GEN: 40

1057 Words
Chapter 40 Martin’s Matapos nang labanan kanina, nagtungo kami sa lokasyon nang mga factions upang bantayan ang kilos nang mga nagmaman-man rito. Malapit-lapit na kami nang Makita namin ang mabilisang pagdukot nang mga ito sa mga tauhan sa loob. Bago pa kami makalapit ay agad na humarurot ang sasakyan nila palayo sa amin.   “So we’re baited, ginamit nila ang dalawa kanina para maisagawa ito.” Komento ni Vixx   “Damn” si neon   “don’t let it anger you, focus on your mind we will be needing a lot of stamina on this. Vixx get on your feet and get the car, we won’t let them get away from us”   Agad naman kaming nagsitakbo sa aming sasakyan para habulin ang mga ito. Mabilis rin naman naming nakita ang sasakyan nang mga ito na ngayon ay malapit na sa lokasyon kung saan naroon ang ship.   “Wait, what if it’s also a bait” komento ni neon   Naisip ko rin ito kanina, maaring kinidnap nila ang mga ito ayon sa ginawa nilang pag spy sa amin. But I am a risk taker, hindi ko ugaling tumakbo kahit na gipit na gipit na ako.   “then let’s show them how to turn over the tide” naka ngising sagot ko rito.   Gaya nang inaasahan ay humito ang sasakyan malapit sa lugar kung saan naka pwesto ang ship nila. Di gaya nung una, hindi na kami nagtago pa. Agaran na kaming sumugod sa mga ito bago pa sila maka diretso sa kampo. Nang magsilabasan ang ilang lalake mula sa sasakyan ay nagsimula na kaming mag rambol. Agad kong hinila ang lalaking nakaupo sa driver seat at hinatak ito palabas nang sasakyan nang matuba ito ay kinuwelyuhan ko ito at binigyan nang isang sapak sa mukha pagkatapos ay nilagyan nang posas ang magkabilang kamay nito.   Habang ang mga kasama ko ay busy rin sa pakikipag sapakan sa mga ito nilapitan ko naman ang ilang hostages sa loob nang sasakyan.   “Get down now, I want all of you to get out of the place” Ini-abot ko ang susi nang kotse sa isa sa mga ito.   “Here use this car and drove off out of this place. And do me a favour call a back-up for us.”   Agad namang sumang-ayon ang mga ito at nagmadaling paandarin ang kotse palayo sa site nang ship.   Nang lumingon ako sa mga kasama ko ay pare-pareho na nitong na ilipit ang mga kalaban na ngayon ay nakatali at naka tabi sa gilid nang bato.   “Let’s go raid the ship, dating gawi”   Nakita ko naman ang excitement sa mukha nang mga ito. Nang makalapit kami sa ship ay agad na nag simula ang putukan. Naghiwa-hiwalay kami nang pwesto. Makikitang hindi nila inaasahan ang pwersahan naming pag sugod base sa pagiging aligaga nang mga ito.   Kanina habang nasa sasakyan ay tumakbo na sa isip ko ang mamaring mangyari sakaling nahulog kami sa patibong nila, pero ganon pa man naisip ko ring kung gagawi lang naming ang nakasanayan naming trabaho pagdating sa mga ganitong kaso tiyak na lalamang parin kami kahit na madami pa silang kargo.   Hindi maikaka-ila na iba parin ang mayroon experience pagdating sa mga labanan kaysa sa grupo nang mga ordinaryong tao na nahilig lang gumawa nang gulo.   “team shot them only if things goes out of hand, kung kaya nang combat gawin ninyong less injury maliwanag, after all they we’re still considered as civilians”   “bunch of unskilled people who’s trying to be a villan tsk” bulong ni Paul.   Mula sa pinag tataguan kong bato ay lumabas narin ako para mambali nang sungay na tumubo sa mga ito. Agad namang humarang sa harap ko ang ilang mga lalaki na kung hindi ko sinapakay sinispa ko na lang para hindi na ang mga ito makatayo.   Hanggang sa makaharap ko na ang leader nang grupo. May kalakihan ang katawan nito at base sa features nang tindig ay may masasbi naman ito. Nakipagtitigan pa ito sa akin bago naisipang sumugod.   Umamba ito nang magkabilang sunto sa akin kaya kaliwa’t kanan ko itong inilagan. Sumuntok ako sa sikmura nito na naiwasan naman niya gamit ang pagtaas nito nang binti para masalag ang suntok. Napa ngisi na lang ako sa ginawa nito, masasabi kong hindi siya basta-bastang sibilyan.   “Nice move dude” komento ko rito   Umikot ako at iwinasiwas ang binti ko sa mukha nito na agad namang tumama sa kanya, na out of balance ito sandali, madali rin naman itong naka recover at nagsimula na uling sumugod. Sumuntok ito nang diretso sa unahan ko na saglit dumaplis sa gilid nang panga ko, iniko’t ko ang kaliwang braso ko sa kanan nito at inipit ito sabay sipa sa kaliwa nitong binti na nagpa luhod rito.   Nang mapaluhod na ito ay sinubukan kong iikot ang katawan ko sa likuran nito para padapain ito at lagyan nang posas. Gamit ang kaliwang kamay nito nagawa panitong umangat muli at hilahin ang baywang ko sabay buhat sa akin patalikod at agad ako nitong ibinagsak.   Napa-igik ako sa ginawa nitong biglaang atake, akmang sisikuhin nito ang sikmura ko kaya naman agad kong sinipa ang sikmura nito na siyang nagpa-atras rito habang hindi pa nito na babalanse ang kilos ay walang habas ko itong sinuntok sa mukha, sa bandang braso nito at isa pa muli sa sikmura hanggang sa kusang bumigay ang tuhod nito at napaluhod sa mga bigat nang mga binitawan kong suntok.   Naang hindi na ito makatayo sa pagkaka salampak sa sahig ay nilagyan na ito nang posas ni rafa.   “you’re a great opponent, it’s just that you choose the wrong path” nakatitig na komento ko rito.   Hindi na naman ito sumagot at diretsong sumama kay rafa papunta sa ilang rumesponding back-up na siyang mag pi pick up sa kanila papunta sa kulungan. Totoong mahusay itong kalaban nakaka panghinayang nga lamang at sa masama nila ginagamit ang mga skills na ganoon, na dapat sana ay sa mabuti.   “woah good sport cap’t” tapik ni neon sa balikat ko habang nakatingin rin sa lalaking kanina lang ay nakalaban ko.   “we need to go now hurry” aya ko sa mga ito.  Babalik na muna kami sa apartment para sandaling mag pahinga at kinabukasan ay ipagpapatuloy naming ang paghahanap nang lead kung saan nakatanim ang sinasabi nilang bomba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD