THIRD PERSON'S POV Noong pumasok si Keycee sa banyo ay agad namang lumabas si Ace sa kwarto. Nanginginig ang kaniyang laman sa galit kaya't dimiretso siya sa kusina upang kumuha ng inumin. Pakiramdam din kasi niya ay natuyo at nagasgas ang kaniyang lalamunan sa pagsigaw. Nanginginig naman ang mga kamay ni Yaya Miranda habang nag-aabang sa paglabas ng dalawa sa kwarto. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari at kung ano ang dahilan kung bakit nagkagano'n ang alaga niyang si Ace. Ngayon niya lamang kasi ito nakitang nagalit nang husto. Nang makita niyang pababa si Ace ay agad niya itong nilapitan. Hindi kasi nito kasama ang asawa. "Ace, anak. Nasaan na si Keycee?" bakas sa boses nito ang pag-aalala. Ngunit hindi kumibo si Ace dahil lumabas agad ito pagkatapos niyang uminom ng tubig. Dali

