KEYCEE'S POV Noong makabalik si Ace sa loob ng sasakyan ay agad niya 'kong tinitigan. "Uh..." Parang may gusto siyang sabihin. "Mmm?" I hummed as I furrowed my eyebrows, giving him a 'what-is-it' look. "P'wede bang dito ka muna? I just have to go somewhere, saglit lang ako. Babalikan din agad kita." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan naman siya pupunta? Iiwan niya 'ko rito mag-isa? "Sa'n ka pupunta?" lakas loob kong tanong sa kaniya. Pero hindi agad siya nakakibo. Yumuko siya at bumuntong-hininga bago ulit ako tingnan. "I...just wait here, okay?" Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko. Para bang ayoko siyang paalisin. Ayokong iwan niya 'ko rito dahil baka hindi na niya 'ko balikan. Gano'n ang iniisip ko. "P'wede bang huwag ka na lang umalis? Oh, kaya...sama na lang ako?

