GEN: 37

1919 Words
Chapter 37 Greg’s Bago kami umalis sa lugar ni Rein sinabihan ko ito na huwag na munang lumabas at hayaang kami na lang ang kumilos para sa kaso na ito.   “Boss, anong gagawin natin sa mga bata?” tanong ni zeus sa akin.   “we will give them a good beating, they choose to be a hero then why not let them” Sagot ko rito habang patuloy sa paglalakad.   “Anong plano natin cap’t” si Ced   Kanina habang ikinukwento sa amin ni rein ang pangyayari kung paano nabuo ang vendetta ay saglit kong naalala ang pagiging gangster ko noon. Gaya nang mga ito ang layunin naming ay tumulong pero naiba nga lang ang sa kanila dahil nagpatalo sila sa pera.   “Gagamitin natin ang mga pain nila laban sa kanila, hindi bat sabi nang binata kanina ay sila na mismo ang gumagawa nang istorya laban sa mga opisyal para maka paglikom nang pera mula sa mga mamayang naniniwala sa kanila.”   “sa paanong paraan naman natin sila babaliktarin?”   “Simple lang hihintayin natin na gumawa sila nang pekeng storya sa madla saka tayo aaksyon kapag nasa akto na sila”   Tumango-tango naman ang dalawa sa planong nabuo ko kanina lang. Habang pabalik kami sa aming tinutuluyan ay saka naman nag bigay nang impormasyon ang dalawa ni lax at ced.   Dalawang misyon ang tinatapos naming nang magkasabay. Kami ata ang team na mas inuuna ang pagiging multi-tasker para mas mahaba ang pahinga  kaysa sa trabaho ito ang motto nang team ko.   “boss, nasa riverside kami nang guiller you need to see something.   --- Matapos ang ilang oras na paglalakad ay narating rin namin ang location nila lax at ced nakatayo ang dalawa at bakas ang pagka irita sa kilos nang mga ito. May kalayuan pa kami sa eksatong posisyon nila ay nataw na namin ang dalawa.   “it’s rare to see those two getting irritated” komento ni zeus   Nang Makita kami nang mga ito ay agad na lumapit ang dalawa sa akin. Kalmado naman akong lumapit sa dalawa at tinapik ang braso nang mga ito.   “situation”   “we lost the lead boss” umpisa ni Ced   “nagkaroon nang habulan kanina at natulakasan namin na totoong naglagay sila nang bomba dito sa guiller”   Nakukuha ko na kung bakit naiirita ang dalawa, dahil sa ugali nang mga ito ang hindi umuwi nang wala silang nakukuhang magada sa misyon.   “how come natakasan kayo”   Hindi nakasagot ang dalawa sa tanong ko. Itinuro nang dalawa ang lupa na bakas nang pinaghukayan nang bomba. Malalim ang pagkakahukay at bakas ang lawak nang inilagay rito.   Lumapit ako sa may parte nang pinaghukayan na lupa. Napa mura na lang ako sa isip, may possibilidad kasi na chain bomb ang mga ito.   “write a report now and send it to the office of the generals under black vendetta no one should know about this unless wala tayong pulidong batayan”   Nagulat naman ang mga ito sa sinabi ko.   “Under black vendetta boss?”   “yes, nag iingat lang tayo sa mga possibleng rebelde sa loob nang embahada”   --- Kinagabihan ay isinagawa na namin ang plano para sa mga vendetta. Nakakatawang isiping minsan ay ginagamit rin naming ang pangalang iyon kapag hindi na kayang matantya nang misyon.   Gaya nang inaasahan mula sa impormasyon na ibinigay ni rein sa ganitong oras gumagawa nang kapangahasan ang mga ito.   Nagdisguise ang isa sa miyembro nang assosasyon bilang isang opisyal at nagkunwaring nagbebenta ito nang drugs mula sa ibang syudad. Agarang umaksyon ang ilan pang miyembro para kunwaring mahuli sa akto ang pekeng opisyal.   “hah, kids these days” komento ni lax   Hinihintay lang naming matapos ang palabas bago kami lumabas at harapin ang mga ito. Kasama naming si rein dahil sa gusto raw nitong bigyan nang katinuan ang mga kasama nito.   Nang makaraan ang ilang oras ay agad na kaming lumabas at nagpakita sa mga ito.   “Sino kayo” sigaw nang isa sa mga ito.   Lumapit narin si rein at nagpakita sa mga ito.   “Hah, ikaw pala ang duwag mo talaga ulan, at nagsama kappa nang mga pipitsugin” sigaw nito.   Ramdam ko ang pagka irita nang mga kasama ko sa sinabi nang bata. Hah! Kahit ako ay muntikan nang magpanting sa narinig pero hinayaan ko na lang.   “Tama na,david bistado na kayo nang buong mamayan wala nang maniniwala sa inyo”   “Anong sinasabi mong bistado na kami sira ka ba o baka naman gusto mo lang makihati ha. Sabihin mo payag naman ako e”   Ipinakita ni rein ang footage nang pagpaplano nang mga ito hanggang sa pag di-disguise at pati ang aktwal na pag akto nang mga ito. Bakas ang takot sa mga mata nang mga ito. Halatang hindi sanay sa responsibilidad.   Miya-miya pa ay sumugod ito kay rein at inambahan ito nang suntok sa mukha na siya namang ikinatumba nito.   “boss aawatin ba natin” bulong sa akin ni zeus   Binigyan ko lang ito nang iling bilang sagot.   Tumayo narin si rein at nakipag suntukan sa binatang si david. Mapapansin ang iilang luha rito habang nakikipag suntukan sa kaibigan. Sinenyasan ko ang mga kasama ko na bantayan ang iba pang kasama nang mga ito dahil sa maaring biglaang pagtakas nila.   “kahit kalian duwag ka, iniwan mo kami sa ere rein tumakbo ka na lang bigala” sumbat rito nang binata habang naka gulong ito sa semento.   “hindi ko kayo iniwan, umalis ako sa grupo pero hindi ako umalis sa tabi nyo. Saan man kayo pumunta nandoon ako nakabantay. Kaya nga ako humingi nang tulong ay para mailigtas kayo.”   Kinuwelyuhan nito ang binata habang naka luhod sa harap nito.   “alam kong pare-pareho na tayong mga ulila, pero hindi sapat yon para gumawa kayo nang masama, hindi sapat yon para manira. Sinira nyo ang buhay niyo dahil lamang sa kakarampot na salaping nahawakan niyo.”   Sinuntok uli nito ang mukha nang kaibigan na nagpahiga rito, nanatili naman itong nakatayo sa harap nang mga kaibigan na nasa tabi nila zeus ngayon. Lumapit ako kay rein at tinapik ang braso nito at nagbaba nang tingin sa nakihigang binata.   “kid your blessed to have a real freakin’ friend on him, kung hindi kami ang nakahanap sa inyo sa siguradong diretso na kayo sa bakal”   Umayos ito at umupo mula sa pagkakahiga.   “kung gusto nyong makatulong gumawa kayo nang mabuti hindi nang masama”   Natapos ang gabi nang bit-bit naming ang limang binatilyo papunta sa lugar ni rein at duon pinagsabihan ang mga ito.   “saan na kami nyon pupunta kuya, pare-pareho kaming walang mapupuntahan dito sa guiller” tanong ni rein sa akin.   “bring them in the asylum” suhestyon ni Lax sa akin.   Nagtinginan naman sina Ced at kiel sa sinabi nito.   “no, they can’t be there napaka bata pa nang mga to para mapunta sa asylum” komento ni Ced   Madali naming naayos ang problema nang False vendetta mula sa sulat, pero kung nagkataong nagging mga haling na ang mga ito ay mahihirapan kami. Pero dahil mga galawang bata pa ang mga tricks na ginagawa nang mga ito ay napabilis ang aming pag kilos.   Naalala ko noong isa pa akong gangster nang mga panahong yon’ kung walang gio na tumulong sa akin ay tiyak na wala parin akong patutunguhan.   “no, let’s bring them IN. Sa lugar na hindi na nila kakailanganing umisip nang paraan para kumita at gumawa nang masama”   Agad na nakuha nang mga team mates ko ang ibig kong sabihin samantalang walang ideya ang mga binatilyo.   “saan kami pupunta” tanong nang binatang si David.   “sa lugar kung saan hahasain ang tapang at galing niyo. Sa lugar kung saan lisensyado ang mambugbog nang gaya niyo.”   Sabay-sabay namang nagsalita ang mga ka team mates ko.   “Sa Quarts”   Natapos ang gabi na puro pag alala at pagbalik sa nakaraan ang ginawa ko. Miss na miss ko na ang best friend ko. Sana hindi ka na lang nawala Gio. “Tol, dito lang ako sa pag kailangan mo nang tulong” Sabi ni Gio sa akin habang naka akbay pa ito sa akin.   Katatapos lang nang maghapon naming training, ito ang huling araw naming sa pagiging rookie. Sa susunod na araw ay magkakaroon na kami nang team. Magkakaroon nang panibagong stats at ranking ang mga rookie at doon ibabase kung saan kaming faction mapupunta. Hindi kami sigurado kung magiging magka team kami ni Gio.   “Tol, mag raranking lang tayo hindi pa ako mag aasawa wag ka ngang mag inarte” Natatwang sabi ko rito.   Natatawa namang namulsa ito, sa kalayuan ay nakita naming si Alwayne na katulad naming ay isa ring rookie. Kasama nito si Gen. trios. Tapos na ang lahat nang training nang rookies pero patuloy parin ang sparring nila sa field.   Bakas sa pagod sa mukha nito pero kada bagsak nito ay siya ring agarang tayo at pag atake nito.   “Tol, crush ko yon” bulong ni gio habang titig na titig kay Al.   “Tol, parehas tayo kaya naman may the best man win. Kahit na sanggang dikit kita hindi ako papatalo” nakangising sabi ko rito.   “Oo ba, basta wag kang iiyak haha” Sinuntok pa nito ang braso ko bago tumawa.   Pinagmasdan lang naming ang training nito. Siya lang ang nag iisang babae rito sa embahada. Isang general rin ang tatay ni Alwayne pero gaya naming ay pumasok ito mula sa pinaka mababang antas bago niya naabot kung nasaan ito ngayon.   --- “Tol, ano man ang mang yari aalagaan mo si Al” Seryosong sabi sa akin ni Gio.   Nasa paparating na labanan kami ngayon laban sa mga rebelde. At hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi niya ito sa akin.   “Ikaw dapat ang gagawa noon Gio, hindi ako”   Binigyan ako nito nang tapik at hinawakan ang balikat ko.   “You are one of the best person I can trust to, ano mang mangyare sa akin please don’t leave her. She may be the best and fiercest fighter we can have but still, look for her please.”   Tumango na lang ako bilang sagot. Nagkahiwalay na kami nang ruta nang magsimula nang magka-initan ang bawat kampo. Hindi ko na nakita ito matapos ako sa posisiyon ko.   Maya-maya pa paglapit ko sa may pier ay biglang sumabog ang yate na nasa gitna nang dagat. Doon rin ako napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sigaw ni Al.   “Nooo, Giooo please you can’t do this to me”   Nag si-sigaw ito nang paulit-ulit sa may gilid nang pier habang umiiyak. Nagtagumpay kami na matalo ang mga rebelde. Nawalan naman ako nang kaibigan.   Ganoon na lang ang pag sisi ko na hindi ko pa ito nayakap kanina. Hanggang sa huli kapakanan parin nang iba ang iniisip niya. Galit ako rito kasi iniwan niya ako, binigo nya ang pangako ko.   Saglit na bumalik ang ilang alala sa akin matapos nang kasong to. Isa lang ang masasabi ko mahirap ang mawalan nang tunay na kaibigan lalo na kung best friend mo pa.   Mio, Gio.    Isa lang ang ma-ipapangako ko sayo, ilalaban namin sa tama ang bagong bahagi nang labanang ito. Sisiguraduhin kong mananalo uli ang Rios at makakamit narin namin ang hustisya para sa sakripisyo mo. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan mong laban noon, ngayon alam kong kasama ka parin naming lumalaban kahit nasaan ka man ngayon. Aalangaan ko rin ang ating Gabriela kahit na saan pa, gaya nang pangako ko noon hindi ko hahayaang masaktan na naman uli ito.  Hanggang nandito ako ako ang bahala sa mga naiwan mo sa pamilya, kaibigan at maging sa nag-iisang babae sa puso mo. Nagalit man ako noon sa biglaang pag-iwan mo sa amin pero alam kong tinupad mo parin ang pangako mo. Hanggang ngayon nandito ka lang sa tabi ko kahit saan mang sulok ang tahakin ko. Naputol ang pag iisip ko nang may tumapik sa likod ko, Si ren. "Salamat po sa inyo nakaligtas kami nang mga kaibigan ko sa gulong pinasok namin" Ginulo ko ang buhok nito at tinapik-tapik ang balikat nito. "No matter what happen you all should stick together, life is tough pero kung may makakasama ka sa paglalakad magiging madali at masaya ang byahe mo" "Ganoon rin ba kayo noon" "Ours, is not like yours, Don't be like us. Ours was a bit rougher than what you guys have experience, you are the next generation and to be able to fullfill that you need to start harder and finish it together Stronger"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD