KEYCEE'S POV Nakaunan ako sa isang braso ni Ace habang magkayakap kami sa ilalim ng kumot. Sobrang sweet niya sa 'kin dahil pagkatapos namin maligo kanina, after ng love making session namin, siya pa ang nagpatuyo ng buhok ko gamit ang hair dryer. Humingi rin ulit siya ng tawad kanina at ipinaliwanag niya na plano niya lang daw sana talaga na subukan ako kaya niya nasabi 'yong tungkol sa bartender. Hindi rin daw totoo na uuwi na kami. Sinabi niya lang daw 'yon dahil nainis siyang hindi natuloy ang proposal niya dahil sa pagkukunwari kong nalunok ang singsing. At kahit hindi ko pa man tinatanong kung sino ang kausap niya no'n sa phone, binanggit na niya agad sa 'kin. Si Julian daw, 'yong kaibigan niya. Gusto raw nitong ibenta sa kaniya ang halos kabibili lang na sasakyan noong isang buwan