PINKY'S POV Nang sabihin sa 'kin ni Yaya Miranda ang tungkol sa pagkawala ni Keycee, napasugod agad ako sa bahay ni Ace. Sinabi sa 'kin ni yaya na narinig niya ang pag-uusap ni Ace at ng mama ni Keycee sa kwarto noong nagpunta siya ro'n sa bahay nila Ace para kuhanin ang gamit ni Keycee. Hindi pala binigyan ni Ace ng pagkakataon na magpaliwanag si Keycee tungkol sa nangyari noon kaya humantong sa ganito ang lahat. "Ace! Ace!" umecho sa loob ng bahay ang boses ko habang paakyat ako sa kwarto niya. Pagpasok ko sa kwarto niya, naabutan ko siyang nakahilata sa kama niya at puro bote ng alak naman sa sahig. Amoy alak sa kwarto niya, ang baho. "Ace, bumangon ka d'yan, mag-usap tayo!" Hinila ko 'yong kumot na nakatakip sa kaniya at may papel na nalaglag sa sahig kaya dinampot ko 'yon. Sulat n

