GEN: 9

1146 Words
Chapter 9 Al's Naisip naming mamasyal sa bayan dito. Maghahanap na naman siguro ng ligaw na baraha yung mga kapatid ko ay ewan sa mga yon. Sina mom naman nag dadate minsan lang rin kasi sila makalabas ng bayan. At ako eto nag lilibot, maghahanap ng rare na mga libro at mga scenery na pedeng kuhaan ng litrato. Nagpunta ako sa isang shop na bilihan ng mga souvenirs medyo may pagka retro style. Tumitingin ako sa salamin ng shop ng makita ko ang lalake na kanina pa tumitingin dun sa babae sa may likuran ko, pinasadahan ko naman ito ng tingin hmm baka naman manliligaw lang, kaya umalis ako doon. Pagkatapos bumili ng mga souvenirs lumabas ako ng shop. Hindi pa ako nakakalayo sumigaw na yung babae kaya bumalik ako sa loob. "Tulongg, magnanakaw magnanakaw" "Ayst sabi na e" tinakbo ko ang likod ng shop para maabutan ang lalake. Madaming pasikot sikot sa likuran ng mga market dito kaya pala mukhang disidido ang lalaking yon. Lakad takbo parin ako hanggang makalabas ng eskinita. Nakita ko namang nagulat yung nabangga kong lalake sa daan may sasabihin sana siya pero tumakbo na ako. Inabutan ko naman yung lalaki sa dulo ng kalye. "hey, hey baka pwedeng akin na yang bag" hingal na sabi ko Wala akong dalang baril kaya mano mano na lang. "Hindi pwede, amin na to" Maya maya pa lumabas pa ang dalawang lalake siguro mga kahati niya ang mga ito. "miss, mabuti pa umuwi ka na lang sa inyo don ka manggulo" tsk. At dahil minaliit nila ako binalibang ko sila ng kahoy kaya naman nahulog yung bag. Nagulat pa sila kaya tinakbo ko ang pagitan at kinuha ang bag. Wala sana akong balak saktan sila pero mapilit e. Tig iisang suntok sa sikmura at batok ang ginawa ko. "oops kayo kasi e ang kulit nyo" Pasipol sipol na lang ako at babalik na sa shop para isauli yung bag. *clap, clap ,clap Nilingon ko naman kung sino yung pumalakpak. "Nice moves" Isang matangakad na lalake ang nilingon ko na nakasandal sa gilid nang iskinita. Pinasadahan ko ito nang tingin, maganda ang tindig nito halatang sanay sa training at disiplinado. “Better be careful next time miss, delikado ang mga magaganda rito” Iniwan ako nito at naglakad na papalayo sa eskinita. Binalikan ko naman kaagad yung may ari nang bag pagkatapos nitong mag pasalamat ay nagtungo na ako para mag scout nang lugar. Kailangan kong masiguradong wala nang mga mandurugas dito. Nagsimula akong magikot sa bayan. Normal ang daloy nang mga tao halatang walang alam sa papalapit na digmaan. Maraming dayo rito sa lugar nang Caribean dahil sa ganda nang kalikasan at iba’t ibang kagamitan na dito mo lang makikita. Naagaw ang pansin ko nang dalawang lalaking nakasuot ng cap at face mask. Pinagmassan ko ang mga ito bakas ang tensyon at pagkahingal nang dalawa. Halatang nakibag habulan. Lumapit ako sa may tindahan kung saan madali ko silang mahahabol kung sakali. Pinakinggan ko ang usapan nang mga ito. “Nagawa mo ba ang inuutos ni boss” “Naka planta na ang pang anim na explosive device” Napalingon agad ako sa dalawa sa narinig ko, naka planta ano ang naka planta. Wag mong sabihin na balak nilang pasabugin ang Caribean. Naagaw nang atensyon ko ang lalaking nakita ko kanina sa may eskinita halatang nakipag habulan rin ito. Nang Makita niya ang dalawang lalake ay agad itong tumakbo sa kinaroroonan nang dalawa agad namang naalarma ang mga kaya tumakbo ang mga ito. Hinabol ko sila dahil sa duda ko sa mga narinig. Hindi maaring sumabog ang ano man sa caribean lalo pa’t nandito ang pamilya ko. Nakita ko kung paano makipag palitan ng suntok ang lalaki mula sa eskinita kanina. Hindi ito klase nang bugbugan sa kalye. Matalino sya kung kumilos dahil bawat tama ng kamay niya ginagamitan niya ito ng press acupuncture kaya bawat suntok niya ay nagpapahina sa kalaban. Lumapit lang ako rito para awatin sila para makakuha ng impormasyon. “Sandali, May itatanong lang ako sa kanila” Sabi ko rito na nakapag palingon sa kanya. Nakakunot ang noo nito sa akin. “Who are you to order me around” Bakas ang pagka irita nito. “Someone who you don’t want to mess with” Simpleng tingin lang ang binigay ko rito bago ko nilapasan para mapantayan ang mga lalaking naka upo ngayon sa sahig. “Hey, miss stop acting mighty you’re meddling in my job” Hindi ko ito pinansin at hinarap ang mga rebelde. Sa mga narinig ko kanina ay hindi na ko magtataka na isa sila sa ruist. “What did you planted” Tanong ko rito habang matamang nakatitig sa dalawa. Nakayuko ito at hindi tumitingin sa akin. Sununtok ko sa mukha ang isa sa kanila. “Again, what did you planted” May pagbabanta na sa boses ko. “Hindi mo malalaman kung ano man iyon haha” Tumatawang sagot nito sa akin. Pinabayaan ko itong tumawa dahil pag hindi ako nagtimpi ay baka nabaril ko na ito. “Those things you’re asking, is hidden and one of these days you’ll be shocked the whole rios will be off the map” Dahil sa inis hindi ako nag dalawang isip na barilin silang dalawa sa diddib. Nagulat naman ang lalake sa tabi ko. “What’s your name brave man” Tanong ko rito habang may gulat na mukha na madali rin naman nitong nabawi. “Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan” “Lieutenant Gin Aaron ford 1st degree combative command captain” Napangiti na lang ako dito at hindi na nagulat sa sinabi nito. Sa kilos at tindig ay mahahalata mo ang disiplina nang Lt na ito. “Ikaw anong pangalan mo” Bago ko sinagot ito ay tumawag muna ako sa quarts. “Preparing to report, 4th district City of Caribean two armed rebel of the ruist died on fire arm suspected to commit bomb assassination. Prepare the whole Generals for a conference meeting. This is an order from Alwayne Grace Santiago General in-command of combative task force, Reporting for duty” Tulala naman itong naka nganga sa akin. Bago inayos ang sarili at sumaludo sa akin. “Lt Gin Aaron ford of 1st degree unit Asking for permission to salute Ma- Ma’am” Nakasaludong sagot nito sa akin. Nginitian ko lang ito at tinapik ang balikat. “Drop the formality I’m not in my uniform you can call me al” Iniwan ko itong naka tindig parin at gulat. Hindi siguro sanay makakita nang general ang isang to. Naglakad na ako pabalik nang hotel para magpahinga dahil hindi ko na ito magagawa kinabukasan. Hindi dapat patagalin pa lalo at duda kong may malaking plano sa likod nang sinasabi nang mga rebelde na malakihang pagsabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD