GEN: 41

1058 Words
Chapter 41 3rd person’s Matapos ang kanya-kanyang misyon ay nagpatuloy ang bawat team sa pag iinspeksyon nang syudad para hanapin ang posibleng nakatanim na bomba sa bawat distrito. Samantala ang team nila gin naman ay abala sa pagiging espiya sa loob nang avior.   Nang makapasok ang mga ito sa avior ay agad nilang sinimulang aralin ang bawat pasiko’t-siko’t sa buong syudad para maghanap nang mga posibleng daanan na maari nilang lusutan sa oras na kailangan na nilang bumalik nang embasy. Hinadi kasi magiging madali kapag sub marine ang gagamitin nila.   Sa ilang araw na pag iiko’t sa avior ay nagawa nang mga ito na makapasok sa loob nang bayan na hindi sila nade detect nang sensor, salamat sa insignia nila at hindi na nila kailangang problemahin ang sensor. Maliban na lang sa kilos at gawi nang mga tao at rebelde sa syudad.   --- Gin’s Nakarating kami nang avior nang ligtas at walang galos, ilang araw na rin naming pinag aaralan ang kilos nang mga tao maging nang mga tauhan ni Gawain. Nagawa naming makapasok sa association bilang isang miyembro. Hindi pa kami gaanong nakakalibo’t sa loob nang opisina nila dahil sa mahigpit na seguridad sa buong lugar.   “felix kaya mo bang I hack ang system nila sa opisina?”   “it will only become possible kung malalagyan nang bug ang mismong main system nila”   Napa buga na lang ako nang hangin sa sinagot nito, hindi madaling maglagay nang system sa loob lalo pa at hindi pa naming kabisado ang lugar, ni blueprint ay wala kaming mahagilap.   Nagpasya kaming muling umikot sa avio, gaya nang dati ay hiwa-hiwalay kami sa pag I scout nang lugar. Sila felix at verdict ay nagpasyang pumunta sa opisina para humanap nang tyempo kung paano nila maikakabit ang bug sa main system nang mga ito. Habang ang kambal naman ay patuloy sa paghahanap nang mga secret exit na pede naming daanan kapag nagka gipitan.   Samantala pinili ko namang sumama sa ilang mga rebelde para makalapit sa bosses at maka kuha nang mahalagang impormasyon tungkol sa plano nila sa rios.   Nagtungo kami sa lugar kung saan madalas tumigil ang mga rebelde, mahahalatang ang ilan sa mga ito ay pilit lamang sa kanilang ginagawa pero kahit ganon ay tikom parin ang bibig nang mga ito at patuloy na sumusunod mula sa utos.   Ilang sandali pa nang mapagod ako sa paglalakad pinili kong maupo sa santabi para sana mag pahinga sandali nang may marinig akong usapan mula sa ilang rebelde.   “Alam mo bang tapos na raw ang pagtatahi nila”   “Labas na tayo roon ang mahalaga ay wala na tayong gagawin kung hindi ang maghintay.   Naka kunot noo ako sa sinabi nito, tahi? Ano ang tinahi nila, maraami ang maaring ibig sabihin nang salitang iyon. Kung sa pangkaraniwang tao lamang ang makakarinig ay iisipin nilang tungkol sa paghahabi nang damit ang pinag-uusapan nang mga ito.   Pero para sa mga katulad naming spy, mayroon pang ibang ibig sabihin iyon. Naputol ang pag iisip ko nang kontakin ako nila calvin.   “Cap’t may nakita na kaming posibleng shortcut papunta sa kabilang syudad”   “location”   “Nandito kami ngayon cap’t sa everwing park nang avior, we will wait for you inside. Mahirap na madaming mata sa avior”   Natungo naman ako agad sa lokasyong ibinigay nito, nang magakarating sa park ay agad na hinanap nang mga mata ko kung saan naroon ang mga ito. Naka ilang iko’t pa ako bago ko Makita ang mga itong prenteng naka upo sa may gilid habang kumakain nang burger at ice cream. At talagang nakuha pa nilang mag meryenda na parang wala silang ginagawang trabaho.   Paglapit ko sa dalawa ay nagulat pa ang mga ito na kanina pa akong nakatayo sa may gilid nila.   “Woah cap’t ang bilis mo kanina ka pa dyan” ngumunguyang sabi ni calix sa akin.   “get your ass up, and back to work” sagot ko rito.   Sabay namang nagsitayo ang dalawa at sumabay sa paglalakad ko papunta sa lugar kung saan sila nakahanap nang ruta.     “Easy cap’t, you know we need to lessen up their suspicion. Sa dami ba namang mata rito sa avior feeling ko tuloy isa akong artista kung saan ako mag punta may camera” Ang sinasabi nitong camera ay ang ilang mga bantay at nagkalat na rebelde sa lugar na ito, kahit na ang avior ang naturingang ruta nang mga rebelde ang ideyang ito ay kalat lamang sa mga tulad naming nagtatarabaho sa embahada. At maliban sa amin ay wala nang nakaka alam pa.   Ang syudad nang avior ay maipagmamalaki rin dahil sa ganda nang mga pasyalan at mga establisyamento na makikita rito. Nakipagsik-sikan kami sa daloy nang mga turista para hindi kami gaanong mapansin nang mga nag mo monitor sa lugar.   Nang makalayo na kami sa mga ito ay lumiko kami sa kaliwang bahagi nang amusement park at nagtungo sa tagong area. Dinala ako nang dalawa malapit na tabi nang kuweba na makikita sa likod nang everwing. Namang makarating kami sa pinka dulo nang kuweba doon ko nakita ang sinasabi ng mga itong secret route palabas nang avior.   “pinasok nyo na ba ang loob nang ruta?”   “hindi pa cap’t, hindi parin kami sigurado kung ang rutang ito ay papunta sa labas nang avior, maaring ibang shortcut ito maari rin namang tamang ruta ito palabas”   “Paano nyo natagpuan ang rutang ito?”   “actually cap’t aksidente lang naming nabuksan ang butas na yan, nang dumating kami rito kanina mababaw lang ang loob nitong kweba hanggang sa may naapakan si calvin na bato at nagulat kaming mayroong ganito sa dulo”   Tumango-tango ako sa sinabi nang mga ito, hindi na bago sa kambal ang ganitong trabaho, kung tutuosin mas mahaba ang nagging experience nilang dalawa kumpara sa aming tatlo dahil sa bago pa kami magkasama-sama sa grupo ay tini-train na talaga sila sa pag eespiya. “hindi tayo dapat mag saying nang oras, you two explore this route inform us about the investigation. Kailangan nating makakuha nang sagot as soon as possible”   “Alright” Ngayong mayroon na kaming unang alas kailangan na lang naming malaman kung ano ang binabalak ng Marcelo Gawain na yon laban sa rios. Habang mag eexpediton ang kambal sa ruta na nakita nila kami namang mga natira ay mananatiling mapag matyag sa kanila.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD