GEN: 10

1611 Words
Chapter 10 Al's Matapos ang ilang araw na bakasyon kung bakasyon nga bang matatawag yon. Nandito na ulit ako sa Quarts as usual. Naalala ko pa ang pahirapang sa pag alis sa bahay. Pag uwi namin kinagabihan nag empake na ulit ako ng mga damit.  Nagsipasok naman sa kwarto ang mga kuya ko. "Al, sigurado ka na ba? pwede ka namang hindi sumama sa misyon" anyaya ni kuya mazon "kuya, hindi naman pwede na ang mga sundalo ko nakikipag barilan at ako nakaupo lang sa quarts" tuloy parin ako sa pag aayos ng damit ko. Niyakap naman ako ni kuya mateo habang bumubulong na wag na raw akong umalis at nakigaya narin ang tatlo kaya nahulog kaming lima sa sahig at naipit ako. "Araay, ano ba para kayong mga bata, naman! uuwi naman ako after nito noh hindi pa ako mag-a abroad"  Sagot ko habang pinipilit na ibangon ang sarili at hayon gamit ang paa nila dinag-ganan nila ako kaya hindi ako makatayo "mommyyy, daddy sila kuya oh" sigaw ko kaya maya maya dumating naman sila mom at dad "tama na yan tumayo na kayo dyan" sabi ni mom "alwayne, be safe okay! alam kong bihasa kana sa mga ganito pero pinapaalala ko lang na hindi ka mag-isa kailangan parin ang kooperasyon ng team. At mag code blue na kayo kapag hindi na kakayanin ng Combat mission." paalala ni dad "aye, aye captain" isang saludo ang iniabot ko sa kanya   Nasa loob ako ng office namin dito sa quarts para mag ayos ng mga gagamitin namin sa loob ng isang buwang misyon kung aabutin man. Pinasadahan ko nang tingin ang bawat reports mula sa mga nakaraang pag iimbestiga ng mga tauhan namin sa ruist. "Bakit puro bomb threats ang mga nakahaing kaso, napaka simple naman ng mga ganitong reports para sa isang terorista" Napaisip naman ako sa mga nabasa ko ayon sa mga reports puro installations of bombs ang mga naunang pag atake na ginawa ng mga ruist. Naalala ko bigla ang nangyaring habulan kahapon, nabangit nang mga ito ang tungkol sa bomba at planta. Kung ganoon maaring totoo ang report tungkol sa installation nang mga nuclear bombs. Nagsidatingan narin ang mga kasama ko para sa meeting. Nang makaupo ang mga ito nagsimula akong magkwento tungkol sa nangyari kahapon. “Planted bomb, hmm kung sigurado na tayo na mayroong naka planta dapat ay alamin rin natin kung anong klaseng bomba ang nakatanim” Sumang-ayon ako sa sinabi ni Earvin, hindi basta basta pedeng hukayin ang isang time bomb dahil delikado ito lalo na kung maselan ang klase nang bombing naka tanim. “ We need a team to conduct a research about mine bombs, time bombs and nuclear alam nating iba iba ang lakas nang pagsabog nang mga yon.” "Kailangan nating puntahan lahat ng site na may kasong bomb threats, kung kinakailangang maghukay, maghukay kayo sigurado akong hindi lang ito isang threat may koneksyon ang bawat lugar na yon sa bawat isa" seryosong sagot ko sa kanila. "Gentelmens our mission will start tomorrow at gaya ng dati we will go into separate troops, kaya ihanda nyo ang bawat team para sa pag iimbestiga" “Then it’s settled, finally may aksyon ring magaganap sa buhay” Nagiinat na sabi ni martin. Alam kong halos 2yrs kaming puro training at papel lang ang hawak hindi naming inasahan ang ganitong sitwasyon. Tumayo ako at naglakad malapit sa board. May kakaiba akong pakiramdam sa mga bomba. Nagbalik sa akin ang ala ala nung sumabog ang yate na sinasakyan ni Gio. Kasalukuyang nakikipag barilan kami sa mga rebelde nng ruist. Kasama ko si Gio pati narin ang ilang command captain sa paghabol sa mga nagbabalak tumakas na ruist. “Al dito ka na lang ako na ang hahabol sa kanila” Ilang iling ang sinagot ko dito. Kung hahabulin nya ang mga ito nang mag-isa malaki ang tyansa na makatakas sila dahil dehado siya. “Hindi gi, isa tayo kaya sasama ako sayo hindi ba’t ang isang team hindi dapat nag-iiwanan” Umiling iling ito sa akin at niyakap ako. Hindi pwede. “Alwayne making ka sakin, kailangan mong maiwan dito hindi dahil iniisip ko na mahina ka. Kailangan ka nila dito kung mawala ang isa pang command captain paano na ang combat task team. We cannot afford to lose a brave woman like you” Umiiling akong naiiyak sa kanya. Kung mawawala siya paano naman ako. “I cannot afford to lose you too Gi, nangako tayo diba sabi mo hanggang sa dulo magkasama tayo. Alam kong kaya mo sila pero mag-isa ka Gi, at puno nang nuclear bomb ang yate nila paano kung sumabog yon. Nahabol mo sila pero naiwan mo naman ako” Isang yakap ang ibinigay nito sa akin, halik sa noo, sa mga mata, ilong at sa labi. “Love,  we oath to die for our land, we oath to choose first the safety of others before us. At kahit gusto kong ipagdamot ka at ang tayo hindi pwede. We cannot choose our own happiness while our land is suffering. Mahal na Mahal kita tandaan mo yan” Iniwan niya ako at tumakbong humabol sa yate nang mga rebelde. Kahit na gusto ko siyang pigilan hindi pwede, sumumpa kami na bayan muna.. Bayan muna.. Patuloy parin ang pakikipag palitan ko nang bala sa mga rebelde. Habang natatawanaw ko ang yate nila Gio, nagkakaroon na nag barilan sa loob kaya nababahala ako. Isang pagsabog ang nagpatigil nang bawat putukan. Sumabog ang sinasakyan nang mga ito. “Hindi… Hindi” Lumuluha akong naka luhod sa gitna nang pier. Natapos ang pag-alala ko sa nakaraan napansin ko ang nag-aalalang mukha nang mga kasama ko sa loob sabay sa pag patak nang traydor na luha. Pinalis ko ito at tumitig muli sa kanila. “2yrs ago, we won the battle and depend for our land against them. We fought, we baffle, we gamble. We lost many fallen and eventually gather a new one. Some of us were still in stuck from the pain of the war while others move on. Many may not understand our sacrifices, but we the remaining will continue remembering every story of hardship, every story of victory and will bury them deep in our heart” Sandali kong tinitigan ang bawat isa sa loob nang conference room. Bakas sa mukha nang mga ito ang determinasyon na tapusin ang laban at tuldukan ang ikatlong digmaan. Marami nang inagaw sa amin ang labanang ito at hindi na ako papayag na isang pamilya na naman ang mawawalan. “Today there’s a new fight to begin, marami nang inagaw sa atin ang labanang ito at hindi na tayo papayag na maagawan ulit. Remember this, a leader never leaves a comrade and comrade never leaves the leader. We will not leave with a fallen comrade.” “We will fight till the end, we will win again and this war. We will stop this today and no more another era will experience it.” Lumakad ako sa gitna nang conference room at tinitigan sila isa isa. Itinaas ko ang kamay ko at inilagay ito sa pwesto nang pagsaludo. “I  Alwayne Grace Santiago General In-commans of combative task force, vows to the people of Rios and Ruist that I will lay down my life in this battle and will do the best of my capabilities to lead an end in this war and never leave a fallen comrade. I vow to fullfill my duties even near at my death. Soldier of General Rios embasy reporting for duty” Ilang saglit lang at nagsitayuan narin ang mga nasa loob at sumaludo na katulad nang ginawa ko. “We people of Rios and Ruist, greatly accept you’re vow of duty General Alwayne Santiago” Isang matinding katahimikan na puno nang pag-ibig at pag asa ang aking naramdaman sa loob nang conference room mula sa mga taong sinasaluduhan ko.   Matapos ang conference meeting ay nagtungo na ako san a ka distinong room para sa amin nang aking team. Sinimulan ko nang I orient ang aking team, naka distino kami sa ika- anim na distrito ang Mozart city. Ang General Rios kasama ang Ruist embasy ay binubuo nang anim na malalaking distrito ang  1st district Artisan city, 2nd Meridian, 3rd Guillermo, 4th Caribean, 5th Verdict, 6th Mozart. Hinati ang bawat General para mag imbestiga sa bawat distrito. Inilahad ko sa kanila ang buong blue print ng plano. “Kailangan nating mag man-man at mag hanap nang posibleng lugar na may naka plantang bomba sa Mozart city lalo pa’t ito ang pinaka malawak na lugar sa anim na distrito” "I see, mukhang makaka pamasyal ako sa frios, baka dito ko na mahanap ang aking 'the one'" pag iimagine ni seith "Hahah tol baka naman may papatol sayo e ang baho mo uy" nang aasar na sagot ni toya "Gago" "Yah, we can still relax pero parte parin yon ng misyon ang alamin at suyurin ang buong Mozart" "I must find new accessories then" excited na sabi ni jacob "Psh" tim "By the way gen, kailangan ba nating makipag tulungan sa stations natin sa mozart" tanong ni spike "No, this is a secret mission, nagpadala na kami ng memo sa lahat ng chief officer na wala tayong special treatment na makukuha. Patago ito para hindi sila makahalata, ganun man alam nila na may naka base sa mozart para sa misyon" "Hala sige let's pack up and call it a day the last call will be early tommorrow morning, adjourned" isang wasiwas at lumabas na ako ng room para mag ayos ng gamit. Isang mahabang araw ang naghihintay sa akin bukas.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD