GEN: 36

1099 Words
Chapter 36 Greg’s Dinala kami nang binata sa gitna nang burol, mayroong malaking puno sa gitna nang kakahuyan sa burol na ito. Huminto ito saglit sa tapat nang puno bago nito bahagyang itinulak ang maykalakihang bato sa gilid nang puno. Nang maitulak ito agad na nagkaroon nang lagusan sa ilalim nang puno.   “Woah, mas high tech pa yan sa gamit nang embahada haha” Bulong ni Zeus.   Inaya kami nito na pumasok sa loob kaya dumeretso narin kami sa loob nito. Agad kong iginala ang aking tingin sa loob nang pinasukan naming puno. Malawak ang espasyo sa loob. Para itong bamboo gazebo na nasa loob nang isang malaking Narra. Ang mga kagamitan ay gawa sa kawayan at ang ilan pang mga materyales ay mula sa parte nang mga puno. Maaliwalas ang loob sa paningin.   Bago pa ako mawili sa kagandahan nang lugar ay pinili ko nang dumeretso sa kung bakit kailangan dito pa kami mag-usap.   “Bakit kailangan na dito pa tayo mag-usap” tanong ko rito habang prenteng nakaupo sa malambot na kutson.   “Ako si rein, ako ang nagpadala nang impormasyon tungkol sa vendetta”   Hindi na ako gaanong nagulat pa sa sinabi nito dahil sa istilo nang pagsulat na makikita sa mensahe na dumating sa amin ay mahahalata na kaagad na bata ang nag sulat.   “how do you know na mayroong pupuntang gaya naming dito sa guiller”   Bukod sa kaso ito ang isa pa sa mga iniisip ko, kung paano nakarating sa amin ang mensahe at saktong sa akin napunta ngayong kami ang sadyang naka toka rito sa guiller.   “sa totoo lang iisa lang naman ang kilala kong heneral”  saglit itong tumigil sa pag sasalita.      “Aksidente kong nakaharap si general Alwayne nang minsan akong magdala nang kalakal sa Mozart at nang makilala ko ito ay agad akong humingi nang tulong para maiabot ang sulat sa kahit sino mang maaring tumulong sa guiller”   “kung ganoon si al ang nagpadala nang sulat sa akin?” balik tanong ko rito.   “Hindi, sinabi sa akin nang gen na sayo ko raw I email ang sulat pagkatapos ay mayroong darating sa guiller”   Napapantastikohan ako sa sinabi nito, well knowning al babes hindi palalampasin noon ang pagkakataon sa mga ganitong issue. Tahimik itong nagsalin nang kape sa tasa na iniabot nito sa amin. Hinintay ko na magsalita itong muli.   “Dati akong miyembro nang vendetta, at alam kong tatanungin nyo ako kung paano ko nalaman ang tungkol sa kanila kaya mabuti nang una kong sabihin ito.”   Hinayaan naming itong mag kwento tungkol sa mga kasama nito.   Magkakasama kaming barkada noong may matagpuan kaming bangkay malapit sa istasyon nang pier. Matapos kaming magreport sa mga pulis ay agad namang narespondihan ang bangkay. “mga pare ang ganda pala sa pakiramdam na nakakatulong tayo” sabi ni david habang nakatingin sa mga pulisya na nag iinspeksyon sa paligid.   “ano kaya kung imbis na lumabas tayo tuwing gabi para lang gumala e maghanap na lang tayo nang pede nating gawin para maayos naman itong guiller”   Sumang-ayon naman naman kami sa suhesyon ni jam, ang lahat ay natuwa sa maaring maging tulong naming sa iba.   Duon nagsimula ang aming agenda, wala pa kaming pangalan noon at gumagalaw lamang kami na kami-kami lang ang may alam gumagamit pa kami nang lihim na mga mensahe para maipadala at mai-report ang mga anumalya.   Hanggang sa isang gabi nang pagpapatrol namin, nakita namin ang isang tanyag na opisyal na siya misimong gumagawa nang katiwalian. Rinig na rinig naming kung paano nito nakawin ang kaban nang guiller at ginagamit lamang nito ang pera sa kanyang sarili at pamilya.   “hindi tama ang ganoon, mukhang kakailanganin na nating maging agressibo lalo pa at ang mga opisyal na iyan pala ang humahayop sa atin”   Duon unang nabuo ang association nang vendetta, ang layunin nang grupo ay tumuligsa laban sa mga opisyal na puro katiwalian lamang ang ginagawa.   Noong una ay maayos at Masaya pa ako sa ginagawa naming hanggang sa nagging gahaman ang mga kaibigan ko dahil sa mayroong kaakibat na pera na binibigay ang mga mamayan sa bawat kaso na at opisyal na nahuhuli nang grupo.   Dati ay ang inilalabas lamang namin sa publiko ay ang mga opisyal na may katiwalian ngayon ay sila na mismo ang gumagawa nang paraan para may makitang mali sa mga ito.   ---- Matapos nitong sabihin sa amin kung paano nagsimula ang lahat ay nagkaroon naman kami nang sapat na kaalaman sa narinig.   “kung ganoon bakit hindi mo sila pinigilan” tanong ni ced rito.   “ginawa ko iyon pero hindi sila nakinig at hindi sila titigil nang dahil lamang sa pinigilan ko sila, nabulag na sila sa pera.”   “kung ganoon ano ang gusto mong gawin naming sa kanila. Ikulong sila?” tanong ko rito. Alam kong ramdam rin nila Ced na sinusubok ko ang tapang at kakayahan nang bata.   “Alam kong mali ang ginagawa nila at kaibigan ko sila, kahit na tumiwalag ako sa grupo ay papaya ako na sumama sa pagkakakulong nila kung sakali. Gusto ko lang mapigilan sila at maituwid sa tamang daan”   Napangiti ako sa sinabi nito, bigla kong naalala ang best friend ko. Ganoon rin ang taong yon kahit na hindi naman siya sangkot ay isasangkot niya ang sarili niya para sa mga kaibigan niya.   “Wag kang mag alala, we just need a little time. We will trap them in their own trap”   Tinapik ko ang balikat nito bago muling humigop nang kape.   “Salamat po, pwede ko bang malaman ang pangalan niyo. Itoang unang beses na nakaharap ako nang mataas na opisyal”      Agad namang nag si tawanan ang dalawa ni Ced at Zeus sa sinabi nito. Sinamaan ko lang nag tingin ang dalawa.   “tumigil kayo mga loko”   “haha, boss hindi ka talaga sikat ano bayan” may paghampas pa sa lamesa si zeus habang sinasabi ito.   “haha tol puro kasi tawa itong si cap’t paano ba naman pati sa chics waley” segunda ni Ced sa sinabi ni zeus.   Tumayo na ako at sabay na binatukan ang dalawa na umaray naman pareho. Pero tuloy parin sa paghil-hil ang dalawa.   “ako si General Greg welstine, in command of Squat team.” Pakilala ko rito.   Halata ang pagka mangha sa mga mata nito. Sabi ko na nga ba eh ang cool ko talaga.   “totoo nga ang sinabi ni gen. grace, gwapo kayo at cool ang team niyo”   Napa-ubo naman ako sa sinabi nito, si al babes sasabihin na gwapo ako e lagi akong tinatawag na unggoy non.   “talaga bang sinabi nya yon?” tuwang tanong ko rito “oo, sabi pa niya kayang kaya mo raw ang kasong ito dahil isa ka ring basagulero”   Agad namang nag halakhakan ang dalawa ni Ced at zeus sa narinig.   “haha, boss asa ka pa kay lady grace haha”   “tol sabi sayo wala na talagang pag-asa si cap’t”   Napakamot na lang ako sa ulo sa sinagot nito, si al babes talaga lagi na lang may kaputol na pang-aasar ang puri niya. Pero okay lang mahal ko parin siya. Ha!Ha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD