STEPHANIE’S POV Hindi kami nagtagal sa paghahanap kay Keycee dahil tumawag sa ‘kin ang isang kasambahay at sinabi niya ang nangyayari sa mansyon. Na naiuwi na raw si Keycee at nagwawala ito habang umiiyak at hawak ng dalawang bodyguard ni mama. Agad kong sinabihan si Carlo na bumalik na kami dahil bigla akong nag-alala sa anak ko. Hindi ko alam kung ano’ng ginawa ni mama pero kinakabahan ako. “You okay?” tanong ni Carlo. Napansin niya siguro na hindi ako mapakali. Pero hindi ako sumagot at ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana. May nadaanan kaming bus stop at may nakita ako ro’n na pamilyar na mukha. “Ihinto mo saglit,” baling ko sa kaniya. Nagtataka man ay inihinto pa rin niya ang sasakyan. Ibinaba ko ang salamin ng bintana at dumungaw ako sa labas para tingnan kung tama ba n

