THIRD PERSON POV Three years ago... "There she is," bulong ni Ace nang makita niyang pumasok sa gymnasium si Misha, ang babaeng malakas ang loob na nagungulit at nanliligaw sa kaniya. "Rhian, come here." Hindi niya hinintay makasagot ang best friend niyang si Rhian at hinila niya agad ito paupo sa tabi niya. "Alam mo na ang gagawin," bulong niya rito. Ngumiti sa kaniya si Rhian at hinaplos ang buhok niya pababa sa kaniyang pisngi. Natigilan naman si Misha sa paglapit nang makita ang dalawa. Malambing na hinahaplos ni Rhian ang pisngi nito at nakangiti sa isa't-isa. Hindi niya kinaya ang eksena lalo na noong unti-unting naglapit ang mga mukha nito, dahilan para mamula siya sa inis. Pati yata ang tainga niya ay ramdam niya ang pag-usok kaya't agad na siyang nagmartsa paalis. "Wala na ba