KEYCEE'S POV Pagbalik ko sa ospital, imbes na pagalitan ako ni mama ay niyakap niya 'ko at iniyakan nang sobra. Dahil sinabi na pala ni Christia sa kaniya ang lahat. Ang tungkol sa mommy ni Ace, ang naging pagdukot sa 'kin at pagmamaltrato. Pati pagkakabaril kay papa noong araw mismo na dinukot ako ng mga masasamang tao. Lahat-lahat na ay sinabi ni Christia. Kaya sa halip na magalit ay sobra ang yakap at awa sa 'kin ni mama habang nakatayo siya at nakaupo naman ako sa gilid ng hospital bed. "Ma..." mahina lang ang boses ko dahil pakiramdam ko ay wala na 'kong lakas. Kahit gustuhin ko rin na umiyak ay wala ng luhang pumapatak sa mata ko. Pakiramdan ko naubusan na 'ko ng tubig sa katawan. "Hindi ba sabi mo kailangan ko ng heart transplant? Kapag ba pumayag na 'ko...mawawala na ba 'yong sa

