GEN: 8

2031 Words
Chapter 8 Al's Nagising ako na maga-isa sa higaan. Siguro nasa labas na sila para mag beach, susulitin daw kasi namin ang lakad na ito. Anyways, Nagsuot na lang ako ng Tanktop na sinuotan ko rin ng sandong puti. Naka shorts ako na kulay white. Tapos nag suot rin ako ng shades at summer hat. Naglakad lakad ako sa tabi ng dagat, haay super fresh at ang ganda ng kalikasan. Isa sa mga madalas kung puntahan noon ang caribean dahil sa angkin nitong ganda at aliwalas. Naupo lang ako sa buhanginan at inalala ang panahon noong palagi akong nagpupunta rito. Huling araw na namin rito sa Caribean, kasama ang buong Command captains. Pati narin ang ilang general. “al, tara sa beach malapit na ang sunset” Isang ngiti lang ang ibinigay ko kay Gio bago sumunod dito. Magkahawak ang aming kamay habang nakaupo sa gitna nang buhangin. Sumandal lang ako sa diddib nito habang hinahaplos niya ang buhok ko. “Alam mo proud ako sayo, isa kang matapang na babae al” ‘Proud rin ako sayo Gio, General in-command kana ngayon ilang taon na lang at ganap na General kana talaga” Sinulyapan ko muna ito bago hinalikan sa pisngi. “Chansing ka ha, pero pedeng isa pa” Nakataas ang kilay na sabi nito sa akin. Hinampas ko naman ang braso niya. “Tigilan mo ko goryo” Tumawa lang ito bago niyakap muli ako. “Mahal kita” Isang titig na puno nang pagmamahal. Hindi naman kailangan nang dahilan para magmahal sapat na yung ramdam niyong tinitibok nang puso niyo ang isa’t isa. “Mahal kita” Pinunasan ko ang ilang takas na mga luha sa aking mata. 2yrs ago, Gio die in the battle field. Sa harap ko mismo sumabog ang sasakyan nila habang hinahabol niya ang ilang yate nang mga rebelde. 2yrs akong hindi makausap nang maayos noon. Palaging pag-iyak at pagtatangkang pagpapakamatay lang ang nasa isip ko. Pero nang mabasa ko ang sulat na iniwan ni Gio sa akin noon. Ang pangarap na pareho kaming magiging mabuting leader ang pagiging mabuting general sinimulan ko uling bumangon at ipag patuloy ang nasimulan niya. Hindi ako hahayaang masasayang lang ang paghihirap niya at pagluluksa ko noon. Pero may parte parin sa puso na naniniwalang buhay pa ang lalaking mahal ko. Wala kasing nakitang katawan sa dagat maliban sa ilang piraso nang yate at mga gamit nito. Tanging ang ilang katawan na nakumpirmang mga rebelde lamang ang nakita doon. Kung asan man siya naniniwala akong lumalaban parin ito. Naalala ko pa yung mga araw na nawala ako sa sarili ko. Parang isang batang inagawan nang laruan. Natapos ang labanan sa pagitan nang mga rebelde at militar. Nanatili akong nakaupo sa gilid nang pier at patuloy na umiiyak. Dumating narin ang medic team pati ang mga maglilinis sa gulo na nangyari. Lumapit sa akin sila greg pati narin ang mga nagsisimula pa lang na sina Jacob. “Al, halika na gagamutin natin ang mga sugat mo”  Aya ni greg sa akin habang unti-unting hinihila ang braso ko. “Hindi, hihintayin ko si Gio, sabi niya babalikan niya ako” iwinaksi ko ang mga braso ko na hawak niya. Puno nang lungkot at pag-aalala ang makikita sa mukha nang mga taong nasa tabi ko. “Al, wala na si gio. Kailangan nating tanggapin yon” Lumapit narin sa akin si malcus habang tinatapik ang mga braso ko. “Hindi nangako sya, sabi niya maghintay ako. Ah! bakit ba kailangan ko pa siyang hintayin ako na lang ang hahanap sa kanya” Matapos kong sabihin iyon ay tumakbo ako palayo sa kanila at pumunta malapit sa dagat. Sumulong ako sa tubig para mapuntahan ang yate. Rinig ko ang mga hiyaw nila bakas ang takot at pagtutol. “Alwayne! “ Hinabol ako nila Malcus at greg, pilit nilang inaabot ang kamay ko. Pero patuloy parin ako sa paglalakad at pagkampay nang aking mga kamay sa tubig para makarating sa ilang parte nang yate. Hindi rin nagtagal at nahabol na nila ako. Hinawakan ako ni greg sa bewang at hinila pabalik sa pang-pang. “Ano ba, bitawan nyo ko, andun si Gio kailangan niya ako.” Pinipilit kong kumawala sa yakap ni greg sa akin. Lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sa akin. Hanggang sa humagulhol na ako sa pag-iyak. “Magiging okay rin ang lahat al, kakayanin natin” patuloy parin ito sa paghaplos sa buhok ko habang sinasabi ang mga katagang yon. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa mawalan ako nang malay. Nagising akong nasa loob nang ospital. Nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko namang kasama ko ang pamilya ko pati narin sila greg at ang aking baguhan palang team na sila Jacob. Inilibo’t ko ang aking tingin at hinanap ang isa sa pinakamalapit sa puso ko. “Si gio, nasa ospital narin ba sya asan siya?”  tanong ko sa mga ito. Lumapit sa akin si dad sa mga tingin niya alam kong hindi ko magugustuhan ang sasabihin nito. “Alwayne anak, walang narecover na katawan mula sa yate na sinasakyan ni gio tanging mga piraso nang yate at ilang gamit lang ang nakita.” “Ibig sabihin buhay si gio dad, diba kasi walang bangkay” may kaunting pag-asa parin sa puso ko. “Anak, walang bangkay na nakita pero, lahat nang gamit maging ang suot na badge at damit ni Gio ay nakumpirma at ayon sa forensic team maaring nasunog ang katawan nito.” Napatakip na lang ako nang bibig sa narinig, hindi maari yon. Walang bangkay kaya naniniwala akong buhay pa siya. Dali dali kong hinaklit ang IV sa kamay ko na siya namang nagdugo agad, dali-dali akong tumakbo sa pinto. Na syang hinaharangan nila Jacob at tim. “Ako ang maghahanap ako” Hinabol naman ako nila kuya at mommy. Habang umi-iyak ay yakap yakap ako ni mommy sa likod. “Alwayne anak, tama na! mas masasaktan ka lang sa ginagawa mo wala na si gio”  bulong ni mommy sa akin. Paulit-ulit akong umiiling kay mommy habang nakaupo sa sahig at pilit na inaalis ang pagkakayakap nito sa akin. “Mommy hindi, walang bangkay buhay siya! Buhay siya” Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay dad. Bakas ang gulat sa mukha nang mga kapatid at ni mommy sa ginawa ni dad. Habang tahimik lamang na nakamasid ang mga kaibigan ko. Natahimik naman ako sa pag-sigaw. “Marc ano ba, hindi mo dapat ginawa yon” “dad” sambit ni kuya mathias Niyakap naman ako ni kuya mazon at pinapakalma. “Alam kong alam mo, na sa propesyong meron tayo hindi nabago ang ganito. Don’t be too immature alwayne.” Napayuko na lang ako habang tahimik na humikbi dahil sa sinabi ni dad. Alam ko! Alam kong darating ang araw na to. Pero hindi parin ako handa. “Kung alam ko lang na hindi mo kakayanin ang ganitong sakit sana hindi na ako pumayag na magsundalo ka. Sana hindi na!  Anak, nasasaktan din ako sa nararamdaman mo pero wake-up,  gio’s death bring us a new hope, a new peace. You should be proud of him. Kayanin mo anak” Umupo ito sa harap ko at ipinatong ang kamay sa kaliwang balika’t ko. “Listen, alwayne you’re a soldier, a warrior, a leader, malakas ka anak bago mo nakilala si gio you are one of the best fighter I’ve ever known. Gio’s death is not in vain, he choose you!  take note of that he choose you.!” Itinuro nito ang puso ko. “Gio will always remain here in you’re heart, he will never be forgotten. Now take heart masakit pero kailangan mong tanggapin. Endulge it slowly, kasi wala tayong laban sa oras at itinakda.” Tinapik ni dad ang mga braso ko at hinalikan ang noo ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang inaalo ako ni kuya mazon. “hush, baby nandito lang ang kuya. Tahan na” Matapos ang ilang araw na pananatili ko sa ospital ay nakabalik narin ako sa bahay. Ilang araw rin akong binantayan at inalagaan nang pamilya ko. Hindi ako gaanong nagsasalita, tanging tango at iling lang ang sagot ko sa mga ito. Hindi rin ako ngumingiti. Gabi-gabi parin akong umiiyak at binabangungot. “princess, may bisita ka papasukin ko na sila sa loob ah” Sigaw ni kuya mateo sa labas nang pinto. Bumukas naman ito at nagsipasukan sila Earvin. “al babes, kamusta ka look may dala kaming lasagne at pizza oh tara na alam kong paborito mo ito." Nakangiting sabi ni greg sa akin. Gustuhin ko mang ngumiti pero nasanay na yata akong maging manhid. Lumapit ang mga ito sa akin. Patuloy lang sa pagkukwnto ang mga ito nang mga kalokohang ginawa nila habang wala ako. Na hindi ko naman gaanong naiintindihan dahil wal doon ang atensyon ko. Hanggang sa binasag ni malcus ang tensyon. “al,” Humugot muna ito nang malalim na hinga bago uli nagsalita. “Hindi ko alam kung kalian ka magiging okay at handa, pero kailangan mo nang basahin ito.” Inilapag niya ang letter ni Gio sa akin. Lahat kami ay may ganito bawat misyon lagi kaming sumusulat nang liham para kung sakali man na mawala kami matatanggapnang mga iniwan naming ang huling mensahe naming sa kanila. Tumulo na lang bigla ang luha ko. Nanumbalik na naman ang sakit. “alam kong kailangan mo sya, pero kailangan Karin naming. Kailangan ka nang buong rios. Maghihintay parin kami sa pagbabalik mo. Alam kong masakit pa. pero wag mo ring kalimutanng nandito kami para sayo lagging bukas ang pintuan para sayo al” Isang tapik ang binigay nito sa akin bago tumayo at lumabas. Ganoon rin ang ginawa nila greg, earv at martin. Nangangatal kong inabot ang sulat nito sa akin. Mahal kong Gracia,         Alam kong ayaw mo nang mga madramang sulat. At kung sakali na mababasa mo ito, gusto kong malaman mong Masaya ako na nakasama at nakilala kita. Hindi ka lang bastang babae. Isa kang maganda, matapang, palaban at maprinsipyong tao. Mahal kita! I’m blessed to love someone like you, someone with the same heart , same passion and legacy.   Sa mga oras na mabasa mo ito, wag kang iiyak ha. Wag karing mag mumuk-mok ituloy mo ang buhay ko. Masaya ako kung saan man ako mapupunta. Mahal na mahal kita. Be a general alwayne! Be a leader and show them how to walk in this path. Kung sakali mang maaga akong mawala at hindi man tayo sabay na maging general gusto kong ituloy mo ang pangarap natin. Mahal na mahal kita! Pangako sa next life natin ikaw parin ang cheese sa buhay ko. Mahal kita Alwayne Grace Santiago…. Love, Gio Nang matapos kong basahin ang sulat ni gio ay humagulhol na naman ako nang iyak, habang hawak hawak ang sulat niya. Bigla na lang bumukas ang pinto at humahangos na lumapit sa akin si kuya mathias. “anong nangyare baby?” Hinahabol nito ang atensyon nang mga mata ko. Kita ko namang nag-aalala rin ang mga bagong dating ko pang mga kapatid. Na nagsilapitan narin. “princess nandito lang ang mga kuya, kami ang bahala sayo” Unti-unti akong natauhan sa loob nang ilang lingo na halos ikulong ko ang sarili ko sa sakit ay nandyan sila para sa akin. Lalo lang akong naiyak dahil sa pinag gagawa ko. “Kuyaa, sorry” Umiling-iling naman ang mga ito. “Hindi baby, wala kang kasalanan nasaktan ka. At bilang mga nakatatanda sayo tama lang na samahan ka namin sa oras na hindi mo kaya, sa oras na kailangan mo nang magtataas sayo” nakangiting sabi ni kuya mathias “tatandaan mo lagi kahit na mag-asawa kapa oh tumunda kana nandito parin ang mga kuya para sayo okay” Tumango naman ako at yumakap kay kuya matchete. Sa mga oras na yon nag simula uli ako.. At sa puntong ito isa na lang ang pinanghahawakan ko. I was born to stand in battle field, I was born to fight and depend for my land. I was born to be a General.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD