GEN:13

1541 Words
Chapter 13 Al’s Sa mga oras na ito alam kong natanggap na nang mga kasama ko ang code na binanggit ko kanina bago ko ini-off ang transmission sa suot kong wireless badge. Mukhang pinaghandaan nila ang lagusan patungo sa kanilang kuta. Dahil mahahalata mo rito ang pagiging kampante na walang sino man ang makaka hanap sa kanila. Hindi ko alam kong saan nila ako dadalhin kaya nag-iwan ako nang ilang mga pala tandaan para mahanap ako nang mga kasama ko. Malayo na kami sa bayan dahil halos puro mapuno na ang lugar na dinadaanan namin. Matataas ang mga puno at walang bakas nang ano mang kabahayan na makikita sa lugar. Ilang lakad pa at dinala na nila ako sa isang lagusan. Sa ilalim nang puno ay mayroong hagdanan papunta sa loob nang isang malaking silid. Itinulak nila ako papsok sa loob nang kwarto. “Ouch”   “Diyan ka nababagay dayo”   Sinamaan ko lang ito nang tingin bago nito isinara ang pinto. Naka posas parin ang mga kamay ko. Malawak ang silid na kinaroroonan ko. Ilang minuto pa at naging maliwanang na ang kwarto. Nasa loob rin nang silid ang ilang mga dayo na gaya ko. Ang ilan sa mga ito ay may mga sugat at naka kadena ang mga paa.   “dayo Karin ba rito sa Mozart”   Tanong sa akin nang isang lalake. Mahahalata na matagal na ito sa loob base sa pagkagusot nang mga damit nito.   “oo, bakit ba nila tayo hinuhuli”   “dapat ay hindi kana nagpunta pa sa Casa, hindi kaba binalaan nang mga tao roon”   Nakakapagtaka na alam na nila ang tungkol sa pagkawala nang mga dayo pero bakit nandito sila.   “Alam ko ang iniisip mo, kung bakit kahit mayroon nang nagbabala sa amin ay naririto parin kami. Gaya mo kahit sino sa umpisa ay hindi maniniwala na mayroong mga nawawalang dayo,  dahil sa hindi naman ito napapabalita sa ibang distrito.” “Sinadya man o hindi, lahat kami ay hindi inaasahang mapupunta sa ganitong klaseng lugar”   Hindi ko sila masisi kung bakit narito sila. Totoo nga ang kasabihan na “curiosity kills the cat”. Pero iba nga lang sa amin dahil parte nang trabaho namin ang alamin at sagutin ang ano mang kaguluhan.   “Anong pangalan mo” Tanong ko rito. Binigyan niya ako nang tipid na ngiti bago sumagot.   “ Ako si Jacson, ilang araw narin nang mapunta ako rito”   “Jacson, bakit nila kinukuha ang mga dayo?”   “Para kunan nang dugo”   “Dugo”   “oo, dugo ibinebenta nila ang mga dugo namin sa mga taong nangangailangan nito kapalit nang malaking halaga. Ang mga dayo ang nagsisilbing blood bank nang mga taong kumuha sa atin”   “Kilala mo ba kung sino ang pinuno nang mga sindikato”   “Hindi pero naririnig ko na madalas nila itong tawaging ‘Heist’. “   Kung sino man ang heist na iyon ay animal siya para gawing blood bank ang mga taong gaya nila. Habang iniisip ko kung paano ako tatakas sa loob nang silid ay may lumapit sa aking babae, kahit hirap itong gumalaw dahil sa bigat nang kadena sa paa nito. Hindi na  naka posas ang mga kamay nila dahl sa kadena sa paa nito.   “Binibini, heto uminom ka muna, hindi pa ito ang oras nang pagkuha nila nang dugo pero tiyak ko na ikaw ang kukuhanan nila dahil sa bago ka”   Napansin ko naman ang hair clip sa buhok nito kaya hindi na ako nag-atubili pa at hiniram ito sa kanya. Ibinigay naman nito ito sa akin, inikot ikot ko ang wire nito sa loob nang susian nang posas at ilang Segundo pa ay narinig ko na ang pagtunog nito tanda nang pagkatanggal nang posas.   “Paano mo nagawa iyon”   Gulat at mangha ang babae sa ginawa ko. Sus easy, sanay na ako sa door locking kaya madali lang ang posas. Nginitian ko lang ito.   “Wag kayong mag-alala lalabas tayo rito”   Tahimik naman ang mga ito na parang wala lang ang sinabi ko.   “matagal na kami rito at kahit sinong bago na dadag-dag ay sinsabi ang mga katangang iyan”   Bakas sa mukha nang mga ito ang lungkot at pagkadismaya.   “Wag kayong mag-alala, makakalabas tayo pangako. Walang maiiwan sa inyo, makakauwi kayo sa mga tahanan ninyo at matitigil na ang pagkawala nang mga dayo rito”   “paano ka nakakasiguro na makaka alis pa tayo sa impyerno na ito”   Singhal sa akin nang lalake na mayroon nang kaedaran. Mukhang nasa mid 40’s na ito.   “ako ang bahala, magtiwala kayo. Kung gusto ninyong maka-alis tayong lahat rito kailangan nating magtulungan.”   Tinitigan ko ang mga ito isa-isa, aabot sa 25 katao ang nasa loob nang silid. Ilan sa mga ito ay teenagers at ang iba ay halos nasa 20-40 na pataas.   “Naniniwala ako sayo, Lilian nga pala ang pangalan ko. Ako ang girlfriend ni jacson”   Nginitian ko naman ito at nilingon rin si jacson. Gusto ko man na alamin pa ang tungkol sa kanila pero kailangan namin agad kumilos.   “Ano ang eksaktong oras nang pagkuha nila nang dugo” Tanong ko kay lilian, kung gusto namin makalabas ay kakailanganin ko munang tantyahin ang dami nang kalaban at ang posibilidad na walang mga bantay sa paglabas namin.   “Mamayang alas tres nang hapon ay siguradong may papasok na dalawang tao rito sa loob para kumuha nang dugo, ang isa ay para sa bantay at ang isa naman ay sa pagkuha nang dugo”   “Makinig kayo, sa oras na mapatulog  ko ang lalaking kukuha nang dugo sa akin, kailangan ninyong itali agad ito. Hihintayin natin na pumasok ang isa pa sigurado akong nasa bantay sa labas ang susi na maaring gamitin sa bawat kadena sa inyong mga paa.”   “Ano naman ang magagawa nang isang babae para kalabanin ang isang armadong lalaki, kung kami nga na nanlaban noon ay ganito ang kinahina’t nan ikaw pa kaya na isang babae lamang”   Isang mapang-insulto na komento muli galing sa lalake kanina. Na Arturo raw ang pangalan ayon kay Lilian.   “hindi sa lahat nang oras ay kamao o ang gilas ang ginagamit upang maipagtanggol ang sarili, para magtagumpay ay kailangan na ginagamitan rin nang utak ang bawat pag laban”  “Ginoong Arturo, marahil ay isa lamang akong babae sa paningin ninyo pero hindi ibig sabihin na dahil sa babae ako ay hindi na ako lalaban. Mayroon ring kakayahan ang gaya ko at hindi kami basta babae lamang.” “Hindi sukatan nang galing ang pakikipagbuno, ang mahalaga kahit na mahina ka o may kakulangan ka ay marunong kang tumayo sa sarili mong mga paa. Ang pagiging matapang ay hindi nakikita sa pisikal na anyo lamang nakikita ito sa kung paano mo simulan at tapusin ang laban” “Alam kong lahat kayo ay mayroong mga duda sa puso ninyo, pero sana sa mga oras na ito isantabi na muna natin ang ating pagkaka-iba, magkaisa tayo. Kaya nating magtagumpay kapag sama-sama, kaya natin ito” Mula sa pagkakaupo ay iniluhod ko ang aking mga tuhod sa gitna nang mga ito at inilagay ang mga kamay ko sa paraan nang pagsaludo.   “ Sa harap nang bawat isa sa inyo ay nangangako ako, na gagawin ko ang lahat nang aking makakaya para tulungan kayong makaligtas at maka-alis rito. Handa akong ibuwis ang aking buhay para sa bawat isa sa inyo.  Ako si  Alwayne Grace Santiago isa akong sundalo at sa oras na ito itinataya ko ang buhay ko para sa misyong ito”   Nanatiling nakataas ang mga kamay ko sa tapat nang nuo ko. Ang ilan sa mga kababaihan ay naiiyak dahil sa mga sinabi ko ang iba naman ay mapapansin ang pagkamangha. Lumapit si Jacson at Lilian sa akin at sumaludo rin ang mga ito, kasunod nila ang ilang mga kabataan at ginang na mayroong ngiti at mga bakas nang luha. “Sa umpisa pa lang ay ramdam ko nang kakaiba ka, bilang isang lalake humahanga ako sa tapang at likas na talino mo para sa mga ganitong sitwasyon. Makaka-asa ka  general Alwayne na tutulong kami sa iyo sa abot nang aming makakaya ni Lilian” Nakangiting saludo sa akin ni Jacson. Hindi ko alam pero isa ito sa mga pinaka magandang pakiramdam, ang mabigyan nang pagkakataong pagkatiwalaan ang isa sa hiling nang bawat sundalong katulad ko. Hindi ko alam pero bigla na lamang tumulo ang luha ko sa mga pagtitig nila. Puno ito nang ligaya at paniniwala na kaya ko. Hindi lang bilang isang babae kundi pati bilang isang sundalo.   “Gabriela”   Napalingon ako sa isang dalagita nang banggitin nito ang salitang iyon.   “Para kang si Gabriela ang unang babae na tumayo sa gitna nang himagsikan ang babaeng buo ang puso at pag-ibig para sa bayan at sinumpaan niyang tungkulin”   “Tama, ikaw aming bagong Gabriela, hayaan mong tawagin ka namin bilang Aming Gabriela”     Sa mga oras na iyon ay muling nabuhay ang pangalang bansag sa akin noon, ‘Gabriela’ ang bagong Gabriela sa gitna nang gera. Ang unang babae na napabilang sa hilera nang mga sundalo, ang unang babae bilang command captain at unang babae bilang General.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD