GEN: 11

1673 Words
Chapter 11 Al’s Nakasakay kami ngayon sa tren na maghahatid sa amin sa Mozart. Pinaka malayong distrito ang Mozart at ito rin ang may pinkamalawak na bulwagan. Malaki ang espasyo nang bawat tren kaya naman hindi mo iisiping nakasakay ka sa isang sasakyan. Dahil mahaba haba pa ang byahe ay naglakad lakad muna ako sa loob nang tren para magpalipas oras. Nahagip nang mata ko ang pamilyar na tao na nakilala ko kalian lang. Si Lt. Gin, mag-isa itong nakaupo sa may sulok nang tren. Pinili kong maupo sa upuan kaharap ito. Tumunghay naman ito sa akin nang mapansing may tao sa unahan niya.   “Ge-general permission to—“ Pinutol ko ang pagsasalita nito bago pa ito sumaludo. “shh, no need to be formal hindi ako naka uniform at isang turista ako ngayon kaya hindi na kailangan niyan”   “Nakaka mangha naman na ang isang mataas na taong katulad mo ay hindi mapagmataas lalo pa’t isang mababang opisyal lamang ang kaharap”   Halata ang hinanakit sa mga salita nito, hindi ko naman siya masisisi lalo pa’t may mga taong hindi marunong tumayo nang tama sa estado nila.   “Naging isang simpleng sundalo rin ako kaya alam ko kung paano itapak ang mga paa ko sa semento”   “Saan ka naman pupunta ngayon at nakita na naman kita”   Tanong ko rito habang nakataas ang mga paa ko sa lamesa. Nakatitig ito sa akin na parang mamangha sa itsura ko ngayon. “You really don’t act in you’re rank” Naiiling nitong komento. Hindi naman kailangan umarte palaging malakas. Tao parin ako at hindi isang robot.   “Pupunta ako sa Mozart para mag imbestiga sa mga nawawalang grenades at ilang malalaking mine bombs” Naibaba ko bigla ang paa ko sa sinabi nito. Bomba na naman.   “Fill me in” Sabi ko rito na siya namang binigyan niyang nilinaw. Ayon kay gin ilang araw matapos ang nakaraang pagsabog sa imbahada ay kasabay na nawala ang ilang wires na gagamitin sa pag gawa nang bomba at ang ilan pa ay mga bagong gawa na Granada at mine bombs na pinaplanta sa lupa. “Something’s up for that things, kapag nagkaroon kana nang impormasyon give me the full details” Tumango naman ito bilang pag sang-ayon. “By the way gin, balita ko mahusay kang mag spy. Mayroon kang mahusay na team.” “Hindi naman gaano,  pero sanay kami nang team pagdating sa pagiging spies.” “Then after investigating with the bombs, gusto kong mag spy kayo sa pinaka delikadong lugar”   “Ang Avior”   Tumango ako rito. Ang avior ang lugar kung saan namamalagi ang mga makakapangyarihang rebelde. Hindi namin sila pedeng basta basta patalsikin dahil sa mga hawak nilang titulo na pag-aari nang orihinal na ruist. Kung tatapusin namin ang laban sisiguraduhin kong ubos na ang bawat kampo nang mga ito.   “Alam kong hindi madali ito gin, kaya kapag nagtagumpay kayo pede kung pagbigyan ang lahat nang gusto nyong hilingin” Ngumiti naman ito at tumango-tango. Napaisip naman ako kung tama bang pagbigyan sila sa magiging kahilingan nila.   “Give me a good date then”   Napa ubo naman ako sa sinabi nito. Date? Tama ba ang narinig ko date? “tsk, playboy” Asik ko dito. Na tinawanan lang nito. “what sabi mo kahit ano, so date mag da-date tayo after nang misyon ko. At sisiguraduhin kong magtatagumpay kaming makakuha nang impormasyon.” “fine, it’s a date then” “You’re cute when you’re being grumpy my beautiful general” Inismiran ko ito bago tumayo at tumalikod para bumalik sa kinaroroonan nang aking team. Bago ako tuluyang umalis nilingon ko uli ito at nginitian. Sumaludo lang ito sa akin bago ako kinindatan. “Men and their ego” Naiiling akong naglakad pabalik. ----   Gin’s Nangingiti parin ako pagkatapos umalis ni Al sa pwesto niya kanina. Nanatili parin ang bango nang lugar na nilisan nito. Hindi ko makalimutan ang tagpo nang nakita ko siyang makipag laban sa iskinita nang Caribean. Nag i-iscout ako nang lugar nang mapansin kong minaman-manan nang isang magnanakaw ang bag nang isang babae. Hinihintay ko itong mahuli sa akto para mabilis ko na lang mahuli ang iba pang kasamahan nito. Gaya nang inaasahan hinablot nito ang bag nang babae at tumakbo, sabay nang pag sigaw nang babae, isang magandang dilag naman ang humahangos na humabol dito. Sinundan ko ito, mapapansin ang bilis at liksi nito sa pag galaw. Umikot ako sa kabilang sulok nang iskinita para makasalubong sila. Pagdating ko sa kuta nila naroon narin ang magandang babae. “Hey, hey, akin na yung bag” Sabi nito sa mga magnanakaw. "Hindi pwede, akin na to"  sagot nang magnanakaw at maya-maya pa ay dumating ang dalawa pang lalaki. "miss, mabuti pa umuwi ka na lang sa inyo don ka manggulo" sabi nang isa sa mga ito. Pansin ko ang pag titig nito sa naka kalat na kahoy sa semento. Pinulot nito ang may kalakihang kahoy at inihagis ito sa tatlo, sabay sipa at balibag nang braso nang mga ito sa lupa. Ilang segundo nakuha na nito ang bag, kasabay nang ilang pag-iwas sa atake nang mga ito. Ilang magkakasunod na suntok mula sa sikmura, sa mukha at batok ang nagpatulog sa tatlo. "oops kayo kasi e ang kulit nyo" Pasipol sipol nito matapos patumbahin ang mga magnanakaw. Gulat man ay napa palakpak na lang ako sa kanya. *clap, clap ,clap Lumingon naman ito sa akin, tama nga ako maganda talaga siya. Hindi halata sa itsura nito na basagulera kaya malamang nag-aral lang nang defense skill. “Nice moves” puri ko sa ginawa niya kanina. Hindi naman ito umimik pa kaya nagpasya akong tumalikod na para umalis. Akala ko yun na ang huling tagpo naming dalawa pero nagulat na lang ako nang sumulpot uli ito sa likod ko matapos kong habulin ang ilan sa mga rebelde nang ruist. May itinanong ito sa dalawa tungkol sa kung anong itinanim nila. Nung una akala ko ay nagpapakitang gilas lang ito sa akin pero nang Makita ko kung paano niya binaril ang dalawa sa dibdib nito may hinala na akong hindi lang siya basta nag-aral nang simpleng defense. “What’s your name brave man” “Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan” Duda man ako sa dahilan at sa kung sino siya nagpasya parin akong magpakilala dito. “Lieutenant Gin Aaron ford 1st degree combative command captain” Sagot ko rito binigyan niya ako nang isang satisfied na ngiti na parang hindi na siya nagulat na isa akong command captain. “ikaw anong panagalan mo’ Tanong ko rito. Bago niya ako sinagot ay tumawag muna siya, na ikinagulat ko dahil sa paraan pa lang nang pagbuo niya nang crime report ay alam ko nang isa siyang sundalo nang embahada. “This is general Alwayne grace Santiago of combative task force” Parang nagslow-mo ang nangyari kanina kung paano ko na lang siya basta bastang sinagot. Kaya pala bakas ang autoridad dito. Nang humarap ito sa akin ay binigyan niya ako nang isang matamis na ngiti, hindi ito yung tipo na pilit. Yung ngiti na kakikitaan mo nang paghanga ang binigay niya sa akin. Kakaibang babae. Binigyan ko siya nang isang saludo bago ito umalis. Natigil ang pag-alala ko sa nangyari kailan lang. Naalala ko ang pinag-usapan naming kanina ang planong pag eespiya sa avior. Isa sa pinaka mahirap pasukin ang syudad na yon bukod sa kakaibang mga sensor na meron ang mga taga avior ay nagkalat rin ang mga rebeldeng ruist dito. Hindi na ako nag aksaya nang oras nag padala ako nang mensahe sa aking team para sa gagawin naming pag eespiya. Team shadow Gc Shadowcapt1: We have another mission to see.. Ilang minuto lang at nasi sagot narin ang mga ito. SpieshandsomeCarl: Yo’ capt, Verdict007: hah, another adventure to see. FlexFelix: Good day capt please let me have a vacation. TwinCalvin: oh no, hell days again   Naiiling na lang ako sa mga ito. Halos ilang buwan rin kaming walang team mission kaya mga atat. Maliban kay felix na halos araw-araw yatang nahingi nang leave sa akin. Bukod sa pagiging combat team. Kaming lima ay nakalagay sa isang special team kung saan lahat nang delikadong pag iispiya at pagkalap nang impormasyon ang syang trabaho namin. Kasama ko rito ang kambal na Calvin at Carl, Si felix at si verdict.   Shadowcapt1: The combat task team general give us the mission to spy in avior   Iba’t-ibang mura ang natanggap ko sa mga ito. Minumura ba nila ako. Tsk   SpieshandsomeCarl:  what the f**k, Avior as in mga kuta nang Rebeldeng ruist FlexFelix:  Again I wan’t a vacation Verdict007: May galit ba sa atin ang babaeng yon at itatapon nya tayo sa avior. TwinCalvin: well mukhang challenging ito sa lahat nang team mission na na assign sa atin. Shadowcapt1: yes, kaya kailangan nating mag plano nang maayos. Nangako si Al saken nang date. SpieshandsomeCarl: holy.. nakita mo ang pinaka magandang general sa kalupaan nang quarts Gin. At iba, first name basis. Napangiti na lang ako sa reaction nang mga kasama ko, ito ang unang beses na nakita ko ang babaeng heneral, dati ay sa larawan at mga kwento-kwento lang ko lang siya nakikita at naririnig kalat sa lahat ang nag-iisang command captain ng combat team na nakasali sa digmaan 2yrs ago. Bilang makahilera sa isang magiting na babae talagang napaka swerte ko. An gaming Gabriela.   Shadowcapt1: well ganon talaga pag gwapo. TwinCalvin: wow, gin wow. Twin carl paki suntok si capt pag nagkita kayo. FlexFelix: kailangan mo rin nang bakasyon capt, nanga-ngapal narin mukha mo. Verdict007: the real playboy Gin Aaron ford have awakened Shadowcapt1: we will discuss the mission after my investigation. Adios.   Pinatay ko na ang celphone ko at umidlip muna, mahaba pa ang byahe. Saka ko na iisipin ang date ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD