GEN: 4

1574 Words
Chapter 4 Al’s     7pm, Natapos ang training ng bawat team at lahat ng mga kadete ay nagsibalik na sa quadrangle para sa tinatawag naming battle of the captain's. Ang lahat ay nakaupo sa mga malalaking kahoy na nakapalibot sa malaking tumpok ng mga panggatong na sisindihan mamaya lang. Ang labanang ito ay para lamang sa mga team captain's ng bawat team. "Permission to salute GEN's" sabay sabay na saludo ng mga ito. Isang saludo ang ibinalik naming sa kanila. Tumayo narin sa unahan si malcus para magbigay ng Direction para sa laro na sisimulan. "Ngayon siguro naman ay may nakita at natutunan kayong panibago sa bawat miyembro ng inyong team, hindi lang ito para makita kung sino ang mahusay kundi para ma evaluate ang bawat isa. At ngayon sisimulan naten ang battle of the captain's, sindihan na ang burn fire" Nagsimula nang luminya ang bawat team captain's. "Isang paalala ang mananalo na team captain ay may pagkakataon na makakalaban ang isa samin na mga generals bago mag umpisa ang battle of the generals pag bibigyan namin kayo na makasagupa ang isa sa amin"         Sigawan ang pumailan sa mga kadete, dahil bihira lang namin na mapagbigyan sila para kalabanin. "Hmp! Napaka talaga nitong si malcus. Pabibo hmp!" "Hahaha, al wag mong sabihing natatakot ka" isang ismir lang ang iginanti ko kay greg Nang masindihan ang mga kahoy nagsimula nang luminya ang mga team captain's Anim na team captain's ang nagsagupa sa bawat isa. Sa paraang ito rin naming makikita kung sino ang maaring maging bagong command captain nang bawat distrito.  Tumagal ang laban ng bawat isa sa loob ng 30mins hanggang sa nagkaroon na nang isang nanalo. "Captain ventura, choose one of the generals" Nakahilera kaming lima at naghihintay na mapili ang isa. "I swear i'm gonna kick his butt pag ako ang pinili nya" bulong ko sa santabi "I choose" sabay tingin sa akin "I choose General malcus" sabay saludo sa kadete "Nice, mukhang mahirap napili mo ah" kantyaw nila martin sa kapitan Luminya na ang dalawa sa gitna at nagkamay para simulan ang laban. Magaling itong si Captain Ventura, mabilis ang reflexes, at strength tactics ang ginagamit niya sa paglaban. Sa tabi ko naman nag pupustahan na naman ang mga unggoy. "Oh, pare eto 100 kay malcus ako" birada ni martin "Naks laki ng patong ah, sige eto 100 daan rin dun ako sa kapitan" isa pa itong si greg At dahil hindi ako maka concentrate. Binatukan ko silang tatlo. "Umayos kayo" mga ngiwi lang ang sinagot nila. Isang suntok mula sa sikmura at sa mukha ang binigay ni malcus sa kapitan, pero nakaganti rin naman agad ang binata sabay hagis dito sa ere. Nangi-ngiti na lang ako dahil sa nakangiwing mukha ni malcus. Hah! Mukhang nakikita ko ang future ng isang ito. Bumangon si malcus at isang sipa sa paa ang ginanti niya sa kapitan akmang hihilahin siya ng kapitan pero naiwasan niya ito. Isang sunod na magkabilang suntok sa mukha at tiyan ang inariba niya sa kapitan hanggang sa sumuko na ito. "Arrgghh, masakit ka talagang sumuntok Gen" nakangiting puri ng kapitan "Pinahirapan mo rin ako Captain Ventura, nice battle" isang tapik sa balikat ang iniwan niya kay Ventura. "Paano pare akin na isang daan panalo ako"       Napailing-iling na lang ako sa kalokohan nila.   "Sisimulan na naten ang labanan ng mga GENERALS." Tumayo narin ang mga unggoy. "Para sa unang match, earvin and greg" Agad namang tumayo sa gitna ang dalawa "Al babe, para sayo to" with matching flying kiss pa ang loko. Tsk napa face palm na lang ako "On your marks, begin" Nagsimula nang umatake si earvin, sinipa niya ang binti ni greg sabay ng isa pa uling sipa mula na tumama naman sa braso nito.  Earvin, is a very good match for people who love knives and dagger, ibang skills niya kapag nasa combat talagang parang martial artist ang isang to. Isang ngisi naman ang binitawan ni greg matapos tumayo mula sa atake ni earvin "You did it pretty nice my friend" ngising sabi nito Nagsimula na itong sumuntok na siyang na sasalag naman ni earv, isang suntok pa at napahina na niya ang panangga ni earv, Greg is someone who doesn't believe in the word lose, he will definitely find his way to breakthrough. Gaya ngayon. Inaariba niya ng suntok si si earv. "Look  grabe ang improvement ng loko"  puna ni martin sa mga galaw ni greg "Hah, that guy kunwari lang na hindi nag sasanay pero sa loob ng 2 taon halos bugbugin niya katawan niya dahil sa nangyari 2yrs ago"  sagot ni malcus Alam  kong lahat kami ay naging apektado sa nangyaring giyera noon. Ako lang naman ang hindi pa gaanong naka move on. 2years na Al, 2 freaking years!     Dahil sa sobrang pag iisip hindi ko na namalayang nakatumba na pala si greg at nanalo parin si earv sa laban. "Nice one greg, haha ampanget mo na" natatawang kantyaw ng mga loko "Heh, pinagbigyan ko lang yang si earv, makikita nyo na lang sa mga susunod na araw luluhod din saken yan haha”   Next line up ay si martin at ako, dahil mukhang hindi na kakayanin ni malcus na lumaban.  Naririnig ko na namang pumupusta yung mga loko. "Pare eto 50 kay martin haha" bulong ni greg "Loko pag ako nanalo makikita nyo" sigaw ni martin.     "Ehem so paano bring it on al" hamon ni martin sa akin  Nagsimula nang sumugod si martin sa akin syempre lumaban narin ako. Martin is a tricky opponent in short madaya haha, pero in a way naman na ginagamit lang niya ang mga loop hole na nakikita nya sa kalaban para manalo. In some sense pede narin atlease sa mabuti nya naman ginagamit. Inamba ko ang kaliwang kamao ko kay martin na siya namang hinawakan nito at hinila para mapalapit ako sa kanya sabay iko’t nang kamay ko sa likuran, ginamit ko naman ang ulo ko para maka-alis sa pagkakaipit nito sa braso ko. Nabitawan naman nito ang hawak sa akin, binabalanse ang tayo niya at habang nasa ganoong istado ito ay sinuntok ko ang sikmura niya na siyang dahilan nang pag aray nito. “damn, that was legendary al” komento ni earv na nai-iling dahil sa atake ko kay martin. Nagsisimula pa lang kami at alam kong hindi basta-basta mapapabagsak nang ganoong mga banat lang si martin. Ngumisi ito sa akin at iniunat ang mga braso, mataman ko namang binantayan ang mga kilos nito. Pareho kaming umiikot nang pabilog at naghihintayan kung sino ang mauunang sumugod. Nag simula itong lumapit sa akin at akmang susuntukin niya ako sa sikmura gaya nang ginawa ko kanina, para maiwasan ito ay umurong ako pabalik at tumalon sa ere sabay sipa sa mukha nito na siya namang ikinagulat nito, singhapan at kita kong napatayo bigla sila earv sa kinauupuan nila. Agad namang nagbalik ang senses ni martin at pabigla nitong sinipa ang binti ko na nagpabagsak sa akin muntikan pang maglanding sa mukha ko ang kamao nito kung hindi agad ako umikot palayo sa kanya. “Syete ka martin pag ako nagkapasa sa mukha, manghihiram ka nang mukha kay Oscar” Tinawanan lang nito ang sinabi ko. Kita ko sa peripheral vision ko ang excited na mga mukha nang mga kaibigan namin, halata ang saya at gigil nang mga ito sa laban. “Darn, dapat si al babes na lang nakalaban ko para ganito ka exciting ang laban” nakangising komento ni greg na sinang ayunan rin nang iba pa. Ilang surprise attack naman ang ginawa ni martin na kung hindi ko nasangga nang braso ko ay malamang namimilipit na ako sa sakit dahil madalas sa sikmura o sa mukha ako pinupuntirya nang loko. Naka ilang bagsak narin ito sa lupa dahil sa mga simpleng pag sipa at pagtulak ko rito na ikina-wawala nito nang balance. Mainit na ang laban may mga ilang galos narin ako sa braso at labi pero sige parin. Hanggang sa susuntukin ko na sana si martin nang makita ko sa likod niya ang imahe ni gio. Kaya napahinto ako na ikinatigil rin ni martin.  "Bakit al," lumilingon narin siya sa likod niya At medyo na babahala narin sila earv. Ang tanging nasambit ko na lang ay "Gio" Pagkatapos ay tumalikod paalis ng field kahit hindi pa tapos ang laban. Narinig ko pa ang mga sigaw nila sa akin pero dumiretso na lang ako pabalik ng quarts. "Kailangan ko yatang munang magpahinga" Isang malalim na bunting hiniga ang binitawan ko sabay punas nang ilang sutil na mga tubig sa mata ko. -- --- Earv’s  "Anong nangyare martin" tanong ko rito matapos umalis si al nang walang paalam.  "Hindi ko rin alam pero ang narinig ko lang na binangit niya ay "Gio". “ sagot nito habang minamasahe ang panga na mababakas ang pamumula mula sa sipa ni al kanina.   Napatahimik na lang kaming apat sa narinig.       "Hindi ko alam pero posibleng umaasa parin si al na buhay siya" komento ni malcus   "Kung buhay siya sana noon pa siya nagpakita hindi yung sinasaktan niya si al kahit alam nating imposible na" padabog na sabi ni greg sabay alis nito. Hindi naman namin masisi si greg kasi bestfriend niya si gio at mahal niya rin si al. Kailan lang ba nuong ipinaubaya niya si al sa bestfriend niya, tapos mawawala na lang itong bigla. "Haayst, sakit sa ulo. Magpahinga na nga lang tayo" sabay tapik ko sa mga balikat ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD