GEN: 38

1006 Words
Chapter 38 3rd person’s Sa kabila nang kaliwa’t kanang paghahanap nang mga Gen’s sa bomba ay patuloy silang inililigaw nang kanilang lead. Samantala ang team nila Gin naman ay nagsimula nang mag tungo sa avior para masimulan nila ang kanilang pag esspiya sa mga ito.   Sa tulong nang ilang impormasyong nakuha nila sa mga rebelde ay nagawa nilang makuha ang ilan sa mahahalagangag data at materyales na kakailanganin nila sa pag pasok sa loob nang Avior.   Kasalukuyan silang nasa loob nang submarine ngayon patungo sa avior. Ito ang isa sa mga pinaka tahimik na pag pasok sa teritoryo nang kaaway. Habang nakasakay sa loob nang sub marine ay doon narin sila nag simulang bumuo nang konkretong plano na gagawin nila sa oras na makarating na sila sa avior.   Tumayo mula sa pagmamaneho si gin matapos nitong mai set ang sub sa automatic driving, di gaya nang ibang sasakyan ang sub marine ay may kabagalan sa pag galaw. Kaya naman malayo layo pa ang byahe nila bago sila makatuntong sa avior.   Naupo ito sa gitna nang lounge area sa loob nang sub marine at duon tinipon ang mga kasamahan.   Naglabas nang blue print si felix na nakatutok ngayon sa malaking screen sa loob. Kita nila ang bawat sector nang avior. Halos lahata nang check point at posibleng lusutan nang mga gaya nila ay bantay sarado. Maliban na lang sa dagat gaya nga nang sabi nang isa sa mga ito, ang pinaka safe na lugar ay sa ilalim.   “Maayos tayong makakarating nang avior, ang problema na lang ay kung paano tayo makakapasok sa loob nang alyansa”  komento ni calvin habang matamang naka harap sa malaking screen. Tumayo si felix sa gitna dala-dala nito ang ilang pares nang transparent insignia na may naka incript na codes. Tulad nang natuklasan nila nito lamang.   “once na nadikit na ito sa balat nyo saka lamang mag aapear ang insignia. Water proof ito kaya hindi ito basta-basta na mag pe peel off”   “valid ba ang mga insignia na ito para makapasok tayo o ma consider sa sensor nila” tanong verdict   “Yes”   “how did you even process this dude” manghang tanong ni calvin.   “Well, I hack the main system and place a small bug on it. Kaya nakapag enter ako nang panibagong code sa system nila. As of the moment we are one of the official member of ruist-rebels under charge of Marcelo Gawain the main Antagonist in this war”   Hindi maikakaila ang pakamangha nang mga ito sa kaibigan. Hindi madali ang makakuha nang data sa avior dahil sa mga encrypted files nang mga ito.   “okay sa ngayon habang hindi pa tayo makakapasok agad sa loob nang alyansa ang uunahin muna nating inspeksyonin ay ang mga posibleng pwedeng maging daanan natin kapag pupuslit at lalabas tayo nang syudad.”   “Importante na makakuha tayo nang konkretong ruta para maiwasan ang suspicion”   Sumang-ayon naman ang mga ito sa sinabi ni Gin. Ang plano ay magpanggap bilang isang miyembro nang rebelde upang magkaroon sila nang access sa loob kung saan maaring mapalapit sila sa mismong bumubuo nang plano tungkol sa digmaan.   “make sure to be extra careful, we cannot meet like this openly kapag nasa avior na tayo”   Nang mabuo ang plano ay bumalik na sa pwesto nito si Gin. Muli nitong hinawakan ang contol nang sub marine at nagsimulang maging in control sa pagmamaniobra nang sasakyan.   Habang ang team niya ay patuloy na pinag-aaralan ang pasiko’t-siko’t nang lugar na dadaungan nila kapag nakarating na sila sa lupain nang Avior.   “be ready hours from now we’re in Avior”   “We’re ready Sir”     ---   Martin’s Ilang araw narin nang makarating kami sa Caribean bukod sa ilang araw na pag iiko’t sa lugar at saglit na pamamasyal ay wala kaming ginawa kundi ang manuod at mag masid lamang sa lugar.   Bago kami magpunta nang caribean ay mayroon na kaming background dito, kilala ang caribean sa pagkakaroon nito nang iba’t-ibang factions. Talamak rito ang mga grupo kung saan may kanya-kanya silang mga business na inooffer sa caribean. Legal rito ang pagkakaroon nang factions.   Sa ilang araw na pag iiko’t namin sa caribean ay nakahanap kami nang bagong report kung saan mayroong ship nagpuan malapit sa bato-batong parte nang syudad. Ayon sa aking mga kasama ay pinamamahayan ito nang mga gangster.   Noong una ay hindi ko naman pinansin ang report dahil sa hindi naman nab ago ang pagkakaroon nang gang sa lugar na ito. Pero ang naka agaw nang pansin namin ay ang biglaang pagkawala nang ilang materyales at kalakal na bali-balita sa buong syudad.   Kaya sa araw na ito ay napag pasyahan namin ang magtungo sa lugar kung saan naroon ang ship. Malayo-layo pa kami ay tanaw na ang may kalakihang ship na nakadaong sa may gulid nang batuhan malapit sa dalampasigan dito sa caribean.   Nagkalat ang mga tauhan sa paligid nang ship, halatang alerto at handa sila sa kung sino man ang susugod o magtatangkang pumasok sa teritoryo nila.   “Cap’t papasukin nab a natin ang ship” tanong ni Vixx habang naka silip ito sa gilid nang puno.   “No, we will wait kung ano at paano sila kumilos at isa pa hindi pa tayo sigurado kung sila nga ang dahilan nang pagkawala nang mga materyales mula sa mga pagawaan.”   Nasa gilid kami kung saan hindi agad mapapansin na mayroong nag mamasid sa mga ito.  “Vixx, neon go to the east side kailangan nating malaman kung ano at kung may mga iba pa bang itinatago ang mga taong ito”                  “Paul and rafa go to the north manghila kayo nang ilan we need to lessen their men”   Nagsitanguan naman ang mga ito at agad na nagtungo sa kani-kanilang mga posisyon. Habang patuloy lang rin akong nakamasid sa mga ito.   “We’re on position Cap’t”   “Prepare to observe kung paano ang daloy ang mga tauhan sa loob. Look for ways kung paano tayo makakapuslit sa loob”   Matapos nang pagka transmit ko nang utos sa mga ito ay agaran rin naman akong nakatanggap nang sagot mula sa kanila.   “they have a fully loaded materials inside” galing kay Vixx   “Can you identify what kind of materials”   “More on machine guns at ang ilan naman ay 3rd grade grenades mayroon rin silang imback na mga pagkain sa loob”   “Woah, this dudes are fully prepared Cap’t they even prepare lot’s of personal materials para sa bawat isa”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD