GEN: 42

1225 Words
Chapter 42 Gin’s Ilang oras ang nakalipas matapos naming mapag usapan ang pag tuklas nila calvin sa likod nang ruta na nakita namin sa kweba. Bago ako lumabas ay ibinalik ko sa dati ang pwesto nang nakaharang nabato sa may ruta nang sagayon ay hindi nila Makita agad ang butas.   Hindi kami sigurado kung nakita na nila ang rutang ito, kung sila ba ang gumawa nito ang mahalaga may nakita na kaming possibleng daanan palabas nang avior. Bumalik ako sa bayan at muling nag iko’t nang mas mapabilis ang kilos namin. Sa pagbalik ko sa bayan ay agad naman akong nakatanggap nang transmittion message mula kila felix at verdict. Sinabi nang dalawa na magkita kami sa club house para pag-usapan ang nakita at nakuha nilang data.   Tumuloy na ako papunta sa club house para kitain ang dalawa, hindi rin naman nagtagal ang palalakad at nakarating na ako sa pansamantalang tinutuluyan naming sa avior.   Nadatnan ko ang mga ito na nakaupo sa may lamesa sa sala, si verdict ay busy sa pag momonitor sa screen habang si felix naman ang abala sa pagtipa sa keyboard nang laptop nito. Tumabi ako sa dalawa para silipin ang trabaho nang mga ito. Mula sa laptop ni felix ay makikita ang pakikipag laban nito sa encrypt datas na mayroon mga codes na nakalagay.   “Did you guys succeed in putting bugs and cameras in the office”   “yes, half of the place we’re placed by bugs and cameras, nakapaglagay rin kami nang transmitter sa loob nang main system”   Napangisi na lang ako sa mabilisang pagkilos nang mga ito naayon sa plano naming noong nakaraan ang ginawa naming ngayon.   “I heard some”   Nagsitingin ang dalawa sa akin nang marinig ang sinabi ko. Agad kong inilapag ang aking recorder at ipinarinig sa mga ito ang pag-uusap nang mga ito.   “Tapos na ang pagtatahi nila, maghihintay na lang tayo nang signal kung kalian tayo kikilos”   Natapos ang recorder na tahimik lang kaming tatlo nag-iisip kung ano ang malaking plano nila sa likod nang ‘pagtatahi’.   --- Calvin’s Nagsimula kaming magbay-bay sa loob nang ruta na natagpuan namin ni carl. Hindi kami sigurado sa kung ano at saan ang dulo nang tunnel na ito. Kasyang-kasya kami sa loob at mahahalatang sinadya ang ruta dahil sa maaliwalas nitong daanan, tama lamang ang espasyo para magkaroon nang hangin at mayroon rin ditong mga maliit na torch na nilalagyan nang apoy para magsilbing liwanag sa daanan.   “bro, pag may aswang rito iiwan talaga kita”   Binatukan ko naman si carl sa sinabi nito mga ka lokohan talaga nito. Kung ano-ano ang naiisip nyang mga ka gaguhan. Kapag nagkagipitan uunahan ko siya sa takbuhan haha!   “tumigil ka, walang aswang rito” Nasa kalagitnaan na kami nang paglalakad nang matanaw naming ang liwanag mula sa dulo.   “tol, hindi ako sigurado sa lalabasan natin. Possibleng sa kuta ito nang rebelde pede rin namang sa kabilang syudad na tayo lalabas”   Tinapik-tapik ko ang braso nito at sabay kaming naglabas nang baril naghanda kaming dalawa sa paglabas nang kweba. Nauna akong lumabas rito.   Agad kong iginala ang paningin sa paligid para magmasid kung may mga kalaban sa tabi-tabi. Nang makontento ako ay sinenyasan ko si carl na lumabas narin. Lumabas kami sa magubat na lugar, matatayong ang mga puno at may kasukalan ang mga talahib.   “What in the world is this place?” bulong ni carl.   Nagpasya kaming mag-iko’t sa lugar upang makasigurado kami sa aming posisyon. Hindi kayang maka-abot nang transmitter naming sa avior dahil sa radio detector nang mga ito na nakalaan para sa mga intruder.   Sa ilang oras na paglalakad ay nakarating rin kami sa labas nang gubat, dito naming nakita ang natural na ganda nang paligid pati na ang mga bahayan malapit sa gubat na nilabasan namin.   Nagpatuloy kami sa pag iiko’t para humanap nang maaring mapagtanungan kung anong lugar an gaming napuntahan sa dulo nang ruta na dinaanan namin.   Nang makakita kami nang isang ale na maaring pagtanungan ay agad naman kaming lumapit rito at nagtanong.   “Magandang tanghali po”   “Ay, magandang tanghali rin sa inyo mga Iho, anong maipaglilingkod ko sa inyo”   Nagtinginan muna kami ni carl bago ako nagtanong uli rito.   “Naliligaw po kasi kami, anong lugar po ba ito”   “Naku, ay kawawa naman kayo mga iho naiwan ba kayo nang mga kasama nyo. Ito ang bayan nang verdusa”   “Verdusa”  Sabay naming sabi ni carl   “Oo, verdusa ay taga central ba kayo at hindi nyo alam ang verdusa” tanong nito.   Nagkatitigan kami ni carls a sinabi nito.   “Ang verdusa ang pinaka malayong lugar sa syudad nang verdict, siguro naman ay alam nyo ang syudad namin. Ang alam ko e sika’t rin naman ang Verdict”   Gulat man ay nakuha naming magpasalamat rito matapos naming itong tanungin tungkol sa mga pasiko’t-siko’t sa verdict. Nagpa alam rin kami agad rito para makapag-usap nang masinsinan.   “hindi ako makapaniwala na may nag uugagnay na daanan sa verdict patungo sa Avior. Hindi kaya sila mismo ang gumawa nang daanang iyon para madali silang maka labas pasok sa ibang syudad nang walang nakaka-alam” Gaya nito ay sang-ayon ako sa sinabi nitong konklusyon. Hindi malabong mangyari ang bagay na ito lalo pa at mga rebelde ang pinag-uusapan.   “hindi pa tayo maaring bumalik agad nang avior hanggat hindi tayo nakakasiguro sa daanang iyon. Kailangan nating mag man-man sa verdict. Hindi ako sigurado kung kakayanin nating makapag padala nang mensahe kay cap’t kaya hanggat nandito tayo lubusin na natin ang pagkakataon na makumpleto ang lintik na riddles na ito”   “kailangan nating mag report sa imbahada, kaya lamang hindi ko alam kung kanino tayo magsisimula” sagot nito   Tama si carl, hindi namin kabisado ang galawan nang mga rebelde maging ang lugar ditto sa verdict. . Iisa lang ang kilala naming maaring takbuhan sa ganitong mga panahon, agad na tinawagan ko ito.   “special ops agent 008 entering transmiton”   “transmittion accepted”   “yo, Gen mal this is calvin the handsome spy”   Inirapan naman ako ni carls a narinig nitong sinabi ko, naupo ito sa may gilid habang prenteng nakataas ang kanang paa. Tumabi naman ako rito at ini loudspeaker ang tawag.   “yo what’s pop’in to you guys, who are you with?”   “Just my twin pal, Wala kami sa avior, nasa verdict kami. May alam kabang paraan para makapag padala kami nang email sa kasamahan naming doon nang hindi na dedetect nang control nila”   “that’s gonna be hella hard to do, I’ll talk to some of my guys here. Will call you back once nakahanap na ako nang pwedeng tumulong sa inyo. Chao”   Agad nitong ibinaba ang tawag, ngayon ang kailangan na lang naming gawin ay maghintay.   Grrr….grrr…   “oh man, I’m hungry na baby calviii”   Agad nag lampuyos sa katawan ko ang braso ni carl, hinigpitan pa nito ang kapit sa akin.   “Damn, bitawan mo ako carlito kung ayaw mong masapak kita”   Pinagtitinginan na kami dahil sa kagaguhan nitong lokong to.   “ilibre mo na ako calvii, promise bibigyan kita nang kiss’   Inismiran ko lang ito at kinalas ang pagkakapit saka nagsimulang maglakad palayo. Habang wala pa kaming sagot ngayon maghahanap muna kami nang panlaman sa sikmura lalo na sa dragon kong kapatid.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD