KEYCEE'S POV Isang linggo na ang lumipas simula noong makaalis kami sa mansyon ni lola. Nagdesisyon na rin si Ace na bumalik kami rito sa bahay niya—sa dati naming bahay. Tahimik akong lumabas sa banyo, sa loob ng kwarto ni Ace, para hindi siya magising. Gumagayak ako para pumasok sa school habang mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi pa kasi siya p'wedeng pumasok dahil sa mga sugat na natamo niya sa mukha kaya nag-sick leave na lang siya. One month, hanggang sa mawala na ang mga bakas no'n. Ayaw rin sana muna akong papasukin ng lolo niya para mabantayan ko siya at maalagaan kaso hindi pumayag si Ace. Masyado raw akong mapag-iiwanan sa klase kung aabsent ako nang matagal. At isa pa, naisip ko rin na baka magduda lalo sa amin ang mga estudyante kung sabay kaming maglalaho na parang bula.