kahit kaibigan, ayos lang sa‘kin. At hindi awa ang nararamdaman ko sayo.”
Hindi ko alam kung bakit mas nasaktan ako sa mga sinasabi niya ngayon. Sabi niya, hindi niya ako gusto at gusto niya lang akong maging kaibigan kaya pinaniwalaan ko ‘yon kahit alam kong may parte sa‘kin na hindi masaya.
Putangina naman, mali na naman ang timing.
“Pero don't worry, Safarah, alam ko na ngayon. Kung gusto mong lumayo ako, gagawin ko dahil naiintindihan kita and I already know my f*****g place in your life.”
——— >