GEN: 12

1956 Words
Chapter 12 Al’s Nakarating kami sa Mozart pagkatapos nang mahabang byahe. Malawak ang napaka  kisig na distrito nang Mozart. Sa pagbaba pa lang nang tren ay makikita mo na ang ilan sa ipinagmamalaki nilang mga establisyamento at mga kalakal na galing sa ibang bansa. Sa lawak nang Mozart ka-kailanganin naming mag hiwa-hiwalay para sa imbestigasyon.   “Nararamdaman ko na ang paparating na pag-ibig para sa akin”   Nagsisimula na sa paghahanap si seith nang mga babae. Tsk akala mo naman mauubusan ito.   “haha, tol hinahanap ang mga babae hindi inaamoy ano ka aso”   Tumatawang asar ni toya kay seith. Hindi na nagbago ang dalawang yan, lagging nagbabangayan pero sila rin naman ang buddy pagdating sa labanan.   “humanap na muna tayo nang matutuluyang bahay dito at baka abutin pa tayo nang gabi”   Putol ko sa awayan nang mga ito. Nasimula kaming maglakad para maglibot at maghanap nang pede naming upahang bahay. Nakarating kami sa medyo magubat na parte nang Mozart at duon naisipan naming tumuloy para narin iwas sa maaring suspeksyon nang rebelde. May iilang bahay rin ang narito.   “Capt, mag ii-scout muna ako sa bayan” “Tim, wag kami alam naming maghahanap ka nang bagong blades” Ganito palagi si tim kapag sa bagong bayan kami napupuntahan, pag hindi lason ay blades ang lagging hinahanap nito. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto nito ang mga yon. “Oh sya, mag si layas na kayo alam ko namang gustong gusto nyo naring mag iko’t-ikot dito”   Pagtataboy ko sa mga ito. Umalis narin naman ang apat. Ang naiwan lang ay si Jacob na wala atang balak umalis nang bahay. Pagkatapos kong mag-ayos nang gamit, naisipan kong libutin muna ang gubat sa pagbaba ka sakali na may Makita ako. “Cob, sasama kaba mag ii-scout ako sa gubat” Tumango naman ito at sumunod saakin. Nagsimula kaming mag scout sa area kung saan kami tumutuloy. Normal naman ang mga tao rito. Ang ilan ay ngumingiti ang iba naman ay wala lang. “Dayo kayo rito hindi ba”   Sabi nang isang menor de edad na babae sa amin. Makikita mo ang pagkabahala sa mga mata nito.   “oo Nagbabakasyon kami rito sa Mozart” Sagot ko rito.   Ilang saglit kaming nagkatinginan ni Jacob dahil alam kong nararamdaman rin niyang may kakaiba sa kilos nang dalaga.   “Kung ganoon ay mag-iingat kayo, karaniwang nawawala ang mga dayuhan rito at hindi na nakakalabas pa nang Mozart” “bakit sila nawawala, ano palang pangalan mo” Tanong ko rito. Mukhang nag aalinlangan itong sabihin ang pangalan niya pero kalaunan ay nagpakilalarin itong Rosali. “Hinidi rin namin alam pero mayroong bali-balita na dinudukot raw ang mga bagong salta rito sa Mozart at hindi na nakakabalik pa. Ito ang sabi-sabi dahil narin hindi na sila nakakabalik sa kani-kanilang inuupahang mga tirahan dito.” Napaisip naman ako, bakit sila nawawala at paanong wala kaming natatanggap na balita sa pagkawala nang mga dayuhan.   “Rosali,  maraming salamat sa paalala mo hayaan mo at mag-iingat kami. Pero maari bang pumunta ka sa aming tinutuluyan mamayang gabi. Gusto ko pa sanang marinig ang ilang kwento nang bayang ito”   “Sige, magpapa-alam ako kay inay, dahil ayaw ko ring mawala ang isang magandang kagaya mo”   “Salamat rosali, Ate al na lang ang itawag mo sa akin”   Nagtungo na kami ni Jacob sa burol para duon muna pag usapan ang natuklasan naming tungkol sa mozart.   “Siguradong ang mga rebelde ang dahilan nang pagkawala nang mga dayuhan dito” “Pedeng oo, pede ring hindi. Hanggat hindi natin ito nakikita hindi tayo makakasigurado”   Nagpasya kaming bumalik na sa bahay at hintayin na lang bumalik ang apat. Kinagabihan ay hinintay namin si rosali para sa impormasyon na maari nitong ibigay.   Tok..tok..tok..   Kumatok ito sa pinto at pumasok sa loob. Nakaupo kaming lahat sa may sala habang buhay ang tv kung sakali man na may mapadaan maiisip nilang nanonood kami kahit wala rito ang atensyon namin.   “ang dami mo palang kasama ate al. Akala ko ikaw lang at itong si kuya pogi” “pogi din kami bata” Sabat ni Seith kay rosali. Napakamot naman sa ulo si rosali sa sinabi ni seith. At bago pa maka singit ulet si seith ay nagtanong na ako rito.   “upo ka rosali” “ paanong nawawalaang mga dayuhan rosali, at bakit hindi ito kumakalat sa ibang distrito.”   “Bali-balita na may isang babaeng dayuhan ang nawala matapos itong maglibot sa Casa Mozart. May ilang nagkumpirma na nag libot ito pero hanggang sa magsara ang Casa ay wala silang nakitang lumabas na babae. Kaya ipinagbabawal na pumunta roon ang mga dayo na gaya ninyo.” “At kung bakit hindi ito kumakalat sa labas nang distrito ay dahil lahat nang magtangka na ipaalam ito sa Embahada ay namamatay. Hindi man lang makalabas ang balita rito sa Mozart. Kahit pa ang pinaka mataas na opisyal rito ay natatakot na magsalita.”   Alam kong lahat kami ay naguguluhan sa kung paano nawala ang sinasabing dalaga sa loob nang casa. Kailangan naming na pumunta roon bukas.   “may balak ba kayong pumunta sa casa”   Tanong ni rosali sa akin.   “Wag kang mag-alala rosali hindi kami magagaya sa ibang mga nawalang dayo rito.” “Sinasabi ko lamang ang mga ito dahil ayaw ko nang makulong ang Mozart muli, kahit napakalawak nang distrito na ito pakiramdam namin ay hindi kami Malaya dahil sa mga nangyayari. Kung may kakayahan kayong mailigtas kami, sana magtagumpay kayo. Habang buhay ko itong tatanawing utang na loob aming Gabriela”   Nagulat naman ako sa itinawag nito sa akin. Ang pangalang iyon ang bansag sa akin noon matapos ang digmaan dahil rin dito kaya maraming kababaihan ang sumabak na pumasok para maging sundalo nang ruist. Nakaka gulat lamang sa tagal nang panahon ay nakikilala ako nang batang ito.   “Paano mo ako nakilala?” Tanong ko rito. Binigyan naman ako nito nang ngiti at hinawakan niya ang aking kamay.   “Sa unang titig siguro ay hindi kita makikilala pero ang tattoo sa kanang braso mo ang patunay na ikaw ang gabrielang nagligtas sa amin noon. Ang katangi-tanging babae na sumalo nang mga bala na dapat ay sa akin tumama”   Binigyan niya ako nang ngiti. Inalala ko naman ang sinasabi niyang pagliligtas ko sa kanya. Kung hindi namamali ang aking ala-ala siya ang batang naiwan sa may tarangkahan noon.   Nagkakagulo na ang mga tao, ang lahat ay nag sisilikas na dahil sa miya’t miyang pagsabog na nagaganap. Lipana rin ang mga lumilipad nab ala na hindi mawari kung saan saan. “Commander Santiago, we have an emergency here in the pier we need you to come to us” “On it.” Papa-alis na sana ako papunta sa may pier nang mahagip nang mata ko ang batang umiiyak sa may tangkahan. Madumi ang suot nitong damit at puro luha na ang mukha nito. Agad ko itong nilapitan para mai-alis doon. “bata halika na, kailangan na nating makalayo rito” Anyaya ko rito, binuhat ko ito at patakbong lumayo sa may tarangkahan. Sa mga sitwasyong ganito hinihiling ko na wala akong ma tyempohan na kalaban. Pero dahil hindi ko hawak ang pangyayari may mga rebelde parin ang humaharang sa amin.   “Ate, huhu mamatay na po ba ako” Napalingon ako sa bata dahil sa sinabi nito. Nakakalungkot na sa murang edad ay naranasan na nito ang ganitong sitwasyon. “Hindi ko hahayaang mamatay ka, makakaligtas tayo” Sagot ko rito habang tumatakbo. Akmang tatamaan ito ng bala nang mga kalaban kaya naman iniharang ko ang aking katawan para hindi ito tamaan. Dalawang bala sa braso at binti ko ang tumama. Hindi ko na ininda ang sakit tumakbo ako  pagkatapos ay nakipag palitan ako nang bala sa kalaban hanggang makarating ako sa safe zone para sa mga sibilyan.   “Ate, ate sorry natamaan ka dahil sa akin” Umiiyak na sabi nito sa akin. Nginitian ko ito at hinawakan sa mukha. “Wala ito, ang mahalaga ay buhay ka. Walang anumang bala ang makakapigil sa akin para iligtas ka. Ngayon mag-stay ka rito para hindi ka mapahamak” “ate salamat po, ikaw po ang aking Gabriela” Nginitian ko na lang ito. Duon unang sumibol ang puso ni Gabriela ang nag-iisang babaeng Command captain.   “kung ganoon ikaw pala ang batang iyon, nakakatuwa naman at dito tayo sa Mozart nagkita rosali” Niyakap ko ito at tinapik ang likuran. “Sa susunod na taon ay maari na akong pumasok sa embahada Gabriela, maari narin akong maging gaya mo. Ipinangako ko noon sa sarili ko na magiging katulad mo ako Gabriela, magliligtas rin ako at hindi hahayaang masira nang iba ang bayang ito.”   Hindi ko alam na ganito ang magiging impact nang ginawa ko noon. Masaya akong kahit paano ay nakatulong at nakapag bigay ako nang pag-asa sa isang katulad ni rosali.   “Hayaan mo at susuportahan kita sa pangarap mo rosali”   Matapos nang tagpo na iyon ay nagpa alam na ito para umuwi. Naiwan naman kaming tahimik sandali.   “kami ni tim ang papasok sa casa bukas, kayo na lang ang mag scout sa labas nang casa” Mungkahi ni Spike sa amin. Binigyan ko naman ito nang tango. Dahil may tiwala naman akong hindi sila mahuhuli.   “Jacob sa likod nang casa tayo mag ma man-man, toya and seith sa taas kayo kailangan ko nang mata sa loob at labas nang casa”   “We need to know kung sino ang may pakana nang pagkawala nang mga tao.”   Nag tanguan lang ang mga ito at nagsi balik na sa kani-kanilang kwarto. Nanatili naman ako sa sala at tinungo ang beranda. Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ko bago muling pumasok at magpahinga.   Kinaumagahan ay naghanda na kami para sa pag iimbestiga. May kalayuan ang Casa mula sa aming tinitirahan. Kaya ilang oras pa aming binyahe para makarating roon. Sa pagdating naming sa casa bakas ang kalumaan nang mga establisyamento rito bagay na nagpaganda sa lugar. Isa ito sa mga lugar na mayroong old ancestors house. Gaya nang napag-usapan sila tim at spike ang papasok sa loob nang casa, Sila Jacob naman ay pumwesto na sa kabilang building malapit sa casa para sa taas mag man man nagtungo naman kami ni Jacob sa likod nang casa. “We’re in, easy” Nagsalita na sa ear piece si Spike. Naghiwalay narin kami ni Jacob para ikutin ang likod nang Casa. Nasa kanang bahagi ako sa likod nang Casa. “So far wala namang kakaiba sa loob”   “Subukan niyong maghanap sa mga ancestral house”   Sagot ko sa mga ito. Kanina pa akong paikot-ikot sa likod nang casa pero wala naman akong napapansin na kakaiba.   “Jacob, anything suspicious there”   “No signs of malfunction here”   This is odd, imposibleng walang na pumupuslit sa loob nang casa kung dinudukot sila kailangang may papasok na tao sa loob at labas nito. Nakakailang hakbang pa lang ako pabalik sa nauna kong pwesto nang may humarang na dalawang lalake sa akin.   “Remove you’re ear piece at once or I’ll blow you’re head off you.”   Tinitigan ko ang mga ito, hindi ko sila pedeng kalabanin lalo at may naka tutok na baril sa ulo at likuran ko isang maling galaw at patay ako. Inalis ko ang ear piece at inihagis sa daan. Nilagyan naman nila nang posas ang kamay ko, kinuha nang mga ito ang celphone at baril ko. “Sasama ka sa amin, dayo” Nginitian ko lang sila at bumulong nang  “Red”. Bago mamatay ang transmission na nakaconnect sa damit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD