GEN: 14

1557 Words
Chapter 14 Al's Ilang oras narin ang lumipas matapos ang tagpo kanina. Isinuot ko muli ang posas kahit na sira na ang lock nito. Ilang minuto pa at narinig ko na ang pagkalampag nang pintuan. Signal na nandito na ang mga alagad ni heist.   Lumapit ito sa akin at naiwan naman sa labas ang isa nitong kasama. Gaya nang sabi ni lilian isa lamang ang pumapasok sa loob at ang isa ay sa labas para mag bantay. Kasalukuyan namang inaayos nang lalaki ang mga gamit na gagamitin nito para sa pag kuha sa akin nang dugo.   Nakatalikod ito, kaya gamit ang bahagi nang chain nang posas ay sinakal ko ito. Nag pupumiglas pa ito hanggang sa mawalan ito nang malay. Dali dali ko namang I chineck ang loob nang dala nitong bag. Gaya nang tantya ko wala sa kanya ang susi para sa mga kadena.   “Ang tagal mo naman, bilisan mo nang kumuha nang dugo”   Sigaw nang lalake na bantay sa labas. Kinuha ko ang syringe sa loob nang bag nito at nilagyan nang pampatulog na gamot. Hinintay kong buksan nang lalake ang pintuan at nagtago sa gilid nang pinto.   “Anak nang, nasaan na ang babae sino ang may gawa nito”   Bago pa ito makaharap ay itinurok ko na agad sa may bandang batok nito ang gamot. May ilang oras pa bago umipekto ang gamot kaya sinuntok ko ito sa mukha dahilan nang pagkawala nang balance nito. Hindi ko ito binigyan nang pagkakataon na makaganti kaya umurong ako sa likod para mag back flip at patamaan ito nang paa sa ulo, sakto naman nang pagkatumba nito.   Kinuha ko agad ang susi sa gilid nang belt nito.   “Madali kayo pakawalan niyo na ang isa’t-isa kailangan nating maka-alis agad dito”   Dali-dali rin naman na tumugon ang mga ito. Nang mapakawalan ang lahat at nagtungo ako sa pinto at sinilip ang labas kung mayroong naka antabay na mga bantay. Nang ma clear ko na walang tao ay pinalabas ko narin sila.   “Dire-diretso lang ang daan at makikita niyo na ang hagdan palabas nang puno. Mauna na kayo kailangan kong I divert ang atensyon nang mga tao para makasigurado na makakalabas kayo.”   “Pero Al, paano ka hindi ka naming pedeng iwan rito”   Umiling ako kay lilian at hinawakan ang kamay nito.   “Wag kang mag alala magkikita tayo sa labas, sa ngayon kailangan nyo nang umalis. Hintayin nyo ako sa gitna nang gubat pangako darating ako.”   Tinignan ko naman ang iba pa naming mga kasama. At tinanguan rin ang mga ito.   “Mag-iingat ka binibining Gabriela” Paalala ni jacson sa akin. Na binigyan ko naman nang ngiti bago tumalikod sa kanila. Sa gitna nang daan palabas ay nakita ko ang ilang armadong bantay.   “Show time baby”   Sumipol naman ako dahilan para mapansin ako nang mga ito. Tumakbo ako pa kanan para habulin nila ako nang makalayo na ako, ay binigyan ko nang signal sila Lilian sa pamamagitan nang pag sigaw.   “Go”   Apat na lalake ngayon ang humahabol sa akin, ang ilan sa mga ito ay nagsimula nang magpaulan nang bala. Dahil wala akong baril pinili ko munang magtago sa gilid nang pasilyo. Sakto na dumaan ang isa sa mga ito kaya naman hinampas ko agad ang batok nito para makatulog ito. Kinuha ko narin ang dala nitong baril at isang reserba nitong bala.   “Oh, how I hate silent battle”   Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagsimula nang paulanan sila nang bala. Diniretso ko ang daan palabas nang hide out nila. Dahil sa ingay nang putukan kanina nagsimula nanag magsilabasan ang mga kalaban.   “Darn hindi ko pa nakikita ang heist na yon mauubusan na ata agad ako nang bala”   Patakbo akong lumabas mula sa lagusan sa puno habang hinahabol parin ako nang mga kalaban. Tumakbo ako sa gitna nang gubat malapit sa tagpuan namin nila Lilian malawak ang espasyo rito at patag ang lupa. Dito ko hinarap ang mga ito. Ang dating apat ngayon ay anim na, lalake ang naka palibot sa akin. Sa likod nang mga ito ay naroon ang ilan pang kasamahan kasama si heist.   “woah, ganging up on me is not really manly dudes”   Bago pa makasagot ang mga ito ay ini-ikot ko na ang aking paa pailalim dahilan nang pagkatumba nang anim na lalake. Naunang tumayo ang nasa kanan ko, gamit ang kamay ko isang suntok mula sa sikmura at uppercut ang binigay ko rito habang sa kaliwa naman ay siniko ko ang isa pang lalake sabay kabig sa kamay nito para ihagis ito.  Isang sipa ang tumama sa tagiliran ko mula sa likod, hinawakan ko naman ang binti nito at hinila sabay sipa sa pagkalalake nito. “ahhhh”   “opps, by future kids”   Sinabunutan naman ako nang isa pang lalake sabay suntok sa sikmura ko nang lalake sa unahan.   “damn, pag ako nagka pasa tandaan mo hindi kana sisikatan nang araw”   Sinipa ko ang mukha nito, at nagbackflip ako para mailagay ang mga hita ko sa leeg nang lalake sa likod ko. Pinilipit ko ang ulo nito dahilan nang pagkawala nang malay nito. Tumayo ako nang mapansing nakatumba na pala ang anim.  Hinarap ko naman si heist na mistulang nagulat sa nadatnan niya may kasama itong mahigit 20 pa na tao.   “Ang hi-hina naman nang mga kawal mo”   Ngiting sabi ko rito habang pinupunasan ang dugo sa mukha ko. Matalim ang titig nito sa akin na para bang sa isang iglap lang ay babalatan nita ako nang buhay. “You b***h, dahil sayo nawala ang mga blood bankers ko”   Sigaw nito sa akin. Ngisi lang ang ibinato ko rito.   “They’re humans! And  not a thing na pede mong paglaruan”   “At ano naman ngayon sayo, ang mga mahihinang katulad nila ay dapat lamang nagsisilbi sa mga gaya ko”   “Sa gaya mo, na isang halimaw hah! hindi ka lang pala gago hayop ka”   “Ha ha ha, b***h dahil pinatakas mo ang mga mahal kong blood bankers now I will suck all the bloods that flows in you’re veins”     “Dream on monkey”   Dahil sa sinabi ko ay bigla nalang itong sumugod sa akin at umatake, mabilis man ay naiwasan ko ang suntok nito. Hinawakan ko ang mga braso nito at tinuhod ang pagkalalake nito.   “Ahhhh, s**t. Go kill this f*****g b***h”   Sumugod na ang mga ito sa akin sabay sabay silang sumusuntok ang ilan ay nasasalag ko ang iba naman ay diretso na tumatama sa katawan ko.   “ahh, may gourgeous sexy body” Angil ko sa mga ito, gamit ang paa ko ini-ikot ko ang mga binti ko para lumayo sila sa akin. Isang sipa sa kanan at kaliwa ang ginawa ko para mapalayo ang nasa tabi ko. Pero dahil sa dami nila ay dehado ako at may likas na ka tusuhan itong si heist. Binaril niya ang binti ko at braso na dahilan kaya napaluhod ako.   “hah, b***h ang sakit nang ginawa mo sa akin kanina. Ngayon uubusin ko ang tapang mo”   “ow, di nga! Puro basag na nga mukha nang mga alalay mo tignan mo lahat sila naging kasing panget mo”   Sinampal ako nito at sinabunutan idinikit nito ang baril sa nuo ko.   “Bibigyan kita nang pagkakataon na mag maka-awa, kapag ginawa mo yon baka buhayin pa kita”   “Ako mag mamaka-awa sa gaya mong animal hinding- hindi ako hihingi nang awa. “   Isang sampal na naman sa kaliwang pisngi ang binigay nito sa akin. Dumudugo na ang gilid nang labi ko dahil sa baril ang inihampas nito sa mukha ko.   “Maganda ka nga pero matabil ang dila mo, kung ganon ayaw mo talaga ha”   Nginisihan ko lang ito habang nakatutok ang baril sa akin. Wala na akong pakialam kung mamatay ako ngayon ang mahalaga natupad ko ang pangako ko nailabas ko sila.   “Damn Gio, mukhang magkakasama na tayo nang maaga” Ipinikit ko ang mga mata ko nang magsimula na itong bumaril, tinamaan ang isa ko pang braso, ngayon ay pareho nang dumudugo ang mga braso ko. Ininda ko ang sakit at kahit kalian ay hindi ko siya bibigyan nang satisfaction sa ginagawa niya.   “Matapang kang babae, sayang lang at ang katapangan mo rin ang papatay sayo”   Itinutok nito ang baril sa akin at handa nang iputok ito nang may bumaba mula sa langit na limang lalake sa harap ko. Nakaluhod ako sa likod nang mga ito habang hinaharangan nila ang mga baril na nakatutok sa akin.   “You want to kill our captain, not on our watch”   “Sorry cap’t late kami,  eto kasing gagong Jacob na ito mali-mali nang daan ang pinuntahan”   Paninisi ni seith kay Jacob na nginisihan lang naman nito. Napangiti na lang ako mukhang hindi pa tayo pedeng magsama Gio. Inihagis ni Jacob ang earpiece ko sa akin at tumango. Alam ko ang gusto nila they want me to cover for their back.  Isinuot ko naman ang earpiece at naupo nang maayos.   “Thank you”   Lumingon ang lima sa akin nang may ngiti sa mukha at sumenyas na sila na ang bahala. “I’ll cover your back now bring down these asssholes”   “Roger”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD