GEN: 3

1235 Words
Chapter 3    Al’s Kasalukuyan kaming nasa field para sa nakahandang combative training na gaganapin para sa paghahanda  sa posibleng  labanan. Syempre pinaka paborito ko ang ganito bukod sa target shooting ito ang isa sa pinaka maanghang na panlaban sa mga terorista. Kasalukyan kaming nasa quadrangle sa gitna ng lahat ng kadete.   "Permission to salute Generals" Luminya ang lahat para sumaludo sa aming lima  "Hands down, sisimulan natin ang combitive training ngayong araw hanggang sa 2 susunod pa. Hindi biro ang mga terorista na makakalaban ng imbahada." Saglit akong huminto at pinagmasdan kung may isa man lang sa kanila ang tututol pero ni isa ay wala. "Lahat tayo ay may kanya kanyang team na naka assign sa atin at sa partikular na grupo muna magsisimula ang bawat combat depense training sa susunod naman ang Grupo sa grupo at ihuhuli ang laban ng bawat team leader is that clear cadets?"  "Ma'am yes, Ma'am"  Sabay sabay na sagot mula sa lahat. They all look determined at sana hanggang dulo pangatawanan nila ang ganyang estado. "Go back to training now, the combat training start until 12 midnight meeting adjourned"   Nakaka sawa naman ang ganito puro mukha na naman ng mga unggoy ang makikita ko mamaya. Pinili ko ang lugar malapit sa burol para duon magsanay kasama ang buong team. "This is a fist to fist fight kaya inaasahan kong makikita ko ang improvements nyo" singhal ko sa mga kasama ko.  Agad rin naman silang nagsitanguan. If i know kanina pa nila gustong mag suntukan men are men. "Okay let's start with Toya and seith" Hindi pa ako nakakapag sabi ng Go ay umangal na si seith "What seryoso al, ayoko kay toya masyadong bakla manuntok yan hahaha" "Ano baka gusto mong ihampas kita sa puno ng narra" Nakataas ang kamaong sagot ni toya kaya bago ko pa sila barilin este bugbugin inawat ko na sila. "Just fight pede mauubos ang oras naten" Nagsimula silang dumipensa sa bawat isa. kung anong bilis sa pag iwas ni seith sya namang agresibong pag tira ni toya. Toya is impulsive type and he can be explosive too. While si seith naman ay pa easy going lang kung umakto pero hindi rin naman biro ang isang to. Seith is a very dangerous person he’s good in manipulation may ilang klase nang manipulation skill, una ay ang pag gamit nito sa pamamagitan nang pagtatanong, pangalawa ang pag gamit sa sitwasyon at pangatlo ang pag papaikot nang taktika. He could be a very dangerous person kung hindi sya nanging sundalo. Gaya ng inaasahan maganda ang laban nila. Sabay na sabay silang gumalaw at sa puntong ito parehas silang gumagamit ng utak. Kung minsan ay si seith ang nanalo at nahahabol naman ito ni toya. Ilang beses ginamit ni seth kanan nyang kamay para lokohin si toya at palabasing sa kanan siya aatake, ilang beses ring tinamaan si toya nang mga suntok nito pero bilang may lahing manhid ata si toya ay patuloy lang ang pagsalo sabay aariba siya nang suntok. Tsk. Kumbaga hinahayaan niyang lumapit si seith at halos magpalitan lang sila nang suntok. Naalala ko tuloy ang paborito nitong movie na DIE. HARD mukhang inaaply nya mga napanuod nyang stunts doon. At para sa pinaleng act isang suntok mula sa ilalim mula kay toya ang dahilan ng pagbagsak ni seith. tsk tsk knock out boy.. "Tsk. Bakla pala manuntok ha kita mo ngayon tulog ka." Sabay akay kay seith papunta sa clinic.   "Good job toya"  Isang thumbs up lang ang ibinato nito bago magtungo palayo sa amin.   "Line up tim and spike" Nagsimulang sumugod si spike kay tim using his right hand. Pero naiwasan ni tim yon knowing him mabilis ang reflexes ng isang to kaya nyang mag adjust in just a short period of time kahit pa pabigla bigla ang kalaban. Ginamit naman nito ang paa niya para sipain si spike pero naka talon agad ito. Bago pa maka angat si tim ay isang sipa rin ang ginawa niya kaya naman natumba sa pagkakaupo si tim. Medyo gulat pa ito, sabagay matagal na rin bago kami nag training ng ganito. Pero sa kalaunan isang ngisi rin ang pinakawalan nito. Exciting para sa kanya yung mga ganito, kaya isang magandang streching ang laban nila. Kamao sa kamao. Mukha sa mukha ang labanan sino kaya ang mauunang magka pasa. Isang suntok mula sa sikmura pataas sa baba ni spike ang biglaang inamba ni tim, gulat namang napa atras si spike. Pagkatapos ay ngumisi rin ito. “Salamat sa pampagising tol, haha ihanda mo yang mukha mo lalagyan ko nang pasa yan” naka ngising bulyaw ni spike kay tim Napapa-iling na lang kaming nanunuuod sa dalawa, kitang kita ang improvement nang dalawa pagdating sa combat. Hindi ko tuloy maiwasang ma mangha sa mga kasama ko. Ilang taon narin kaming magkakasama bilang isang team. Umabot sila ng 1 and half hour sa paglalaban pero wala natapos ang laban na parehas silang tumba so game over pareho. Ibang klase buti hindi isa sa mga to ang kalaban ko. "Good job both of you improve in your stamina, reflexes and strength" Kaya inakay nila ang isa't isa para maka tabi sa may puno. "Hooh, umabot tayo sa laban nila al" Napalingon naman ako sa nag salita. Tsk nandito ang mga unggoy kong kaibigan siguradong magpupustahan na naman sila kaya sila manonood. "Oh kay jacob ako ah ipupusta ko yung bar ko sa bacolod pag ako nanalo dobleng bayad ah"    "Kay al babes parin loyal ako, pag na nalo ako akin na yung sports car nyo" "Basta manuod na lang kayo mga gago talaga" Tatawa tawang sambit ni marcus sa mga kasama. Hinubad ko ang suot kong jacket kaya ngayon naka sando na lng ako. Naunang sumugod si jacob hinawakan niya ang braso ko sabay hagis saken sa ere kaya medyo tumalsik ako. Arrghh what a rough guy. "Hoohhh , ihanda nyo na mga bayad nyo" Kaya naman tumayo ako sabay sipa sa kanya mula sa ilalim paitaas sumakto sa mukha nya pero madali rin siyang nakabawi. Mula sa likod pinilipit nya ang braso ko kaya naman ginamit ko ang ulo ko at binigyan sya nang head butt.  Isang suntok mula sa tiyan, at sa mukha ang pinakawalan ko kahit medyo hilo ako. Nang makahuma, isang kamao ang muntik ng maglanding sa mukha ko mabuti at nahawakan ko ang braso nya sabay ikot sa kanya sa ere na nagpatumba dito. Mabilis naman nakarecover si Jacob at sinugod nya ako nang suntok, gamit ang kamay ko ay sinasalag ko ang mga suntok nya sa paraan nang pag paghampas nang mga ito palayo sa akin. Hinuli naman nito ang kamay ko para hilahin ako pabagsak, kaya iniikot ko ang mga paa ko sa leeg nito, kaya kasama ko siyang bumagsak. Inipit ko ang leeg ni Jacob gamit ang mga braso ko, sinusubukan naman nitong kumawala kaya siniko niya ako sa sikmura na nag pa atras sa akin. Pero bago pa ito maka amba ulit nang suntok inipon ko ang lakas ko sa kamao ko at binigyan ko sya nang supresang suntok sa sikmura kasabay nang isa pang suntok sa kanyang mukha gamit ang kaliwa kong kamao na nagpatumba dito. "arrgh, masakit Gen." Ungol ni jacob haha sorry kailangan e nakakahiya namang matalo ako diba. "Ehem, paano akin na ang susi ng sports car mga pare yes may pang racing na ulet" Tsk. Iniwan ko silang nagbabangayan sa burol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD